"Finally!" Nakangiting tugon ni Ina sakin sabay umupo sa tabi ko.Tinaasan ko siya nang kilay dahil wala akong clue sa sinasabi niya ngayon samin.
"OMG! Cassie napaka-slow mo 'no?" Sabay irap nito sakin. "2 years nang naliligaw sayo si Sandrei pero until now hindi mo padin sinasagot, Isa pa lagi mong ni-rereject ang pag-imbita niya sa practice game."
"Sadyang busy lang talaga ako beb."
"Busy? Nakakalimutan mo bang classmate tayo kaya alam ko kung busy tayo o hindi beb, Ga-graduate nalang tayo pero wala pading nakukuhang sagot sayo si Sandrei," panghihimasok ni Ina.
"Beb naman," sambit ko lang sa kanya.
"What? Cassie wag mo saking sasabihin na hindi mo siya gusto? That's impossible!" hindi makapaniwala wika nito sakin.
"Hindi ba pwedeng maging friends nalang? Magkakaibigan naman talaga tayo mula pa noong first year natin diba?" wika ko naman.
"Pero hindi nga friends ang tingin sayo ng tao diba? Ano ba ang ikakaayaw mo don kay sandrei? Basketball Captain, Gentleman, mabait, mayaman at katulad mo sikat din dito sa university," entrada ni Tiffany sa usapan namin.
"Isa pa, We all know that you like him too beb," sabi ni Ina. "Ano ba ang pumipigil sayo or should I say "SINO"?" dagdag niya pa.
Bumuntong hininga muna ako bago sumagot sa kanila.
"Ayoko lang nang gulo beb, Ate candice likes him--Aray!" Pano ba naman batukan ba naman ako ni Ina habang nagsasalita ako.
"And so what if your ate candice likes him? Hindi porket gusto niya din si sandrei ay magpaparaya ka beb, How 'bout you? your feelings towards him?" pagsusungit na tanong ni Ina.
"Beb, Yes I like him but as a friend,"
Bago pa siya makasagot ay dumating na ang professor namin kaya inirapan niya nalang ako.
"Good Day! Our lesson for today is....." habang nag-eexplain si sir ay nagsusulat nalang ako nang notes.
•••••••••••
Pagkatapos nang klase ay tumambay nalang kami sa bastketball court kasi wala kaming prof. hangang mamayang tanghali.
Habang nakikinig ako nang music sa earphone ay bigla akong nilapitan ni ate candice kasama ang dalawa niyang alalay.
"Hoy!" hiyaw niya sakin kaya napatingin kaming tatlo sa kanya.
"Bakit ate?" tanong ko dito.
"Talagang pinaunlakan mo pa ang pag-aya sayo ni Sandrei sa game niya mamaya ha?"
"He invites me ate kaya pumayag ako," nakangiwi kong sagot sa kanya.
"Really? So anong feeling mo niyan girlfriend ka niya?" mapakla niyang tanong sakin.
"Ate, He invites me because I'm his friend...and... Wala akong makitang dahilan para i-reject uli siya."
"Ang sabihin mo nilalandi mo siya cassie, Alam kaya ni mommy na paglalandi lang ang inaatupag mo dito?" malakas niyang sagot sakin.
"Excuse me, Hindi malandi ang kaibigan ko... Actually, kung may lumalandi dito kay Sandrei parang ikaw ata yun? Yung kahit ilang beses ka nang ni-reject ni sandrei pero siksik ka parin nang siksik sa tao." panghihimasok ni Ina sa usapan naminni ate.
"Sandrei doesn't reject me!" madiin na sagot ni ate candice kay Ina sabay dinuro ako. "At ikaw sisiguraduhin kong malalaman ni mommy na lumalandi ka lang dito at sinasayang mo ang pagpapa-aral sayo,"
"Ate wala akong nilalandi okay? Sandrei is our friend and beside practice game yun, open na panuorin ng estudyante ng university kaya pwede ka ding manuod," saad ko.
"Sandrei doesn't like you nor love you kaya tumigil kana sa panaginip mo." Sabay buhos sakin ng mineral water saka nag-walk out.
"OMG!" Gulat na tugon ni Ina at tiffany.
"May extra tshirt kaba sa locker mo?" tanong uli ni Tiffany kaya napailing nalang ako sa kanya.
Habang pinupunasan namin yung t-shirt ko ay biglang may tumawag sakin kaya napalingon kami.
"Sandrei." bati ko.
"Hi...Oh... What happened?" Nagtataka nitong tanong sakin nang makita niyang basa ang damit ko.
Bago pa ako naunahan nako nang magaling kong kaibigan na si Ina.
"Ano pa nga ba, Edi inaway nanaman siya nang masama niyang kapatid," singit nitong tugon kaya napailing nalang ako.
"May Extra shirt ako, Wait!" wika nito saka kinuha sa bag niya yung damit.
"Uh... Sandrei wag na, It's okay," sabi ko.
"Beb tanggapin mona mamaya magkasakit ka pa niyan eh," sabi naman ni Tiffany.
"Here." Abot sakin ni Sandrei nang t-shirt niyang may malaking apelyido niya sa likod.
"Sure ka? Baka kasi ma-issue pa tayo dahil dito eh," tanong ko sa kanya.
"Okay lang cassie, Sige na magpalit kana." Nakangiti nitong sagot sakin.
Nagpasama nalang din ako sa mga kaibigan ko sa restroom para makapagbihis nako.
"Ang sama talaga niyang ugali ng kapatid mo beb, Tapos ano pag-uwi niyo ikaw nanaman ang papagalitan nang mommy mo... Aba beb! lahat nalang binibigay mo jan sa kapatid mong walang kasing sama." Nanggigil na litanya ni Ina habang nagbibihis ako sa restroom.
"Beb, Na-misunderstand lang siguro ni ate candice yung pag-imbita sakin ni Sandrei, Alam mo namang may gusto si ate candice kay sandrei," paliwanag ko dito.
"At alam din naman niyang ikaw ang gusto ni sandrei kaya ang laki-laki nang insecurities niyang ate mo sayo dahil alam niyang mutual ang feelings niyo ni sandrei," apila naman niya.
"What are you talking 'bout? Sandrei is my friend," sambit ko dito.
Tumingin muna siya sakin saka ako tinanong. "Really? hangang kailan mo pipilitin yang utak mo jan sa paniniwala mo at hangang kailan mo pipigilan yang puso mo?"
"I don't know what you're talking about Ina," sagot ko nalang saka tinalikuran siya.
Paglabas namin ay nandon si Tiffany at hawak hawak ang kanyang cellphone.
"Ayy... beb nagtext pala yung pres. wala na raw tayong class kasi may meeting ang mga prof," kwento nito samin habang naglalakad kami pabalik na nang court.
"Ganon ba? Umuwi na kaya ako tutal wala na palang klase eh?" tanong ko sa kanila.
"Diba manunuod pa tayo nang practice game nila sandrei?" pagtanong ni tiffany habang si Ina ay tinaasan ako nang kilay.
"For sure, umiiwas lang yan si cassie para walang masabi ang kapatid niya," turan ni Ina.
Umiling nalang ako sa kanila saka dumiretso na sa pwesto namin kanina.
"Wala na raw tayong class... May practice game paba kayo niyan?" tanong ko kay Sandrei saka umupo sa gilid niya.
"Oo. Napa-aga nga eh, Inaantay nalang namin si coach," sabi nito. "Uuwi kanaba?" tanong pa nito.
"Okay lang ba?" tanong ko kaya napatingin sila saking lahat.
"Uh... Ayaw mo ba talagang manuod nang game namin?" malungkot na tanong ni Sandrei sakin.
"Hindi naman sa ganon...pero kasi..." Bago ko po pa madugtungan ay pinutol niya nako.
"Sige okay lang naman, Naintindihan ko cassie," mahina nitong tugon sakin saka yumuko nalang.
Bigla naman akong nakonsensya kasi mas madalas kong i-reject yung invitation niya dahil nga ayokong magkagulo kami ni ate candice.
Hindi naman ako manhid eh, Nararamdaman kong totoong may gusto sakin si Sandrei kahit noong mga panahong magkaibigan pa lang kami at mas napatunayan ko yun noong nagsabi siya saking manliligaw siya sakin.
Hindi ko lang sineryoso kasi nga kaibigan ko siya, namin. Isa pa gusto siya ni Ate candice at gusto ko siya bilang kaibigan.
BINABASA MO ANG
Love Series 1: The Selfless Love
RomanceChoose between sacrifice and Selfishness. ***** This story is work of fiction, names, character, places and incidents are either a product of author's imagination or used fictiously. Any resemblance to actual people living or dead events or locales...