Chapter 26

218 11 12
                                    

Kinuha ni Daddy ang cellphone niya saka tinawagan si Nanay Belen at niloud speaker ito para marinig namin.

[Hello po Sir,]

"Nay belen, Nasan ka po?" tanong ni Daddy.

[S-sir,]

"Nay, Nakuha nanamin si Cassie sa bahay nang nanay niya. Kinukulong siya ni Emilia,"

[S-sir Patawarin niyo po ako kung hindi ko sinabi sainyo,] Hagulgol ni Nanay sa kabilang linya. [Y-yung pananakit nila Emilia na pisikal mula umpisa hindi ko sinumbong kasi ayun ang gusto ni Cassie pero nagtetext ako sainyo baka sakaling makuha niyo yung punto ko. K-kaya ako naman sinisigurado kong gising ako habang hindi nakakatulog si Cassie dahil baka mag-away nanaman sila nang kapatid niya, tapos nitong kinulong nila si Cassie sinubukan kong pagsabihan si Emilia pero masyado siyang malupit dahil nga kay Candice kaya nong sinubukan ko kayong tawagan ay nahuli naman niya ko saka pinalayas sa bahay,]

"Bakit hindi kayo nagsumbong sakin pagkaalis niyo?" singgit ni Mommy Ria sa usapan.

[D-dahil tinakot po ako ni Emilia na sisiguraduhin niya raw na hindi niyo na makikita si Cassie kapag nagsumbong ako... Natakot ako baka anong gawin sa bata lalo na wala ako don kaya umasa akong magsusumbong si Cassie dahil may cellphone pa naman siya. Patawarin niyo po ako sir,] paliwanag nito.

Nagulat ako sa narinig ko dahil hindi ko alam na tinakot pala siya ni Mommy dahil sa pagliligtas niya sana sakin.

"Salamat Nay Belen sa pag-aalaga at pagbabantay sa anak ko," pasasalamat ni Daddy kay Nanay.

[Walang anuman po yun. Masaya akong sainyo na titira si Cassie dahil walang araw na hindi ko naisip ang batang yan,] wika nito.

Pagkatapos nang usapan na yun ay bumaba narin kami para mananghalian.

"Dy, Papasok po ako bukas?" paalam ko.

"Are you sure? Ayaw mo ba talagang magpacheck up?" tanong nito.

"Okay naman po ako Dad. Ilang araw narin po akong absent eh tapos gradball na namin sa friday,"

Tumango siya sakin saka pinagpatuloy ang pagkain namin, Nilagyan pa ako nang kanin ni Drei sa plato ko.

"love hindi ko na mauubos yan," saway ko.

"Ako ang mauubos pero hangang kaya mo pa kumain ka para makabawi ka nang lakas," wika nito.

Nginitian ko nalang siya saka kumain katulad nga nang sinabi niya kailangan kong makabawi nang kain dahil sa bahay hindi ako nakakain nang madami dahil konti lang ang binibigay ni Mommy sakin.

Pagkatapos naming kumain ay naisipan naming pumunta nang mall para makabili ako nang susuotin sa gradball.

"Anak, Kaya mo na ba?" nag-aalalang tanong ni Mommy Ria.

"Opo My. Saglit lang din po kami,"

Nginitian niya ako saka lumingon kay Drei. "Iho Ikaw na bahala ah?"

"Opo Tita," nakangiting wika ni Drei saka sumakay kami nang sasakyan.

Dalawang sasakyan lang gamit namin dahil sila Ina at Ryle nakisabay nalang samin.

"Ina may susuotin kanaba?" tanong ko.

"Oo beb. Gusto lang namin na samahan ka," wika nito kaya humarap nalang ako sa cellphone ko.

Naglalaro lang ako sa cellphone ko nang biglang tumunog cellphone ni Drei na nasa Dash board.

"Love paki-check naman kung sino ang nagtext sakin," pakiusap ni Drei habang nakatingin lang sa harap.

Love Series 1: The Selfless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon