Chapter 30

240 9 2
                                    

Pagpasok palang namin sa loob ng Manila Hotel ay sa hallway palang ay rinig na rinig na ang music.

Madami ng mga estudyante naka-tambay sa paligid na binabati kami.

Halatang pinaghandaan ang event na ito dahil sa labas palang may pa-red carpet na patungo sa mismong pagaganapan ng Gradball namin.

May pa-chandelier pa na isa sa nagiging silbing liwanag sa party.

Makikita mo ang mga estudyante sa paligid na nakasuot ng nagagandahang gown.

Pagpasok namin sa loob ay may usher na agad na naka-abang samin.

"Ma'am and Sir, Picture po muna kayo."Lahad ng camera man na nasa harapan namin.

After naming kuhanan ng picture ay sinamahan na kami ng usher sa magiging lamesa namin.

"Thank you," nakangiti kong wika sa usher at nginitian lang kami bago umalis.

Aalalayan na sana ako ni Drei sa pag-upo ng may magsalita sa likod namin.

"Sandrei." Lumingon naman kami sa nagsalita at nakita namin si Ate Candice kasama ang mga alagad niya.

Tinignan ko yung gown niya. Parehas kami ng style ng gown at kulay lang ang pinagkaiba nito.

Tinaasan niya ako ng kilay bago humarap uli kay Drei.

"Do I look beautiful with my gown Sandrei," malanding wika nito habang hawak ang laylayan ng gown niya.

Tinignan naman siya ni Drei mula ulo hangang paa bago nagsalita. "Okay lang,"

"What? Ayan lang ang sasabihin mo after mo akong tignan,"

"Look, Sana sinuot mo yang gown mo dahil ayun ang required sa gradball, Hindi para magpa-impress sakin,"

Makikita mo kay ate na napahiya siya dahil sa pamumula ng mukha niya at biglang sumingit yung kasama niya sa usapan.

"Candice, Parehas kayo ng gown ng sister mo." Nakaturo sa gown ko habang nagsasalita.

Tinignan naman ako mula ulo hangang paa ni Ate habang ang mga kaibigan ko ay nagpipigil ng tawa.

"What the hell!" pagtangis nitong wika. "Ginagaya mo ba ako?"

"Ate I'm not like you para gayahin ka. besides, nagtataka kapa ba? We have a same taste nga pagdating sa lalaki 'diba? So, hindi na nakakagulat na magustuhan natin ang parehas na gown," kibit balikat kong wika.

"Bwesit ka. Wala ka ng ibang ginawa kundi gayahin ako," hiyaw nito na nakakuha ng atensyon ng tao sa paligid.

"Talagang gagawa ka ng eskandalo sa mismong Gradball natin? Aren't you tired of bitching me Ate? Look, maganda ka sa gown mo. Ikaw ang dapat ang unang naniniwala sa sarili mo at hindi mo kailangan pang marinig ang puri sayo ng boyfriend ko pero sana pati yung ugali mo ay ayusin mo para bagay sa kasuotan mo,"

Susugurin niya sana ako at sisigawan ng biglang magsalita ang emcee.

"Good Evening ladies and Gentlemen. May I have your attention please? In a few minutes, We are about to begin the Graduation Ball so please take your seat and make yourself comfortable,"

Hinawakan ako sa baywang ni Drei saka inalalayan sa upuan namin. Naramdaman kong nakatingin parin si Ate samin pero hindi nalang namin tinapunan ng tingin ito.

Umuupo narin ang ibang estudyante sa mga assigned seat nila kaya umupo narin si Ate sa lamesa na malapit samin.

"Welcome to the first Gradball of Anderson University. It is an honor and privilege to be asked as an MC at this momentous occasion,"

Love Series 1: The Selfless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon