Chapter 45

219 6 2
                                    

Pinaghatak ako nang upuan ni Sandrei bago siya umupo sa tabi ko.

"Pasensya na. May kinausap lang ako sa cellphone ko kaya medyo natagalan," wika ko.

"So workaholic." Irap ni Ina sakin na kinatawa nang mga kaibigan ko. "Oh, btw umorder na pala kami. May gusto pa ba kayong idagdag?"

Umiling ako saka binaling ang tingin kay Drei. "Ikaw love may gusto ka pa ba?"

"Wala na love. Ikaw lang naman ang gusto ko eh."Kindat niya sakin na naging sanhi pa nang panunukso ng mga kaibigan namin.

"Napaka-corny mo po," natatawa kong wika.

Kwentuhan at asaran lang ang ginawa namin hangang sa dumating na ang inorder naming pagkain. Napapansin ko naman ang pagsulyap sakin ng waiter na nagdala ng order namin.

"Excuse me, Pwede mo ba kaming picturan?" tanong ni Tiffany.

Sinaway ko naman agad ang kaibigan ko dahil sa sinabi niya. "Ano ka ba Tiffany. Pwede namang tayo nalang ang mag-picture,"

"Okay lang po Ma'am," nakangiting wika niya sakin. Naramdaman ko naman ang braso ni Sandrei na inakbay niya sa balikat ko.

Ngumiti nalang kami habang nakatingin sa camera nang phone Tiffany. Pagkatapos niyang ibalik ang cellphone ay sumulyap nanaman siya sakin kaya nginitian ko nalang siya nang alanganin.

"Ang ganda niyo po Ma'am," nahihiyang wika nang waiter sakin habang napatingin ang mga kaibigan ko kay Sandrei na binagsak ang kubyertos.

"Oh! Thank you," alanganin kong wika sabay lingon sa katabi ko na nakasimangot na. "Kumain na tayo love,"

Pagkaalis nang waiter ay hindi parin ginagalaw ni Drei ang kubyertos niya kaya nilingon ko siya.

"Love ayaw mo ba nung inorder nila sayo? Gusto mo bang umorder uli ako?" Sabay tayo ko pero bigla siyang nagsalita.

"Wag na wag kang lalapit sa counter at baka pormahan ka nanaman nang lalaking yun!" malamig na wika ni Drei bigla namang natahimik ang lamesa namin at ako naman ay umupo uli sa pwesto ko.

"Love?" Lumingon ako sa mga friend namin na nagkibit balikat lang sakin. "Tungkol ba ito sa waiter kanina? Don't tell me pag-aawayan natin ang compliment niya sakin?"

"Talagang nagresponse ka pa sa kanya 'no?" mapaklang wika ni Drei.

"Anong gusto mong gawin ko? Wag siyang sagutin? Drei para namang nakakabastos yung gusto mong gawin
ko sa lalaking kakausapin ako. Wala naman akong ibang sinabi diba?"

Umirap siya sakin saka sumandal sa upuan niya kaya napabuntong hininga nalang ako sa naging reaction niya sakin.

"Alam mo kung mag-aaway lang tayo dito sa restaurant at sa harap nang pagkain ay mas maganda kung umuwi nalang ako at magcelebrate kang mag-isa!" Sabay tayo ko sa upuan ko saka kuha sa sling bag ko.

Bago pa ako makaalis sa pwesto ko ay hinawakan niya na ang agad ang kamay ko. "Fine! I'm sorry... Sorry kung napakaseloso ko at ayokong may ibang lalaking kumakausap sayo,"

"Sandrei you don't have to be jealous... Wala ka bang tiwala sakin?Ikaw ang boyfriend ko! Ikaw ang mahal ko okay?"

"I trust you so much love. I can't trust them! I'm sorry,"

Nginitian ko nalang siya at umupo na uli sa tabi niya. Habang kumakain kami ay napagusapan nalang namin yung magiging sunod na hakbang nila after nilang makapasa.

Hindi rin naman sila mahihirapan kasi may sarili naman silang kompanya na nag-aantay sa kanila.

Pagkatapos naming kumain ay umuwi narin kami dahil may pasok pa kami. Kasalukuyan kaming nasa byahe ni Sandrei.

Love Series 1: The Selfless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon