Naalimpungatan nalang ako nang may tumatawag sa pangalan ko nang paulit ulit."Cassie." sabay tapik sa braso ko.
Pagdilat ko nang mata ko doon ko namalayang nasa harap na pala kami nang school ko.
"Tay, kanina pa po ba tayo nakarating?" pagtatanong ko habang kinukuha ang bag at libro ko.
"Hindi naman iha, Sige na pumasok ka na nang makapag-almusal kana." paliwanag niya sakin
"Thank you po 'tay." sambit ko bago isara ang kotse
Habang naglalakad ako sa campus ay madaming ngumingiti sakin at bumabati kaya nginingitian ko nalang sila pabalik hangang sa makarating ako nang canteen.
Habang kumakain ako nang biglang tumawag sa cellphone ko.
~Ina Calling~
"Hi beb," bati ko dito.
[Where are you beb?]
"Nasa canteen ako beb," sagot ko sa kabilang linya. "Punta nalang kayo dito beb."
[Okay.] Paalam nito at pinatay na ang tawag.
"Hi cassie." bati nang isang babae na naka-uniporme na pang-volleyball player kaya nginitian ko siya pabalik.
"Beb." nakangiting bati nang dalawa kong kaibigan sabay kiniss ako sa pisngi.
"Kain kayo beb." alok ko sa kanila.
"Nako. hindi ka nanaman kumain sa bahay ninyo, Naunahan kang kumain nang mommy at kapatid kong may sungay 'no?" mahabang litanya ni tiffany sakin.
"Hindi naman sa ganon," nakangiwi kong sagot sa kanila.
"Wag nga kami beb," sabay irap nito sakin. "kung hindi ko kilala yang mama at ate mo baka maniwala pako sayo."
Bago pa ako makasagot nang biglang may bumati sakin sa gilid ko.
"Hi Cassie." Nakangiting bati sakin ni Sandrei kasama ang mga kaibigan niya.
"Uh... Hi." Tipid kong bati pabalik sa kanila.
"Pwede ba kaming maki-share sa table niyo?" tanong ni sandrei sakin.
Bago pa ko pa siya tanggihan ay bigla nang sumabat ang dalawa kong kaibigan.
"Oh...sure, Sure." Nakangiting sang-ayon ng dalawa kaya pinandidilatan ko sila ng mata pero parang hindi nila ko napapansin
"Thanks." Nakangiti namang ganti ni Sandrei saka umupo siya sa tabi ko.
Napailing nalang ako sa mga kaibigan ko habang tinataasan ako nang dalawang kilay.
"Cassie, Pwede ka bang manuod ng practice game namin mamaya?" Pag-aaya sakin ni Sandrei.
Bago pa ako makasagot ay bigla nang may sumingit na saming dalawa.
"Hi Sandrei," malanding bati ni ate candice sabay hawak pa sa balikat nito.
"Uh... Hi candice." Nakangiwing sagot nito habang tinatanggal ang kamay sa balikat niya.
Nag-kibit balikat nalang ako sa mga kaibigan kong nakatingin sakin.
"Sandrei, Doon ka nalang kaya sa table namin?" tanong pa nito.
"No thanks but we already okay here." Masungit namang sagot sabay tumalikod na at kumain nalang uli.
Naramdaman ko nalang may sumipa sa paa ko sa ilalim, pagtingin ko kay Tiffany ay nginunguso yung likod ko kaya paglingon ko nakita ko don ang ate ko na ang sama-sama nang tingin sakin.
"What are you looking at?" mataray na tanong nito sakin.
"Ate, ikaw po kaya ang masamang tumingin sa bff namin," mapaklang tugon ni Ina.
"I'm not talking to you!" pagtataray nanaman nito kaya sumabat nako para di na humaba pa.
"Ate please, Ayoko nang gulo." tanging sagot ko dito pero inirapan lang ako nito saka tumalikod sakin.
"Yang kapatid mo talaga cassie." Nanggigil na tugon ni Ina sakin. "Walang pinipiling lugar 'no?" dagdag pa nito habang sumusubo nang pagkain niya
"Hayaan mona beb, Alam mo naman si ate akala mo siya ang reyna dito sa university natin diba?" paliwanag ko nalang dito.
"Kahit na beb, ikaw naman kasi hinahayaan mong ganyanin ka lang porket kinakampihan siya ng mommy mo." Sagot naman ni tiffany.
"Baka nakalalimutan ng ate mo beb, Ikaw ang campus queen dito sa Anderson Univeristy." dagdag ni Ina.
Umiling nalang ako sa kanya kaysa humaba pa ang usapan namin.
"Uh... Cassie, kapatid mo ba talaga si candice?" nahihiyang tanong ni Ulysses sakin.
"Oo, bakit?" tanong ko.
"Wala lang, parang ibang-iba sa ugali mo eh," tipid nitong sagot sakin kaya ngumiti nalang ako.
"Wag ka nang magulat Ulysses, nagmana yun sa mommy nila eh," natatawang sagot ni Ina
"Ina." tawag ko dito kaya nag-peace sign nalang siya sakin.
Ayan ang ugali ni Ina palaban at hindi mo mapipigilan sa opinion niya habang si Tiffany naman ang pinaka-jolly saming magkakaibigan.
Nginitian ko nalang siya saka inaya na silang pumunta sa room kahit medyo maaga pa.
"Tara na?" Tanong ko sa kanila kaya nag-sitayuan na kaming lahat.
"Sabay na kami sainyo, Tutal magkatabi lang naman ang room natin." sabi ni sandrei.
"Tapos kana bang kumain?" mahina kong tanong dito kasi may laman pa ang pinggan niya.
"Busog nadin naman kasi ako," sabi nito saka tumayo na.
Habang nag-lalakad kami sa hallway nang magsalita si Sandrei sa gilid ko.
"Cassie, 'bout sa tanong ko kanina tungkol sa practice game ko?" Tanong niya.
"Uh...Sure ka ba jan sandrei? Bakit hindi nalang kaya si ate ang ayain mo?"
"Cassie naman, Ikaw ang gusto kong manuod sa game ko eh," aniya.
"For sure, kapag si ate ang inaya mo ay papayag yun." Nakangiti kong sagot dito at tumingin sa mga kaibigan kong halatang nakikinig samin habang naglalakad.
"Pero ikaw ang gusto kong manuod nang practice game ko," sagot naman nito sakin.
Huminto muna kami sa tapat nang room namin bago ko siya nginitian at sinagot.
"Sure," tipid kong sagot dito.
"Talaga?" Malakas na sigaw nito kaya yung ibang napapadaan ay napapatingin samin.
Tumango ako sa kanya bago nagsalita. "Yes and pwede bang wag kang sumigaw baka ano ang isipin ng mga schoolmate natin."
"Sorry..." Nakangiti niyang sagot sakin. "Pano sunduin nalang kita rito ha?"
Tumango nalang ako sa kanya saka pumasok sa room namin at dumiretso na sa pwesto naming tatlong magkakaibigan.
BINABASA MO ANG
Love Series 1: The Selfless Love
RomanceChoose between sacrifice and Selfishness. ***** This story is work of fiction, names, character, places and incidents are either a product of author's imagination or used fictiously. Any resemblance to actual people living or dead events or locales...