Nagising ako sa boses ni Mommy Ria pero yung pakiramdam ko sobrang bigat, Masakit ang ulo at feeling ko ang lamig-lamig."Anak, Gising na baka malate ka sa school," wika nito kaya bumangon akong hawak ang ulo ko.
Saktong pagtayo ko nang makaramdam akong hilo kaya napahawak ako sa ulo ko.
"Anak, Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Mommy Ria.
"Mommy Ria, Nahihilo--" Bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay naramdaman ko nalang na patumba nako.
"CASSIE!" sigaw ni Mommy Ria bago ako mawalan nang malay.
*Blink* *Blink*
Pagkagising ko ay naabutan ko si Mommy Ria na natutulog sa gilid nang kama habang nakaupo sa sahig.
Anong nangyare? Bakit nandito si Mommy Ria? Wait. Anong oras naba?
*Creek!*
Paglingon ko sa pinto nandon si Daddy papasok.
"Dad, Bakit dito natutulog si Mommy Ria?" tanong ko. "Anong oras na po? Malalate nako,"
"Princess, 12pm na nawalan ka nang malay saka mataas ang lagnat mo kanina kaya sobrang alala kami sayo nang mommy Ria mo," paliwanag nito saktong nagising si Mommy Ria.
"Anak, Kumusta na pakiramdam mo?" tanong ni Mommy Ria.
"Okay na po mommy, Salamat po sa pag-aalaga,"
Nginitian nila ako. "Ipa-aakyat kona yung pagkain mo dito para makainom ka na nang gamot,"
Tumango nalang ako sa kanila kaya naisipan na nilang lumabas, Paglabas nila ay kinuha ko yung cellphone ko sa table ko gilid nang kama.
Bumungad sakin yung text nila Ina at Drei.
Ina:
Bakit wala ka?:Hindi ka papasok?
:Hey? Anong nangyare sayo?
Tiffany:
Beb, Hindi ka papasok?
Nasan kana? Nandito na si sir.Drei:
Nasan ka?:Hindi ka papasok?
:Reply ka naman, Hindi ka pumasok.
Nireplyan ko nalang sila na hindi ako nakapasok kasi nilalagnat ako. Bago binuksan ang social media ko at nakita ko yung post ni Ate Candice na picture ni Sandrei habang nakatalikod at nilagyan niya nang caption na 'my future boyfriend ♥️'
Pero ang mas nakapagpagulat sakin ay yung mga comments dahil puro negatives at may comment din si Sandrei at mga kaibigan ko.
'Sandrei Montes: I can't imagine that you are my girlfriend. Don't assume because I don't like you!'
'Shaina Fuentabelle: Ayy. kabog ate Candice, I didn't know pwede ka palang managinip hangang sa facebook.'
'Tiffany Cruz: Ni hindi ka nga magawang kausapin nang kaibigan namin, Jowain pa kaya 😂 Puro pag-jojowa ang iniisip mo ate, please be responsible ate to your sister muna...'
Napailing nalang ako sa nabasa kong negative comments saka binaba ang cellphone nang dumating sila Daddy.
"Kumain kana Princess," aniya.
BINABASA MO ANG
Love Series 1: The Selfless Love
RomantikChoose between sacrifice and Selfishness. ***** This story is work of fiction, names, character, places and incidents are either a product of author's imagination or used fictiously. Any resemblance to actual people living or dead events or locales...