EPILOGUE

588 7 0
                                    


"Bro, Bar uli tayo ha?" pangungulit ni Ulysses samin ni Ryle.

Napailing nalang ako sa kanya at pinagpatuloy ang paglalakad sa loob nang magiging university namin.

"What?! Ayaw niyo? Oh, Come on! Don't be kj," naiinis niyang wika.

"Ano bang meron sa bar at gabi-gabi mo kaming hinahatak ron ni Ryle?"

"Chicks," natatawang wika niya. "Saka doon mo rin naman nakikilala ang mga naka-fling mo,"

Umiling ako sa kanya at pinagpatuloy ang paglalakad sa hallway nang magiging university namin ngayong kolehiyo pero patuloy padin sa pangugulit sakin si Ulysses hangang sa may mabangga ako dahilan kung bakit natapon sa kanya ang mineral na hawak ko.

"Oh my God!" wika nang babaeng maganda na nasa harapan ko. "Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh."

Hangang makaalis ang magandang babae ay hindi ako makapagsalita.

"Hoy gago! Hindi ka manlang nagsorry sa babae." Sabay batok sakin ni Ulysses.

Sinundan ko naman ang babae na naglalakad na paalis nang univeristy.

"She's beautiful." maikli kong wika.

Sayang lang dahil hindi ko manlang nalaman ang name niya. The next time I saw you, I will make sure that I will get your name.

"New prospect huh?" nakangising wika ni Ryle.

Napailing nalang ako sa kanila saka nauna nang naglakad sa kanila. "Tara na!"

Weeks passed. And I'm looking for the woman I bumped with last week. Maybe, I want to say sorry to her and to be friends with her.

Nandito lang kami nakatambay sa hallway since wala kaming class ngayon nang biglang narinig ko yung pinaguusapan nanaman nila yung babaeng laging topic dito sa buong university.

"Sino ba yung pinaguusapan nila?" ani ko.

"Hindi ko alam na tsismoso ka na ngayon Dude." Natatawang wika ni Ulysses.

Tinaas ko naman ang middle finger ko sa kanya. "I'm just curious. She's so much popular to this univeristy,"

Bigla namang hinila ni Ulysses ang lalaking naglalakad sa harap namin.

"Sino ang pinag-uusapan niyo?" maangas na tanong ni Ulysses.

"Y-yung babaeng maganda sa university at kumakalat na matalino raw sa klase." kabadong wika. "Papunta siya rito kaya sigurado makikita niyo siya," dagdag niya bago umalis sa harap namin.

Dahil gusto naming makilala yung babaeng laging pinaguusapan ay inantay talaga namin ang pagdaan hangang sa may matanaw akong babaeng sobrang familiar sakin.

"Dude diba siya yung nakabanga mo nung nakaraang linggo?" Turo ni Ryle sa babaeng malapit na samin.

Yes. She's the girl that I'm looking for. They're right. She's beautiful.

"Excuse me?"

Nakatingin lang ako sa kanya pero dahil siniko ako ni Ryle ay bigla akong nabalik sa wisyo ko.

"I'm sorry." Ani ko saka gumilid.

Nginitian niya naman ako saka dumiretso na sa canteen.

Napangisi ako nang lumingon muna siya sakin bago pumasok.

"Punta tayong canteen." Ani ko saka naunang naglakad sa kanila.

Bumili lang akong softdrinks at burger saka dumiretso sa pwesto nung babaeng maganda kanina.

Love Series 1: The Selfless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon