Chapter 27

221 12 12
                                    

Nagising ako nang may naramdaman akong tumatapik sa braso ko.

"Mommy Ria"

"Gising na iha. Papasok ka diba?" Pagkatapos ay lumapit siya sa bintana ko para buksan ang kurtina.

"Thank you po My." Pagkatapos ay bumangon na ako saka pumasok ng banyo.

Kumusta na kaya si Ate? Magkikita kaya kami ngayon sa school? Hindi ko maiwasang kabahan na baka hindi parin tumigil si Ate.

Pagkalipas ng mahigit isang oras ng pag-aayos ko ay bumaba na ako para makapag-almusal.

Pagpasok ko nang kusina ay nandoon na si Daddy habang may hawak ng dyaryo habang si Mommy Riabay inaasikaso si Alvin.

"Good morning po." Sabay halik sa pisngi ni Daddy at ni Alvin.

Ngumiti lang si Daddy sakin habang si Alvin ay nilunok muna ang nginguya saka nagsalita.

"Good morning Ate," masayang wika nito. "Totoo po bang dito ka na samin titira Ate?"

"Yes Alvin. Is it okay with you?"

"Oo naman po Ate," masigla nitong wika.

Habang kumakain kami nang biglang nagsalita si Mommy Ria.

"By the way, Cassie medyo malapit nang matapos ang coffee shop natin. So anytime pwede nang buksan kaya habang di ka pa nakakagraduate ay ako muna ang bahala?" pagpapaliwanag niya sakin.

"Okay po My. One month nalang naman ay gagraduate natin po ako,"

Nginitian niya nalang ako saktong naman ang pagdating ni Sandrei at diretsong lumapit sakin para humalik sa pisngi.

"Good morning po..." bati niya kela Daddy. "Good morning love,"

"Good morning din love. Kumain kana?" Pagkatapos ay tumayo na ako para kunin ang gamit ko.

"Tapos kana ba Princess?" Tanong ni Dad saka binaba ang dyaryong binabasa.

"Opo Dad," sagot ko. "Love, wait lang ha? Kukunin ko lang yung bag ko,"

Tumango lang siya kaya dumiretso na ako sa kwarto ko para kunin yung bag at cellphone ko.

Saktong pagpasok ko sa kwarto ay tumunog ang cellphone ko.

"Hello Ina,"

[Good morning Beb. Nasan kana?] wika nito sa kabilanh linya.

"Paalis na kami ni Drei,"

[Nandito kami sa parking nagaantay ha?] wika nito bago patayin ang kabilang linya.

Paglabas ko ng bahay ay nakasandal na si Drei sa sasakyan niya kaya hinalikan ko nalang si Daddy at Mommy Ria.

"Tara na Love." Pagkatapos ay naglakad na ako papuntang Passenger seat.

Nang malapit na kami sa university ng magsalita si Drei.

"Love, sure ka bang gusto mo nang pumasok?"

"Ilang araw narin nanaman akong absent love saka Gradball nanatin bukas," wika ko saktong huminto na ang sasakyan niya sa parking.

"Iniisip lang naman kita kung kaya mo na ba? Ilang araw ka ding pinahirapan ng mommy at kapatid mo?"

"Love, wala naman silang ginawa saking iba saka for sure naman wala masyadong gagawin ngayon,"

Tinitigan niya muna ako ng matagal bago nagsalita. "Sige basta wag kang magpakapagod ha?"

"Ang OA mo naman love," natatawa kong wika pero sinimangutan niya ako. "Oo na nga po. Hindi ako magpapakapagod,"

Love Series 1: The Selfless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon