Habang kumakain kami nang biglang tumunog yung cellphone ko kaya nagpaalam ako sa kanila para masagot ito."Mom, Bakit po?" Tanong ko sa kabilang linya.
[Bakit? Hindi kaba marunong magpaalam ha?] Sigaw nito kaya napalingon si daddy at tita ria sakin.
"Mom, Nag-shopping at kumain lang kami ngayon nila daddy." Mahinhin kong sagot dito.
[Sumisipsip nanaman pala sayo ang kabit ng daddy mo sayo, Para ano? para matanggap mo siya.] Mataray nitong tugon.
"Mom, Hindi naman po saka pwede po bang wag niyong tawaging mistress si tita Ria...They already married diba po? Ang tagal na nilang kasal mom."
[Talagang pinagtatanggol mo talaga yang babaeng yan 'no? Wag kang uuwi dito ngayon, ha!] Sigaw nito saka pinatay ang tawag.
Napatingin nalang ako kay daddy at humingi nang pasensya sa kanila.
"I'm so sorry po tita Ria and Dad." Mahina kong tugon sa kanila saka ngumiwi nalang.
"It's fine anak," Sagot ni tita ria. "Sorry 'nak ah?"
Ha? bakit siya nag-sosorry sakin?
tinignan ko siya at nakita ko yung lungkot sa mga mata niya habang hawak siya sa balikat ni daddy."Sorry for what tita?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Because of me, Hindi kayo complete family kasama ang mommy mo." sagot nito sakin.
"Hon." Tawag ni daddy sa kanya.
"Oh, Come on, tita Ria its not your fault besides daddy isn't happy anymore with my mom... Wala po tayong magagawa don tita." Sagot ko sa kanya at tipid na ngumiti.
"Mommy, Why are you crying?" Tanong ni alvin sa kanya.
"N-nothing baby, Finish your food para maihatid nanatin ang ate mo sa house nila." Sagot nito habang pinupunasan ang luha niya.
Pinunasan ko muna ang bibig ko bagp nagsalita uli. "Dad...Tita, Pwede po bang sainyo muna ako matulog?"
"Sure 'nak, lagi kang welcome samin. Bahay mo din yun." Sabi nito saka hinawakan ang kamay ko kaya napangiti nalang ako sa kanya.
Maswerte nalang siguro ako dahil kahit hindi ko ma-feel yung pagiging ina sa Biological mother ko ay nandito si tita Ria for me, She's always here to support me for everything... She loves me like her own flesh and blood.
••••••••
Nandito na ako ngayon sa kwarto nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Bumungad sakin ang pangalan ni Sandrei.
[Hi cassie.]
"Bakit gising kapa? 10pm na ah?" tanong ko dito.
[Hindi ka pa kasi nagtetext kung nakauwi kana eh.]
"Uh... Sorry, Akala ko kasi tulog kana eh....saka kadadating lang din namin drei."
[Drei?] Natatawang nitong tugon sa kabilang linya.
"Ang haba kasi nang sandrei, kaya pinaikli ko nalang. Ayaw mo ba?" Paliwanag ko sa kanya.
[Hindi okay lang...So pwede ba kitang tawaging sandra?]
"Huh? bakit?"
[wala lang...Para ako lang tatawag sayo nun.]
"Okay lang din naman sakin." Nakangiti kong sagot dito habang nakatingin sa salamin.
Tok! Tok!
Hindi pa ako nakakasagot nang bigla nang bumukas ang pinto nang kwarto ko.
"Princess?"
Nginitian ko muna siya bago nagpaalam kay sandrei saka binaba ang tawag.
"Mommy mo?" Tipid nitong tanong.
"Hindi po dad, Si Sandrei po"
Nginitian ako ni daddy habang tinitignan ako sa mga mata.
"Dad, Stop it!" Saway ko dito.
Natawa siya sakin saka nagsalita. "Why? Masaya lang akong makita kang masaya sa kanya."
"Dad, I told you already, Sandrei and I are just friends."
"Princess, I'm a man and I know that he likes you besides nakikita ko sa mga mata mo yung kislap tuwing kasama o kausap mo siya."
