Chapter 43
Wala ako sa sariling pumasok sa loob ng bahay. Natuyo na ang mga luha sa pisngi ko pero mabigat pa rin ang paghinga ko.
Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng tubig pero natigilan ako ng makita si Van na nakahilig sa counter top at nakatingin sa kawalan.
Huminga ako ng malalim kaya napatingin sya sa akin. Dumeretso ako sa ref para kumuha ng tubig at naramdaman ko naman syang sumunod sa akin. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko.
I put my glass down when he stood beside me. I sighed and turned my back.
"Bakit ka umiiyak?" tanong nya. Tumigil ako bago kinunot ang noo.
"I don't want to talk right now." pagod na sabi ko. He arched his brows.
"Sinaktan ka ba nya?"
Gusto kong matawa sa tanong nya. Dahil hindi ako sinaktan ni Gab. Kahit kailan, hindi nya ako sinaktan. Ako yung nanakit at eto ako, nasasaktan na din dahil sa kagagawan ko.
Umiling ako at hindi na sumagot. Nilagpasan ko sya at umakyat papunta sa kwarto ko nang hindi sya nililingon.
I throw myself in my bed when I got in. Nagpatuloy ulit sa pagpatak ang mga luha ko. I bit my lip hard because of my heart clenching.
Bumabalik sa akin lahat ng sinabi ni Gab.
Tama sya. He stayed when everybody left me. Even the person I loved the most left. Pero si Gab, nanatili sya. Tinanggap nya ako, minahal nya ako.
At hindi ko din alam kung bakit... bakit hindi sya.
I fucking want to slap myself hard. I want to fucking teach my heart to love him. Kasi, mas madali kung si Gab. Mas safe ang puso ko. Hindi nya ako nasasaktan kagaya ng paulit ulit na ginagawa ni Van.
Pero hindi ko kaya.
Ang tanga kong puso, nakakapit pa rin sa nakaraan. Yung dati na hindi na naman maibabalik pa.
Isa pa, ayokong mas lalo lang kaming magkasakitan kung pipiliin ko si Gab dahil lang sa mas madadalian ako.
I don't want to enter a relationship because it's convenient. It would be toxic and suffocating. Mas lalo lang kaming mahihirapan.
That afternoon, I wept in my bed thinking how I lost a friend again.
And, wishing... hoping. Sana si Gab na lang.
---
Gabi na noong magising ako. Mabilis akong bumangon at nagtungo sa banyo para makaligo at makabihis na. I went out of my room and went to Giddeon's to see if he's there. Nang makita na wala, dumeretso na ako sa ibaba para hanapin sya.
I found out Giddeon in our living room. Nakaupo sya sa kandungan ni Van at nakikipaglaro sa kanya. Natigilan ako dahil sa nakita ko.
Van is looking at Giddeon with so much love and adoration. Sumakit ang puso ko nang marealize kung gaano may kamahal ngayon ang anak ko. Habang si Giddeon naman ay malayang nakikipaglaro sa kanya. He's carefree and happy.
The two of them, they are both representation of home, and contentment.
Nag-angat ng tingin sa akin si Van. Nag-usap pa sila ni Giddeon at akala mo seryosong bagay talaga ang pinag-uusapan nila. Mariing nakikinig si Giddeon habang nagsasalita si Van na nakatingin naman sa akin.
BINABASA MO ANG
To Fall Apart
Teen FictionLumuninous Heart Series # 2 Love is the greatest gift that a person can ever feel. But what if you fell for the person you never thought you'll be capable of loving? Are you gonna risk your relationship, or save the friendship? They say, loving is a...