Chapter 1:

1.3K 51 33
                                    


"Wow! mommy napaka-dami naman nang dress na binili mo para sakin." mula sa kusina naririnig ko na ang boses nang kapatid kong si ate candice na tila tuwang tuwa sa mga pasalubong ni mommy para sa kanya.

Sanay nako na wala akong natatanggap na kahit ano sa mommy ko dahil sa aming dalawa ni ate candice, Siya ang paborito at bukod tanging mahal nang aming ina.

"Iha bakit hindi ka lumapit sa mommy at ate candice mo? Malay mo may binili din na para sayo?" Sabi ni nay belen.

"Nanay naman! alam mo naman pong imposible yung sinasabi niyo diba? kung si daddy pa yan for sure na merong binili na para sakin." mapakla kong sagot.

Kung nandito kaya si daddy ganito kami ngayon? kung hindi ba naghiwalay si mommy at daddy hindi padin kaya ako papansinin ni mommy?

Habang lumilipad ang isipan ko ay hindi ko namalayang nandito na sa kusina si mommy at ate candice.

"Aba! cassandra kanina ka pa kumakain jan, Kakain na kami lahat-lahat nanjan ka padin? ano kami ang mag-aadjust para sayo?" Saad ni mommy.

"Emilia, hayaan mona ang anak mo at malaki naman ang lamesa." saway sa kanya ni nanay belen.

"Nako nay belen kaya nga pinapauna namin siyang kumain kasi ayaw namin siyang makasabay eh," mapaklang saad nang aking ina.

Bago pa makasagot si nanay belen ay inunahan kona siya.  "Nay belen tapos na po ako, Akyat narin po ako kasi madami pa po akong homework at maaga pasok ko bukas."

"Buti naman nakaramdam ka cassie." Padabog na umupo si ate Candice.

Hindi nalang ako kumibo at dumiretso na sa aking kwarto kaysa humaba pa ang usapin kung mananatili ako sa kusina.

Habang gumagawa ako nang assignment nang biglang tumunog ang aking cellphone.

"Hello Dad,"

[Princess, how are you?]

"Okay naman po ako dad, Kayo po ni tita ria?" Balik kong tanong.

[Okay naman kami dito, Kailan ka dadalaw uli dito?]

"Hindi ko pa alam dad eh," wika ko.

[Namimiss ka nanamin, lalo na ang tita ria mo at ni alvin.]

"Tignan ko po dad kung kelan ako makakadalaw jan," sabi ko.

[Osige princess. Alam mo naman ang tita ria mo lagi kang hinahanap hanap eh.] Natatawa nitong tugon sakin.

Madami pa kaming pinag-usapan ni daddy bago namin naisipang tapusin ang tawag.

Bakit nga ba hindi nalang ako kela daddy tumira, Alam ko namang welcome ako don pero mas pinipili ko pading manatili dito sa bahay kasama ang mommy  at ang ate kong wala namang pakialam sakin.

Kinabukasan, Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba nako para sana mag-agahan nang madatnan ko sa kusina si ate at mommy.

"Good Morning po," Bati ko sa kanila.

"There's no good in the morning." Sabay irap ni ate candice sakin

Yumuko nalang ako at nagpaalam kay nay belen.

"Iha hindi ka ba muna kakain?"

"ah.. eh.." hindi ko pa nadudugtungan ang salitang lumalabas sakin nang magsalita na si mommy.

"Mamaya ka na kumain at baka malasin pa kami." pangongontra niya sa sasabihin ko.

Ngumiti nalang ako kay nay belen at dumiretso na sa garahe.

"Tay rene, Tara na po."

"Oh! kumain kana ba iha?" pagtatanong nito habang sumasakay sa Driver seat.

"Sa school nalang po tay," sabi ko.

"kumakain pa ang mommy at ate mo 'no?" tanong nito.

"Opo eh." buntong-hininga ko saka napangiti na lang.

"Iha, hindi ako nangingialam pero ayaw mo bang tumira nalang sa daddy mo? For sure, okay lang kay ma'am ria yun dahil parang anak naman na ang turing sayo nun." mahabang sabi nito habang nakatingin lang sa daan.

"Okay lang naman po ako sa bahay tay and dumadalaw dalaw naman po ako kela daddy at tita ria," turan ko.

Tumango nalang siya sakin at nagd-drive nalang siya.

Mabuti nalang at hindi na niya dinugtungan  pa yung usapan namin kasi hindi ko alam kung pano pa siya sasagutin, Actually hindi lang naman siya ang nagsasabi sakin nang ganyan eh, Madami sila sadyang ako lang ang nagpupumilit na manatili sa tabi ni mommy.

Love Series 1: The Selfless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon