Chapter 44

194 4 0
                                    


Mula nang makaalis kami sa ospital ay hindi ako kumikibo na parang wala ako sa aking sarili at kanina ko parin napapansin ang paglingon sakin ni Sandrei.

We'll never be happy with the person we love without hurting other people.

Kailangan ba talagang may masaktang iba para lang maging masaya? Tama ba yung desisyon ko na buksan yung puso ko para sa lalaking minamahal namin ng kapatid ko?

"Love." Alog sakin ni Sandrei kaya napalingon ako sa kanya. "Nandito na tayo sa tapat ng bahay niyo,"

Lumingon ako sa bintana at doon ko lang napansin na nasa labas na nga kami ng bahay namin.

"Papasok ka pa ba sa loob ng bahay?" ani ko.

"Hatid lang kita sa loob ng bahay niyo tapos uwi narin ako para makapagpahinga kana,"

Tumango nalang ako sa kanya bago lumabas ng sasakyan at napansin ang isang sasakyang nakaparada sa tapat namin.

May bisita kaya sila Daddy? Parang masyado ng gabi para bisitahin pa sila dito.

Naglakad nalang ako papuntang gate namin habang nakahawak sa baywang ko si Sandrei nang may tumawag sa pangalan ko.

"Cassie,"

Napalingon ako sa boses na pinanggalingan nang makita ko si Ace na galing sa sasakyan na nakaparada sa harap namin.

"Ace, I'm tired! So please, Umuwi ka na dahil wala nakong oras sa pangungulit mo sakin." Tumalikod na ko sa kanya at handa nang pumasok ng magsalita nanaman siya.

"I'm sorry!"aniya. "I'm here to say goodbye and I don't see anything wrong with that,"

Lumingon ako sa kanya at naabutan kong nangingilid ang mga luha sa kanyang mata.

"Naunawaan ko na Casie. Na kahit kailan ay hindi ka mapapasaakin, Na hindi mo na ko mahal kaya humihingi ako ng tawad sa mga trouble na naidulot ko sayo." Tumingala siya para pigilan ang kanyang luha.

"A-ace,"

"I just decided to go back to America, Maybe this time I will forget what I feel for you, that I will forget that you will never be mine no matter what happened,"

Hindi ko maiwasang maluha dahil sa nakikita kong nasasaktan ko siya. May nasasaktan nanaman akong tao.

"I'm sorry Ace kung hindi ko masuklian yung feelings mo sakin. Sana dumating yung time na maging masaya kana sa piling nang babaeng mamahalin mo," ani ko.

"You're always be my first and greatest love at hindi ako magsisisi na ikaw ang minahal ko." Lumingon siya sa boyfriend ko bago nagsalita uli. "Pre, Ingatan mo siya ha? Maswerte ka at mahal na mahal ka niya dahil binalewala niya ang lahat para sayo,"

Tinanguan niya lang si Ace saka nakipag-shake hands.

"K-kailan ang alis mo?" tanong ko.

"Bukas nang madaling araw ang flight ko," aniya. "Can I hug you for the last time?"

Tumango ako sa kanya na naging sign sa kanya para lapitan ako at yakapin.

Love Series 1: The Selfless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon