Chapter 37

30 2 2
                                        

Chapter 37


Kabado ako sa mga nagdaang araw. Each passing day, I am trying to calm myself down preparing for the day that we'll meet again.


Helen called me yesterday. She reminded me of my meeting with Van. She also told me to prepare my presentation because Van is demanding for it. Hindi ko lang masabi ang gulat ko dahil ang usapan naman ay papers lang ang ipapasa ko at hindi na kailangan ng presentation.



I told Carmie and Clark about that. Hindi naman nakatanggi si Clark dahil bilang head ng department, napagtanto nya na okay nga din naman ang hinihingi ni Van.



I sighed heavily when I entered the hall. I was weaing a white longsleeves and a pencil skirt. I am also wearing a black stilletos kaya maingay ang tunog nito sa paglakad ko.  When Helen saw me, she stood up and smiled widely at me.



"Good morning." she greeted. I smiled.


"Good morning Helen."


"Mr. Cortez is in a meeting right now. I was told to make you wait for awhile. Patapos na din naman yun kaya huwag kang mag-alala." aniya.


Tumango ako at naglakad papunta sa couch kung saan ako maghihintay. Helen asked me if I want anything but I politely shrugged my head. Pagkatapos non, bumalik na sya sa pwesto nya habang naiwan naman akong mag-isa.


I took out my phone when it vibrated.


Gab:

Andy, the organizers told us to meet them at 5pm. Anong oras ka matatapos? Susunduin kita.


Mabilis akong nagtipa ng reply sa kanya.

Ako:

Maaga akong matatapos. Wag mo na akong sunduin. Dadaan pa akong office.


Sumabay lang ako kay Amara papunta dito. I guess I just need a moral support after the break down I had last time. She assured me that everything's gonna be fine.


Isa pa, trabaho ang pinunta ko dito kaya dapat propesyunal kami.


"Miss Fortaleja, pasok ka na."


Nag-angat ako ng tingin kay Helen ng tawagin nya ako. Hindi ko man lang napansin ang oras dahil abala ako sa pagtitingin ng cake para sa birthday ni Giddeon.


I immediately stood up and brush my hair using my fingers. Binasa ko din ang labi ko at bumuntong hininga bago naglakad papalapit kay Helen. When I looked at her, she's looking at me with awe.


"Bakit?" kabadong tanong ko. Umiling naman sya bago ngumisi.


"Nothing. Ang ganda mo Miss." sabi nya kaya namula ang pisngi ko.



Mas lalo kong naramdaman ang kaba noong papasok na ako. Mahigit ang hawak ko sa dalang flashdrive kung nasaan ang presentation ko. Nagdala din ako ng isa pang copy ng proposal para sure.



Helen closed the door behind us when I entered. Napalunok ako ng makita si Van na nakaupo sa swivel chair nya habang nakakunot ang noo at may binabasang kung ano.


I cleared my throat and he bring up his eyes on me. Umawang ang labi ko bago ako nag-iwas ng tingin.


"Good morning S-sir." sabi ko at kinunot ang noo ko.


I heard his swivel chair moved. Nang nag-angat ako ng tingin ay nakita ko syang nakatayo habang tinanggal ang butones ng suot nyang longsleeves.



To Fall ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon