Chapter 1
Hindi ko na sya pinansin ulit pagkatapos noon. Hell, I didn't even give him a simple glance. I hate him. I hate what he did, and I am hating what's he's doing right now.
Monday came and I don't want to go to school. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin kay Papa dahil hindi ko alam ang sasabihin nya. Kaya tahimik lang ako habang hinahatid nya ako sa school. I kissed his cheeks and waved him goodbye when we arrived.
Isang malakas na buntong hininga ang ginawa ko dahil papasok na naman ako. I wish not to see him but I know it's impossible. Magkaklase kami kaya no choice ako.
Pumasok ako sa room at binati ng ilang kaklase. Naupo ako sa tabi ni Amara. Sya yung kasabay kong kumain last Friday. Naalala ko yung name nya ng tawagin sya ng iba naming classmates. She only smiled at me then back to reading her book. Umismid ako. Ang geeky naman. Pero I must admit, she's pretty, prim and proper. Mapapa sana all ka na lang. Kaso masungit.
Huminga ako ng malalim ng nagsimula ang klase. Nakaawang ang labi ko habang nililibot ang tingin sa paligid. He isn't here.
I don't know if I'll be happy or what. Basta, mabuti at wala sya dito!
"Looking for someone?" Amara asked me. Binalingan ko sya ng tingin.
"Huh?" I asked but she only smirked at me.
"Half day si Van ngayon. Nag excuse sya." sabi nya na nagpakunot sa noo ko.
"And? Pakialam ko?"
Nagkibit balikat sya sa akin bago ngumisi.
"Wala lang. Baka lang gusto mong malaman." aniya.
Umismid naman ako. If ever, that I'll be friends with her, aasarin ko sya ng bongga kapalit ng pang-aasar nya sa akin ngayon. But I doubt I'll be friends with her. Parang ayaw nya sa akin e. Ayaw ko din naman sa kanya so quits lang.
Amara is right. Van didn't go to school the whole morning class. As if I care. Dahil wala naman sya, hindi na din ako bothered. Tahimik lang akong gumagawa ng activities namin. I ate lunch alone. Hindi ko din naman ineexpect na sasamahan ako ni Amara. She has this masungit feels.
After lunch, I saw him entering the canteen. Umismid agad ako. Bumagsak ang tingin ko sa kamay ko na sinisipsip nya last Friday. The thought was really horrific for me. Ramdam ko na din yung dila nya sa palad ko.
I remember myself screaming in the bathroom with the sudden thought. And now, looking at him, it feels like I hated him even more.
Nakangisi sya nung pumasok sa canteen. Madami kaagad na kumaway sa kanya. Mostly, babae. Napairap ako. Ang playboy.
Napatuwid ako ng upo ng dumako ang tingin nya sa akin. I cleared my throat when I saw him walking towards me. I gulp with the anticipation. Napawi ang ngiti nya at biglang nagseryoso. Tumaas ang kilay ko.
I thought he'll pester me again like what he always do last week but I'm wrong. Nilagpasan nya lang ako at napansin ko pa ang palihim nyang pag-irap sa akin. My jaw fell.
Aba! At sya pa ang galit? Bakit? Dahil sa sampal? Ikaw ba naman sipsipan ng kamay hindi mo sasampalin? At bakit ang suplado nya?
I gritted my teeth. Tss, he's a playboy and a snob. There's no way in hell that I'll like him, even for being a friend!
That whole month, hindi nya talaga ako pinapansin. Okay lang dahil hindi ko din naman sya pinapansin. I gained friends too, but I don't get close to them that much. And surprisingly, it doesn't bother me at all.
---
Nasa may field kami naglalaro ng volleyball isang hapon. Time ng P.E namin pero late ang teacher kaya kami muna ang naglaro. I'm not sporty so, I just tried playing that thing. Sayang, graded daw e. Ayoko namang mahulog sa P E subject. As long as I can, I don't want my father to worry for me.
BINABASA MO ANG
To Fall Apart
Teen FictionLumuninous Heart Series # 2 Love is the greatest gift that a person can ever feel. But what if you fell for the person you never thought you'll be capable of loving? Are you gonna risk your relationship, or save the friendship? They say, loving is a...