"I know that he likes me dad," Sagot ko dito. "But it's complicated... Atleast He's my friend"
Nag-kibit balikat nalang ako sa kanya para wag nang humaba yung usapan namin 'bout kay sandrei.
Nakatingin lang siya sakin kaya naisipan kong tanungin nalang siya.
"Bakit po daddy?" Tanong ko sa kanya.
"I'm sorry princess ha?" Malungkot na saad niya sakin.
"For what po dad?"
"Kasi... Alam kong nahihirapan ka sa situation mo dahil hindi na kami nagsasama nang mommy mo." Saad niya.
"I understand po dad." Sagot ko saka ako napatingin sa pinto ng kwarto ko tapos nakita ko si tita ria na nakatingin samin.
"Believe me princess, Sinubukan ko namang manatili yung feelings ko sa kanya eh... Kaso laging walang time ang mommy mo sakin, saatin hangang isang araw nalaman ko nalang na may relasyon sila nang ninong mo." Paliwanag nito sakin.
"Dad, I understand don't worry, okay? Besides it's 10 years already after you decided to end your relationship with mom... I know that you tried your best to be a good husband and father to us... For me, You never failed me."
"Thank you princess, Sana matanggap narin nang ate candice mo ang bago kong asawa." Sabi niya sakin.
"I love you dad," nakangiti kong sagot saka siya niyakap
Niyakap niya naman ako pabalik saka ako hinalikan sa ulo.
"Ang sweet naman nang mag-ama ko." Biglang singit ni Tita ria samin.
Umayos ako nang upo habang tumayo naman si daddy at nginitian si tita ria habang lumalakad naman siya palapit sakin at naupo sa gilid nang kama ko.
"Anak, Kumusta ka na sa school mo?" tanong nito sakin.
"Okay naman po tita ria." tipid kong sagot.
"You're lying," Sagot niya saka tinignan ako sa mata. "Nirereport sakin nang secretary ko na madalas kang awaying ni ate candice mo?"
Napatingin naman ako sa kanya dahil hindi ko expected na pinabantayan niya pala ako sa school na pag-aari niya.
Oo pag-aari niya ang Anderson University kaya madali para sa kanilang malaman kung anong nangyayari sakin sa university.
"Princess?" Nag-aalalang tawag sakin ni daddy "Kausapin ko nalang ang ate mo."
"Wag na po dad," Pagpigil ko dito. "Saka petty things lang naman yun eh... I'm Fine baka magalit pa sainyo si ate candice"
"Anak, Are you sure?" tanong naman ni tita ria sakin kaya tumango ako sa kanila.
"Kadalasan lang naman po ay tungkol lang kay Sandrei... He likes sandrei kaya ganon po." Kibit balikat kong pahayag sa kanila.
"Kaya ba hindi mo ine-entertain yang nararamdaman mo kay sandrei?" tanong ni tita ria.
"Tita, I like Sandrei as a friend."
"Indenial ka lang iha, Tandaan mo kahit anong pigil mo jan sa isipan mo ay hindi mo mapipigilan ang nilalaman nang puso mo." Pangaral niya sakin.
Bakit ba lahat sila sinasabi nilang mutual feelings ang meron kami ni Sandrei? Wala nga namang hindi kagusto-gusto kay Sandrei, Masaya ako kapag kasama ko siya dahil kaibigan ko siya.
"Osiya... Magpahinga na tayo, Nga pala pwede bang Mommy ria nalang din ang tawag mo sakin?" Tanong niya sakin kaya tumingin din ako kay dad at tinanguan niya lang ako.
"Okay po Mommy Ria, Goodnight!" Sagot ko dito saka hinalikan sila sa pisngi.
Ilang minuto lang ang lumipas ay naramdaman nako nang antok kaya nilagay ko na ang cellphone ko sa table sa gilid ng kama.
°°°°°°°°
Pasensya na kung ito lang nakayanan ko ♥️
![](https://img.wattpad.com/cover/235263697-288-k200951.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Series 1: The Selfless Love
RomanceChoose between sacrifice and Selfishness. ***** This story is work of fiction, names, character, places and incidents are either a product of author's imagination or used fictiously. Any resemblance to actual people living or dead events or locales...