Nang makalapit na ako sa pwesto nila ay tinawag ko agad si Ate Candice.
"Ate Candice," tawag ko.
Humarap naman sila sakin pero ang sama ng tingin sakin ni Mommy
"Anong kailangan mo?" malamig na tanong ni Mommy.
Tinignan ko si Ate Candice saka nginitian siya. "Congratulations Ate! Masaya akong makita kang suot ang toga at okay kana,"
"Hindi ko kailangan ng bati mo Cassie at okay? Sino may sabing okay na ako? Hindi porket masaya kana ay wala kang naapakang tao," pabalang niyang wika.
"Sana yung pag-graduate natin ngayon ate ay maging daan para makalimot ka since hindi mo na makikita uli si Sandrei," mahina kong wika saka nilingon si Mommy. "Mom, Valedictorian po ako. Baka gusto mo pong ikaw ang magsabit sakin ng medal?"
Umirap siya sa kawalan saka nagsalita. "Tapos kana? Kung tapos kana pwede ka ng umalis sa harap ko kasi naaalibadbaran ako sayo,"
Kahit pala ilang beses mo ng marinig o ipamukha sayo na wala silang pake sayo ay masakit parin lalo na't ate at mommy ko siya.
Tumalikod nalang ako sa kanila saka bumalik sa pwesto nila Dad. Hinawakan ako sa baywang ni Drei saka tinanong kung okay lang ako kaya tinanguan ko nalang siya.
Nag-uusap nalang kami hangang sa dumating na yung oras na sisimulan na yung graduation namin. Nagsisimula ng maglakad papasok kaming mga gagraduate sa auditorium at dahil parehas kami ng surname ay nasa harapan ko siya.
Nakapwesto kami sa designated sit namin ng magsalita ang emcee.
"The program will start in a few minutes. Let us observe silence,"
Hindi rin nagtagal ay sinimulan na ang program ng graduation.
"A pleasant morning/afternoon ladies and gentlemen. Let us welcome the graduating class of School Year 2017-2020 at Anderson University together with their teachers, principals, Division Superintendent and Guests," wika ng emcee.
Habang patuloy ang program ay nag-usap kami nung isang katabi ko tungkol sa magiging future work namin. Nakuha ko narin yung diploma ko at inaantay ko nalang ang tawagin ako para sa awards.
"Ms. Cassandra ang galing mo kasi hangang dulo napanatili mo ang pagiging valedictorian mo," maligayang wika ng katabi ko.
Ngumiti ako sa kanya bago nagsalita. "Cassie nalang itawag mo sakin saka kahit wala naman honor basta may natutunan ka ay sapat na yun,"
"For sure your mom and dad will be proud of you,"
Napangiti nalang ako sa kanya nung biglang lumakas ang boses ng emcee na nasa stage.
"Deserving graduates will now be awarded medals of honor. We would like to request the parents of students with honors/students with high honors and students with highest honors to come up the state to give the award to their children. They will be assisted by our principal and the Schools Division Superintendent."
Inantay kong matawag yung pangalan ko bago ako dumiretso sa stage.
"Students with Highest Honors Ms. Cassandra Montemayor,"
Pagkatawag ng pangalan ko ay naglakad ako papunta sa stage at narinig ko naman yung sigaw ni Ina.
"Kaibigan ko yan!" hiyaw ni Ina na kinatawa ng lahat.
Nailing nalang ako sa kanya habang inantay si Daddy na naguguluhan sa nangyayare habang paakyat ng stage.
Habang sinasabit ni Dad sakin yung medal ko ay kinausap niya ako. "You didn't tell us about this princess,"
BINABASA MO ANG
Love Series 1: The Selfless Love
Roman d'amourChoose between sacrifice and Selfishness. ***** This story is work of fiction, names, character, places and incidents are either a product of author's imagination or used fictiously. Any resemblance to actual people living or dead events or locales...