Chapter 38
"Ma'am?" gulat na usal ni Anya ng makitang basang basa ako. Iniabot ko sa kanya si Giddeon at tinanggap nya naman.
"Linisan mo na tapos patulugin. Mamaya ako pupunta ng kwarto nya."
"Towel po, ikukuha kita." aniya pero umiling ako.
"Wag na. Si Giddy na lang asikasuhin mo." I said. I leaned forward and kissed Giddeon on his forehead. Pagkatapos noon ay umakyat na sila.
"Andy?"
I turned my back and saw Gab looking at me with disbelief. Nahihiya akong ngumiti.
"I'm sorry. Hindi ako nakaabot."
"Bakit basang basa ka?" nag-aalalang tanong nya, not minding what I just said.
"Tumakbo ako mula gate hanggang dito." I shrugged.
"Bakit? You could've told me. Sana sinundo kita."
I bit my lower lip to hide the nervousness I'm feeling. Bumuntong hininga ako bago naglakad papunta sa hagdanan. Naramdaman ko ang pagsunod nya.
"Saan ka ba galing?" he asked while following me.
"VGC Corp." tipid na sagot ko.
"Bakit hindi ka nag-text? Hindi mo dala yung sasakyan mo. Si Amara ba ang naghatid sayo?"
Bumuntong hininga ako sa sunod sunod na tanong nya. I know I owe him an explanation but I am tired. Ngayon ko lang narealize kung gaano ka-draining yung araw na to.
"Yung boss yung naghatid sakin." sabi ko. Gab's forehead creased. Huminga ako ng malalim ng nakarating ako sa kwarto ko.
"What? Bakit?"
I see no point in hiding this to him. Parehas nasa corporate world si Van at si Gab. At hindi naman kaso kung nagkita kami ni Van kaya hindi din dapat big deal na sabihin kay Gab.
"Hinatid ako ni Van." matapang na sabi ko. Natigilan sya at mas lalong nagsalubong ang kilay nya.
"Van?" he asked. I nodded.
"Yep. Van as in Van. He is the CEO of the company I'm working in. " I said as if it's not a big deal. And it shouldn't be.
"Kailan kayo ulit nagkita?"
"A few days ago. It's just pure work Gab." I said dismissing the conversation. Umigting ang panga nya bago tumingin sa akin.
"Does he know about Giddeon?"
Umiling ako, medyo naiinis na dahil pinapahaba nya pa ang usapan.
"No. And I am not planning to tell him. Pagkatapos ng project namin, hindi ko na sya makikita ulit." I said.
Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa amin. Alam kong naiinis sya dahil hindi ko agad sinabi. Pero ayokong abalahin sya para lang sa sariling issues ko.
"Hinatid ka?" ulit nya. Pagod na napabuntong hininga ako.
"I'm tired."
"At nagpahatid ka naman? Kakakita nyo pa lang. Paano kapag nakita nya si Giddeon, anong gagawin mo?" tanong nya and this time, hindi na nya natago ang inis.
BINABASA MO ANG
To Fall Apart
Teen FictionLumuninous Heart Series # 2 Love is the greatest gift that a person can ever feel. But what if you fell for the person you never thought you'll be capable of loving? Are you gonna risk your relationship, or save the friendship? They say, loving is a...