Chapter 39

21 1 0
                                    

Chapter 39


Unknown number:

Andy, can we talk?


Mariin akong pumikit bago pinatay ang cellphone ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago tumanaw sa bilog na bilog na buwan mula dito sa kwarto ko.


The night is silent and peaceful. But it wasn't enough to calm my heart.


Hinatid ako ni Gab dito kanina. I was expecting him to scold me but he didn't. Sinabihan nya lang ako magpahinga at sya ang nag-alaga kay Giddeon. Hindi ko alam kung anong oras sya umalis dahil nakatulog ako sa sobrang pagod kakaiyak.



It's already 1am when I received this text. It was so obvious who it was. Kaya naiinis ako dahil bakit pa? Ano pang pag-uusapan namin?



For the whole week that I was in his office, I admit, I almost forgot about his relationship with Mafie. Hindi ko naman kasi nakikita na dumadalaw doon.


Pero yung nangyari kanina, para akong sinampal ng katotohanan.


Matagal ko ng sinabi na nakalimutan ko na sya. Pero sinong niloko ko? Paano ako makakalimot? I spent almost my whole life with him. He was there when I am reaching for my dreams. He was there when I cry, when I'm happy. He was always there.



May anak kami. Araw araw, kapag nakikita ko ang mata ng anak ko, naaalala ko ang mata nya. Sa tuwing ngumingiti ang anak ko, naaalala ko ang mga ngiti nya na minsan ding ako ang naging dahilan.



So tell me? How can I easily forget about him?


Suminghap ako at pinahid ang luhang lumandas sa pisngi ko. My heart hurt. Nagbabara din ang lalamunan ko dahil sa mga hikbi na pinipigilan ko lumabas.



I'm just tired crying for him.


Ngayon ko lang narealize kung gaano ako naging tanga. Tama si Carmie, I have a choice. Pwede ko syang iwasan pero hindi ko ginawa.


Oo na, nangungulila ako sa kanya. The sight of him brings back all our memories. Kaya kumapit ako.



Pero narealize ko din na tama na. Masaya na sya. At tama din si Mafie. He's better off without me. Dapat nga umiwas ako. I should have given up the project. I should avoid him.



Kung bakit kailangan ko pang masaktan ng ganito para marealize yun ay hindi ko alam.



Kinabukasan naabutan ko si Gab sa dining area namin kasama si Giddeon. Tinanghali ako ng gising. Off ko din naman ngayon at pinagpapasalamat ko yun.



I sat in front of them. Giddeon is innocently eating while I am staring at him. Ramdam ko din ang titig sa akin ni Gab pero hindi ko sya pinansin.



"Are you okay now?" he asked.



Mabilis kong inayos ang sarili ko. Ngumiti ako bago nagsandok ng pagkain.


"Yep. Kakausapin ko ang organizers ngayon. Final touches na lang para sa birthday ni Giddeon sa Sabado."



Hindi kaagad sumagot si Gab. Nag-angat ako ng tingin at naabutan ko syang pinagmamasdan ako. Tipid akong ngumiti.


"I'm fine." I assured him. Or maybe I will be in time.



"Just don't let him hurt you anymore." aniya sa malambing na boses. Tumango ako.



That day, I stayed inside our house to finalize Giddeon's birthday. Gab is with me helping me plan it out. Nagsend na din ako ng invitations sa mga kaibigan ko.



To Fall ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon