Chapter 14

15 2 0
                                    

Chapter 14


Bumuntong hininga ako at pinatay ang cellphone ko para wala ng pumasok na tawag. Nakuha ko ang atensyon ni Arielle sa ginawa ko. She took a glance of me then shrugged her head.


"Ang tagal na ng away nyo ni Van ah. Hindi pa rin ba kayo nagkakabati?" she asked putting down her pen.


Nasa may library kaming dalawa para gumawa ng isang activity. Wala si Amara dahil for sure nasa escapades na naman yun nila ni Tyrell. Kaming dalawa lang ni Arielle at pansin nya ang kanina ko pang pagpatay ng tawag ni Van.



Umiling ako sa kanya at tipid na ngumiti.


"Ayoko na Arielle." sabi ko at yumuko para ipagpatuloy ang sinusulat kahit walang pumapasok sa utak ko.


For days, weeks, or months, I've been ignoring Van. When I said that I don't want to be his friend, I'm serious about it. Sobra na nya akong nasaktan, nasasagad din naman ako.


Maybe others think that it was unfair on his side? Kasi alam ko din naman na wala syang maling ginawa. He just changed because all of us change. Ang mali lang naman ay ako, dahil hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon, nasasaktan ako habang naiisip ko na mas pinili nya si Mafie at paghintayin ako.


He's been apologizing with me since then. He told me that he don't want to lose me, but I really can't tell. Masakit pa, kahit hindi ko alam kung bakit nga ba ganito.


"Teka nga lang."


Napatingin ako kay Arielle ng itabi nya ang mga libro sa harap namin. Kumunot ang noo nya at mariin akong pinukol ng tingin.


"Ayaw mo na ng ano?" nalilitong aniya.


"Maging kaibigan nya?" unsure na sagot ko. Halos magsalubong ang kilay ni Arielle dahil sa sagot ko. Tipid ko syang nginitian.


"Bakit?"


"Kasi ayoko na. I've been rejected and forgotten. Nasaktan ako sa ginawa nya, nasagad na din ako."


Hindi sya sumagot. Silence enveloped us and she's thinking deeply. Inilingan ko na lang sya sa iniisip nya.


"Ano ba kasi talaga ang pinag-awayan nyo?" kuryosong tanong nya.



Nag-angat ako ng tingin sa kanya. If she's asking about our fight that rainy night, alam na nya ang dahilan nun. Pero kung ang tinutukoy nya ay yung pinagmulan, bago pa man dumating si Mafie sa buhay namin, hindi ko talaga alam.



"I... I don't know. It's just one day, he distance himself from me. Bigla na lang parang may nag-iba." sabi ko at yumuko.



Nanatili ang titig sa akin ni Arielle habang patuloy ako sa pagsusulat ng mga letra na hindi ko naman naiintindihan.



"Hindi ka ba nasasaktan sa pag-iwas na ginagawa mo?"



"Syempre nasasaktan ako. He's my best friend." I said as a matter of factly. Tumango tango naman sya.



"You're hurting because..?"



Nanliit ang mga mata ko sa tanong nya.



"Because I also don't like what's happening to us." simpleng sagot ko.


"Or maybe, you're hurting because you're jealous?" she arched her brow.



Kumunot ang noo at handa na sanang sumagot ng may dinagdag pa sya.



To Fall ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon