This Chapter is dedicated to
AshleyPaulo8Pagpasok ko palang ay sumalubong na sakin yung tingin ni ate na galit na galit habang umiiyak at yakap ni mommy.
*PAK*
"B-bakit ba napakadamot mo Cassie? Alam mo kung gaano ko kamahal si Sandrei pero ano ha? H-hindi mo na nga nilalayuan tapos sinagot mo pa," hagulgol nito habang dinuro ako.
"Ate please pag-usapan natin ito nang maayos at mahinahon, I know its hard for you to accept it but this is the reality. Nagmamahalan kami ni Sandrei," mahinahon kong wika.
"FUCK YOU!" sabay tulak sakin kaya napaatras ako. "Si Sandrei lang Cassie! Si Sandrei lang ang hinihingi ko sayo pero b-bakit napakadamot mo! BAKIT?"
Pumikit ako nang madiin kasabay nang pagluha ko. "A-ate hindi naman bagay si Sandrei na pwede kong ibigay sayo eh, Akala mo ba madali para saking mag-desisyon? Ate mahirap! ilang beses kong pinigilan at binigyan nang limitation ang puso ko pero tumibok padin ito kay Sandrei, I tried so hard to push him away from me that's why I'm always rejecting him pero he is so persistent, just to get my attention."
Humagulgol siya saka niyakap ni mommy nang mahigpit. Sana ganyan ka din sakin mommy everytime na kailangan kita, everytime na ako ang nasasaktan.
Humakbang ako palapit kay ate para sana yakapin siya pero tinulak niya ako.
"D-don't come near me bitch! I hate you!" Pagkatapos ay tumakbo siya paakyat sa kwarto niya.
"Masaya ka na Cassandra? nasasaktan mo na ang ate mo, napaka-selfish mo talaga! Wala kang kwenta sa kapatid mo!" sigaw nito.
"Paano nga ba maging masaya Mom knowing na nasasaktan ko ang sarili kong kapatid? Sa tingin niyo po ba hindi ko inisip si ate? Kasi kung ayon ang tingin niyo pwes nagkakamali kayo mom dahil ilang beses kong iniisip si ate bago ako mag-desisyon--PAK!" pakiramdam ko nangapal ang pisngi ko sa sampal sakin ni Mom.
Wow! Dalawang sampal ang nakuha ko sa isang oras.
"Wag mo akong sasagutin nang ganyan Cassandra! Anak lang kita baka nakakalimutan mo." madiin nitong wika.
"W-why is it so hard for you to understand me mom? Why is it so hard for you to comfort me? I need you too!" nanghihina kong wika.
"Dahil wala kang ginawa kundi saktan ang anak ko!" sigaw nito saka umakyat na sa kwarto niya.
Saktan ang anak niya? How about me? I am her daughter too.
Napasandal ako sa pinto at tumingin sa mga paa ko. "Anak?"
Paglingon ko ay nakita ko si Nanay belen na nag-aalala sakin nginitian ko siya nang mapait.
"N-nag-away nanaman kami nay, Sinagot ko na po kasi si Drei. M-mahal ko yung tao nay kaya hindi ko magawang ibigay nalang siya basta kay ate," wika ko
"Shhh! I know iha, Nakita ko kung paano mo inuuna ang ate mo kaysa sa sarili mong kasiyahan. Intindihin mo nalang ang ate mo kung saan siya nanggagaling kasi nasasaktan siya ngayon pero makaka-move on din siya," pagsasalaysay niya sakin.
I'm hurting too but my mom won't see my pain and Its hurt to feel this.
Hinawakan niya ang pisngi ko na sinampal nila Ate. "Umakyat kana at gagamutin ko yang pisngi mo dahil may pasa,"
Pag-akyat ko nang kwarto ay naglinis narin ako nang katawan saka humiga sa kama ko.
Tok! Tok! Tok!
"Pasok po," Bulong ko saka tumingin pumikit nalang uli ako habang lumapit sakin si Nay Belen.
"Nagdala ako nang yelo para sa pisngi mo anak." Dinampi niya sa pisngi ko nang dahan-dahan. "Sabihin mo kung nasasaktan ka, ha?"
BINABASA MO ANG
Love Series 1: The Selfless Love
RomansaChoose between sacrifice and Selfishness. ***** This story is work of fiction, names, character, places and incidents are either a product of author's imagination or used fictiously. Any resemblance to actual people living or dead events or locales...