Kanina pa ako nandito sa bahay at kanina parin ako kinakatok nila Mommy Ria at Daddy.
"Dad please leave me alone,"
"Princess, I just want to check if your okay." Katok nito sa pintuan ko.
Pinunasan ko yung luha ko bago sumagot. "I-I'm okay Dad. I just really want to be alone,"
Mayamaya ay narinig ko yung palayong yapak ni Daddy mula sa kwarto ko.
Ilang beses naring tumawag sakin sila Ina at Drei pero miski isa ay wala akong sinagot sa tawag nila.
Natatakot ako na baka maghiwalay nga kami ni Drei dahil sa nangyare. Dahil sa iniisip niya na nagugustuhan kong mahal pa ako ni Ace. It's been seven years and I really moved on.
Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa kakaiyak ko. Naalimpungatan nalang ako at sobrang dilim na pagtingin ko sa orasan ay midnight na pala.
Bumaba ako para kumain dahil kanina pa kumukulo ang tiyan ko sa gutom. Nagluto nalang ako ng cup noodles para makain ko ng may magsalita sa likod ko kaya napaharap ako.
"Kanina pa kita inaantay na bumaba ka kasi nag-aalala akong hindi ka kumain," wika ni Dad.
"Sorry po kung napuyat ko kayo Dad,"
"What's your problem? Pinaiyak kaba ni Drei?" tanong ni Dad.
"We just had a misunderstanding Dad. Hayaan niyo na po magiging okay din kami." Kuha ko sa pagkain ko saka umupo.
"Base sa pamamaga ng mata mo ay parang hindi yan misunderstanding pero hahayaan kita kung ayaw mong sabihin sakin,"
"Salamat po Dad. Magpahinga na po kayo,"
"Magpahinga kana rin after mo rito ha?" Lumapit siya sakin para bigyan ako ng halik sa ulo.
Habang kumakain ako ay binasa ko yung mga text ni Drei sakin na ang laman ay puro pakiusap na mag-usap kami pero binura ko nalang lahat ng text niya sakin.
Hindi naman ako galit sa kanya. Maybe disappointed kasi di ako makapaniwalang masasabi niya sakin kaya masakit sa part ko.
Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto saka nanuod nalang ng netflix para magpa-antok.
Nakadalawang movie na ako nang maramdaman ko yung antok ko kaya pinatay ko ang laptop.
Kinabukasan...
Dahil late na akong nakatulog ay late nadin akong nagising buti nalang wala kaming schedule. Kinuha ko yung cellphone ko habang bumabangon ako.
Love:
Sunduin ba kita?Sandra?
Naalala ko nanaman yung nangyare kagabi kaya hindi ko maiwasang malungkot. Ito ang unang beses na nag-away kami ni Drei na tiniis ko siya and vice-versa.
Bumangon nalang ako saka dumiretso sa banyo. Nag-babad ako saglit sa bath tub bago nagtuloy tuloy sa pagligo.
Pagbaba ko ay naabutan ko si Daddy nanunuod ng tv.
"Alis na po ako Dad." Lakad ko palapit ko sa kanya saka humalik sa pisngi.
"Hindi ka ba kakain princess?"
"Hindi na po," ani ko. "Nanjan po ang driver Dad?"
"Oo nakabalik na galing sa paghatid kay Ria sa kekasmai,"
Ngumiti nalang ako saka lumabas na at nagpahatid sa university. Nakasuot lang sakin ang headphones ko habang nakatingin lang sa labas.
Dahil hindi naman traffic ay hindi na kami nahirapang makarating sa university.
BINABASA MO ANG
Love Series 1: The Selfless Love
RomanceChoose between sacrifice and Selfishness. ***** This story is work of fiction, names, character, places and incidents are either a product of author's imagination or used fictiously. Any resemblance to actual people living or dead events or locales...