Chapter 15:

254 21 10
                                    


Habang nasa taxi ako ay tinext kona sila Dad at Mommy Ria na doon ako uuwi sa kanila pero dumaan muna ako sa malapit na park para makapag-isip isip padin.

Habang nakatingin ako sa mga batang naglalaro sa park ay biglang may tumawag sakin.

"Tita Ellie?"

[Iha, May problema ba kayo nang anak ko?] tanong nito sa kabilang linya.

"Uhm... Misunderstanding lang po tita," bulong ko. "Bakit po?"

[Diba 3pm lang klase niyo? Ngayon kadadating lang niya tapos lasing na lasing eh, dahil narin siguro ngayon nalang uli siya uminom.]

"Wag po kayong mag-alala tita, kausapin ko nalang po siya bukas,"

[Hindi sa nangingialam ako 'nak, Alam ko lang talaga kasi kung gaano ka kamahal nang anak ko.]

Pagkatapos niya ay pinatay nadin niya agad ang usapan namin.

What did you do Sandrei? Cassie you need to decide now.

After 2 hours, It's already 8pm in the evening nang maisipan ko nang umuwi dahil umaambon at madilim na.

Kring! Kring! Kring!

Habang nag-aantay ako nang taxi nang biglang bumungad sakin yung tawag ni Ina.

"Hello,"

[Where the hell are you? Tawag nang tawag ang daddy mo samin dahil wala ka pa!] sigaw nito.

"Nag-aabang nako nang taxi pauwi,"

[Nag-aabang? You mean nasa kalye kapa? Ang lakas nang ulan, ha?]

"Kaya nga eh. Basang-basa nako, wala pading taxi eh."

[Saan kaba nagpunta? Maliwanag pa nung naghiwa-hiwalay tayo.]

"Nagpunta lang ako nang park para mag-isip, Alam mo ba Ina na umuwing lasing si Sandrei sabi ni tita ellie sakin? Mas lalo ako nakonsensya dahil nasaktan ko siya," wika ko habang pasakay ako nang taxi.

[OMG! Basta yung sinasabi ko sayo kanina? lahat yun pag-isipan mo.]

"Thank you Ina. Ibaba ko muna medyo malapit nako sa bahay eh," paalam ko bago ibaba ang tawag.

Habang nasa byahe ako hindi ko maiwasang maiyak sa nangyare sa amin ni Sandrei. Natatakot ako.

Pagkarating ko sa bahay ay hindi parin tumitila ang malakas na ulan.

"Iha, Wala kabang payong? basang basa kana eh," tanong nito habang sinusuklian ako.

"Wala po Manong eh," wika ko saka lumabas na nang taxi saka pinindot ang doorbell nang bahay nila daddy.

Cassie stop crying. Pumunta ka rito para makahinga, hindi para magpa-awa sa kanila.

"Omg! Iha bakit basang basa ka? anong nangyare?" pagtatanong ni Mommy Ria habang pinapasok ako sa bahay.

Pagpasok namin sa loob nang bahay ay naabutan ko si Daddy na hawak ang cellphone na parang may tinatawagan habang nakasimangot.

"Princess." Gulat na tawag nito sakin.

"Maliligo muna po ako Dad, Mommy Ria," wika ko bago umakyat nang kwarto ko.

After 1 hour....

Nakahiga ako sa kwarto habang nakatingin sa kisame nang biglang pumasok si Mommy Ria.

"Anak, Kain na tayo?"

"Busog pa po ako," sambit ko.

Noong una pinipilit niya pa ako pero siguro nang mapansin niyang ayoko talagang pumayag ay bumaba na rin siya.

Love Series 1: The Selfless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon