Chapter 49

4K 152 42
                                    

Dedicated to: MikYoongi


Chapter 49

Father

Walang umimik sa amin ni Ry sa biyahe pauwi ng bahay. He insisted on taking me home, afraid that I might get in an accident because of my state right now. Hindi na ako tumanggi pa at sinunod na lamang siya at baka kung ano pa nga ang mangyari sa akin.

I know he's worried. Ayaw ko ng makadagdag pa ng problema sa kaniya.

"What are you thinking?" he asked.

"Nothing," I simply replied.

Hindi ko na alam. Hindi ko na alam ang gagawin. Nalilito na ako sa lahat. Hindi ko na alam kung kanino ako maniniwala. Sa sarili ko ba o sa kaniya. I don't know anymore. Litong-lito na ako.

Nakadungaw lang ako sa bintana at pinapanood ang madilim at walang taong daanan papunta sa amin. Hindi na nagtanong si Ry ng mapansin niyang wala akong gana makipag-usap. Tahimik na lang itong nagmaneho.

He always sees me like this. He always wipes my tears away. Simula no'ng nasa Seattle kami. Kung paano ako umiiyak tuwing iniisip ang lahat ng nangyari sa akin. Lahat ng sakit na nararamdaman ko siya ang nandoon. Binalutan ako ng hiya ng ngayon ay umiiyak na naman ako at siya na naman dang dahilan.

Palagi na lang. Palagi na lang siya.

"Thank you for taking me home, Ry. I'm sorry that I bothered you," sabi ko ng hinihinto na niya ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.

"Kahit kailan ay hindi ka naging sagabal sa akin. Nandito lang ako palagi, Henzy."

Tipid na nginitian ko na lang siya at bubuksan na ang pintoan ng bigla siyang nagsalita na siyang nakapagpatigil sa akin.

"You still love him," he told me as if he can see my feelings directly.

Natigilan ako at hindi nakapagsalita. Parang ang bigat ng binitiwan niyang salita sa akin at hindi ko pa ma ito ma iproseso.

Love him? I don't know... Hindi ko na alam... Maayos naman ako. Okay na ako pero dahil sa gabing ito ay tila bumabalik na naman ako sa dati. Ang lahat ng pinaghirapan at ginawa ko sa sampung taon ay nauwi na naman sa wala.

Masyadong mabigat ang salitang 'yan sa akin at hindi ko na alam kung totoo pa ba to. Kung totoo pa ang pa ba ang lahat ng iyan. Mahal? Ang bigat para sa akin... 'di ko na alam kung malalim pa ba ang salitang 'yan para sa akin.

Kung hindi ko siya pinuntahan hindi sana mangyayari 'to. Kung hindi ko sinagot ang tawag niya hindi sana ako naguguluhan ngayon.

"I don't know anymore, Ry... I don't know. I build myself for years, but at this moment, it slowly falls apart," nangihina kong tugon sa kaniya.

Pumikit ako at sinandal pabalik ang sarili sa loob. I build and regain myself for so many years, yet it takes a minute to fall apart again.

"He still loves you. I heard it all, Henzy," nagsalita ulit siya.

Narinig niya pala lahat ng iyon? Naniniwala ba siya sa sinabi ni Reeve? Naniniwala ba siya sa lahat ng binitawan niyang salita sa akin kanina? Kasi kung ako ang tatanungin. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung kanino ako maniniwala.

Sa kaniya ba o sa sarili ko.

Binuksan ko ang mata ko sabay tingin sa kawalan.

Yeah, he loves me. He loves me, yet he cheated on me. What kind of love does he have?

In Your Arms ( Med Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon