Chapter 32

189 9 0
                                    


"Ate wake up! Wake up!"

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may yumuyugyug sakin. Tumingin ako sa labas ng makitang nasa loob na kami ng resort.

Gising narin ang mga kaibigan ko bukod kay Drei na nakasandal ang ulo sa bintana.

"Love." Tapik ko sa balikat niya.

Minulat niya ang mata niya saka tinignan niya ako bago umayos ng tayo. "Nandito na tayo,"

Paglabas namin sa sasakyan ay hinahatak na ako ni Alvin papunta sa loob para magpalit ng damit.

"Baby kailangan nating tulungan sila sa pagbubuhat ng gamit natin,"

Sumimangot naman ito saka padabog na umupo sa bench. Tumawa naman sila Mommy and Daddy sa itsura ng kapatid ko.

"Sige na princess. Pumasok na kayo dahil kanina pa excited mag-swimming niyang kapatid mo,"

"Sigurado po kayo Dad?"

"Nandito naman yung kaibigan mong lalaki,"

Tumango nalang ako saka kami naglakad papasok sa loob. Hawak-hawak ko si Alvin na nagmamadali sa paglalakad.

"Alvin, Wag kang pupunta sa malalim baka malunod ka ha?" bilin ni mommy  na nasa likod lang namin.

"Yes po mommy." Tumakbo na papasok sa restroom para makapagpalit ng swimming trunk.

Tumulong naman kami kay Mommy na mag-ayos ng mga pagkain sa lamesa at ibang gamit namin.

"Bakit hindi pa kayo magpalit? Hindi pa ba kayo maliligo?" tanong ni mommy habang nag-aayos.

"Mamaya na po ako," wika ko at humarap sa mga kaibigan ko. "Magpalit na kayo kung gusto niyo maligo,"

Nagmadali namang kuhanin ang pang-swimming nila papuntang cr kaya napailing nalang ako sa kanila.

"Tita san ko po ilalagay itong cooler?" tanong ni Drei.

"Dito nalang iho." Turo ni mommy habang nilalabas yung ibang pagkain.

Dumating na rin sila Dad at Ulysses na pawis na pawis kaya kinuhanan ko sila ng tubig.

"Thank you," pagpapasalamat ni Ryle at naramdaman ko naman yung braso ni Drei sa baywang ko.

"Uminom ka muna love. Pawis na pawis ka." Punas ko sa noo niyang pawis.

"Beb bakit hindi ka pa nagbibihis?" wika ni Tiffany sa likod namin.

"Tinulungan ko pa si Mom at walang titingin kay Alvin kaya hinayaan kong mauna kayo,"

"Magbihis kana beb. Nanjan nanaman sila Sandrei ,oh." Turo nito sa mga kaibigan at nobyo ko.

Kinuha kona yung one piece swimsuit ko saka dumiretso sa restroom. Sinuot ko naman uli yung maong short ko kahit naka-swimsuit na ako.

Pagbalik ko sa pwesto ay kinuha ko sa bag ko yung sunblock at naglagay sa katawan ko. Nagpunta rin ng restroom yung tatlong boys para siguro magpalit ng panligo nila.

"Beb tapos kana?" masayang wika ni Ina. "Let's take a picture with your fam,"

Tinawag ko naman si Alvin para sa picture taking namin. Nakapwesto na kami nila Dad tsaka nila kami pinicturan tapos sumama na sila. Miski nung dumating yung tatlo ay kumuha din kaming kasama sila.

Masaya akong kahit gaano kakomplikado yung buhay ko pagdating sa mommy at Ate ko ay nandito naman ang mga kaibigan ko lalo na si Mommy Ria para punan ang mother figure para sakin.

"Tara na?" Hawak ni Drei sa braso ko.

Ngumiti naman ako sa kanya at sabay kaming tumalon sa swimming pool na sinundan ng barkada.

Love Series 1: The Selfless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon