Chapter 50

291 7 0
                                    

It's been three weeks since I left the philippines...

Walang ginawa si Ina kundi i-convince akong umuwi dahil patuloy na sinisira ni Sandrei ang buhay niya.

Hindi na raw pumapasok si Sandrei nang trabaho, Laging nakakulong sa kwarto at nagpapakalasing.

Miski si Daddy pinipilit naring akong bumalik dahil wala naman raw nangyayari sa pag-sasakripisyo ko. Lagi raw pinagtatabuyan ni Sandrei si Ate Candice.

"Tulala ka nanaman jan," panggugulat sakin ni Ashley.

Ngumiti lang ako sa kanya saka tumingin sa laptop ko na si Sandrei ang wallpaper.

"You know what girl, Why don't you go back in the philippines? You aren't happy here!"

"Alam mo kung anong sagot ko jan," ani ko.

"Pero sinabi nang mga kaibigan mo na ayaw padin nang boyfriend mo sa Ate mo kahit iniwan mo na,"

"My Ate needs him! She's sick!" madiin kong wika.

"Oh, Come on Cassie kung mamamatay siya bakit hindi siya ang pumunta dito sa ibang bansa para magpaggaling? Kailan pa naging doctor o gamot ang boyfriend mo?"

Napataas ang kilay ko sa pamimilosopo niya sakin na kinatawa niya lamang naman bandang huli.

"Stop being stupid girl. Stop being selfless! Hindi ka mabibigyan nang award sa pagiging selfless mo," balewalang wika ni Ashley sakin.

"It's easy for you to say that,"

"Aren't you tired? Buong buhay mo wala kang ginawa kundi isipin ang ibang tao, Ang Ate at Mommy mo pero sila ba may nagawa para sayo? Sometimes, It's not bad to be selfish because in the first place ay nagmahal ka lang naman,"

Yes. I love him pero hindi ko alam bakit sobrang komplikadong mahalin si Sandrei.

"Walang mali kung magmahal ka kahit may nasasaktan ka pa dahil walang perpekto sa mundo. May masasaktan at masasaktan ka kahit anong gawin mo. Alam mo kung anong mali? Ang bitawan mo yung taong walang ginawa kundi mahalin ka. Tama na ang pagsasakripisyo girl! It's time for you to prioritize your own happiness," dagdag niya.

Hindi ko namalayang naiyak na pala ako sa sinabi niya sakin.

Tama nga bang unahin ko naman yung sarili ko? Lord, Bigyan niyo naman ako nang sign oh?! Buong buhay ko wala akong ginawa kundi magsakripisyo para sa Ate Candice ko pero bakit ako padin ang nasasaktan hangang dulo?

Bakit napakahirap maging makasarili? I really wanted to choose my happiness but it is the right thing to do?

Nabalik lang ako sa realidad nang tumunog ang skype ko sa laptop at nag-pop up yung mukha ni Ina.

"Ina," ani ko.

"Cassie, I have something to tell you!" natataranta niyang wika.

"What is it?"

"Your Ate is lying! Nagsisinungaling siya sayo at sa pamilya mo! Pinapaikot ka lang niya!" dire-diretso niyang wika sa harap nang screen ko.

"What are you talking about Ina? I can't understand you!" naguguluhang wika ko.

"She told you that she has a stage 4 cancer right? That's not true! She's not dying!"

Bigla akong napatigil sa sinabi niya. Totoo ba yung narinig ko? Pero sino ang matinong tao na pepekein ang sakit?

"Ina please stop convincing na bumalik jan. I know what you're doing! Sinasabi mo yan para mapabalik ako sa pilipinas,"naiinis kong wika.

"Yes! I want YOU to go back here but I'm saying the truth! Narinig namin siya ni Tiffany na kausap ang mommy mo na sinasabing hindi raw tunay yung sakit niya. Diba Tiffany?"

Love Series 1: The Selfless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon