Habang nasa byahe kami papunta sa bahay ay tahimik lang si Drei sa pagmamaneho."Love, Are you okay?" malambing kong tanong.
"Okay lang ako," malamig nitong wika habang nakatingin sa kalye.
Tinignan ko nalang siya hangang nakarating kami ng bahay ay hindi niya ako binigyan ng pansin.
Hinalikan ko si Mommy Ria at Alvin nang maabutan ko sila sa sala.
"Nasan po si Dad?" tanong ko.
"May inasikaso lang Iha."Sabay tayo nito. "Maghahanda lang ako ng meryenda niyo,"
"Thank you po My. Magbihis lang din po muna ako." Umakyat na ako papuntang kwarto ko.
Pagbaba ko ay may pancit canton at tasty ng nakahanda sa sala kaya umupo nalang ako sa tab ni Drei.
"Anak, may make up artist na pala akong kinuha para bukas," wika ni Mommy Ria.
"Oh, Thank you my. Dapat kahit ako nalang po mag-ayos sa sarili ko,"
"Bukas na ang last party mo sa university kaya dapat ikaw ang pinakamaganda don,"
Ngumiti nalang ako kay Mommy saka kumain habang nag-kwekwentuhan kaming mag-babarkada.
Biglang tumunog ang cellphone ko kay Drei kaya napatingin ako pero hindi ko naman masyadong makita pero umigting ang panga ni Drei.
"Mag-usap tayo." Naglakad siya palabas ng bahay.
"Anong problema 'non?" tanong ni Ulysses.
Nagkibit-balikat nalang ako saka sumunod kay Drei.
Naabutan ko siyang nakatayo sa may garden. "Ano bang problema natin?"
Tinignan niya ako ng masama bago pumindot sa cellphone ko.
"What? Kanina ka pa malamig sakin," naiirita kong wika.
"Ano ito?" Pakita niya sa facebook ko na may friend request ni Ace.
"Oh, He was the one at the university earlier? Remember Ace?"
"Bakit siya nag-friend request sayo?"
"I don't know, okay? At wala naman akong makitang mali na makipagkaibigan sa kanya,"
"Wala!? He was your ex!"
Ex? Kailan ko naging ex si Ace? San niya ba nakuha yung idea na yun.
"He's not my EX!"
Sinamaan niya ako ng tingin saka bumuga ng hininga.
"Ano yung sinabi ni Candice kanina?" malamig na tanong nito.
"So you believe her that easily?" hindi ko akalaing paniniwalaan niya yung sinabi ni Ate kanina samantalang wala namang sinabi si ate na naging kami ni Ace.
"He's your first love right?"
"Look, Maybe he's my first love but doesn't mean he became my boyfriend," paliwanag ko sa kanya saka hinawakan ang kamay niya.
"Hindi mo siya naging boyfriend? Wala siyang feelings sayo?"
"Well, Our feelings is mutual pero katulad nga ng sinabi ko hindi naging kami,"
"Paano? Anong nangyare?"
"Gusto mo bang maging kami?" natatawa kong wika pero sinaman niya lang ako ng tingin. "Fine! Katulad ngayon nagustuhan din siya ni Ate Candice,"
"Ibig sabihin siya yung lalaking ni-let go mo para sa Ate mo? Naging sila ba?"
"Hindi naging sila kasi hindi naman siya gusto ni Ace kaya nung pinagtutulakan ko si Ace at sinabi ko sa kanyang mahalin niya o hindi si Ate ay hindi parin magiging kami ay umalis nalang siya ng bansa," paliwanag ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/235263697-288-k200951.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Series 1: The Selfless Love
RomanceChoose between sacrifice and Selfishness. ***** This story is work of fiction, names, character, places and incidents are either a product of author's imagination or used fictiously. Any resemblance to actual people living or dead events or locales...