Chapter 24

196 10 10
                                    

This chapter is dedicated to
silentprincessCAGE
Salamat sa paggawa ng book cover ko ♥️ Sobrang na-appreciate ko :)

Dalawang buwan na ang lumipas mula nang mangyare yung sagutan namin ni mommy sa harap ng mga kaibigan ko.

Thankful ako na napapayag ko sila Ina na wala silang pagsasabihan sa nangyare sakin sa bahay even to my Dad. Noong una ayaw nilang pumayag dahil karapatan daw malaman ni Daddy pero nagmakaawa ako sa kanila kaya sinabi nila na kahit kela Sandrei lang pero hindi ako pumayag.

Tandang tanda ko pa ang sinabi ko sa kanila noon para lang mapapayag ko sila.

'Sa tingin niyo ba papayagan ako ni Sandrei na wag sabihin kay Daddy if ever na malaman niya yung nangyare sakin? Kung paano ako sampalin nang mommy ko saka itulak? Baka si Drei na mismo ang magsumbong kay Dad kapag nalaman nila. Ayoko nang gulo Ina, Dito palang sa bahay na ito puro gulo na ang nakukuha ko tapos isasali ko pa sila Daddy? Mula nang maging kami ni Sandrei ay mas dumoble ang gulo namin ni ate kaya wag na tayong magsali nang ibang tao please.'

After that night, Madaming beses pa nila akong nasasampal sa tuwing sinusugod ako ni ate at nauuwi sa pag-aaway kahit pinapaliwanag ko lang yung sarili ko para sa kanila ay binabastos ko sila.

Palagi pa ding nilalandi ni Ate si Sandrei pero lagi siyang binabara ni Sandrei kaya in the end ako ang aawayin niya pag-uwi ko nang bahay.

Pero kahit ganon pinapatatag namin ni Sandrei ang relasyon namin, Binibigay namin yung buong tiwala namin sa isa't isa kahit may times na nagkakatampuhan talaga kami nang ilang araw.

Ilang araw na akong hindi nakakapasok sa kadahilanang kinulong ako ni Mommy at ate sa kwarto ko dahil gradball nanamin sa friday at gusto ni Ate siya ang maging Date si Sandrei.

Tuwing tumatawag si Drei sinasabi ko may sakit lang ako tapos kapag gusto niyang dumalaw pero pinagbabawalan ko silang mga kaibigan ko.

Ayokong madamay si Sandrei sa problema ko. Hindi porket boyfriend ko siya ay idadawit ko siya sa lahat nang problema ko. Isang buwan nalang gagraduate na kami at sinisimulan nang ipagawa ni Mommy Ria at Daddy ang Coffee shop na business namin habang si Sandrei ay nag-tetraining na sa company nila at ganon din yung mga friends ko.

Kring! Kring! Kring!

[Love,] malamig na boses ni Drei bumungad sakin.

"Love," pinasigla ko yung boses ko para hindi siya makahalata. "I miss you,"

[Dadalaw kami sayo jan.]

"Napag-usapan nanatin ito diba?" wika ko.

[Cassie tatlong araw na kitang hindi nakikita at nag-aalala na ako sayo!] madiin na wika sa kabilang linya.

"O-okay lang naman ako," bulong ko.

Narinig kong nagmumura siya sa kabilang linya miski ang mga boses ng kaibigan namin naririnig ko din.

'I'm sorry Drei for lying, for hurting you. I'm sorry guys.' bulong ko sa isipan ko.

[May hindi ka sinasabi sakin, samin!]

"Wala ah? Hindi kapa nag-I i missyou sakin," wika ko.

Inaantay kong magsalita uli siya sa kabilang linya pero boses na ni Ina ang  narinig ko.

[B-beb, Please stop lying! Tell him the truth, Tell us the truth!] Pagmamakaawa nito.

Bumuntong-hininga lang ako saka pinikit ang mata ko habang nakahiga sa kama. 'I'm sorry.'

[Love I know everything. Ina told me what happened noong nag-overnight sila, Don't get mad at them dahil ako nagpumilit sa kanila kasi after that night lagi kong napapansin na may pasa ka sa braso or masakit katawan mo tapos ngayon ilang araw ka nang hindi pumapasok. I trust you pero pumunta padin ako sa bahay niyo last night tapos nalaman kong pinaalis na raw nang mommy mo si nanay Belen. Hindi rin ako pinapayagang makita ka nang security guard niyo,]

Naiiyak na ako nang tuluyan sa sinabi ni Drei. May tiwala siya sakin pero ako hindi ako nag-open sa kanya at alam kong nasasaktan ko nanaman siya, Feeling ko hindi ko siya deserve.

"I-i'm sorry," hagulgol ko. "I'm sory Drei. I'm sorry,"

[Shhhh! love please just tell me what's happening? Bakit hindi ka pumapasok?] nag-aalalang tanong nito.

"W-where are you?"

[Nandito kami sa bahay dahil mamaya pa ang pasok natin,]

Ayoko na. Kay Daddy nalang ako titira kapag nakalabas nako uli dito lalo na ngayong wala na si Nanay Belen para magtanggol sakin.

"C-can you do me a favor love?" bulong ko.

[Yes love, Anything.]

"P-puntahan niyo si Daddy sa bahay, Alam kong galit siya sakin ngayon dahil ilang linggo ko nang kinakansel yung tawag nila ni Mommy Ria... P-pasundo niyo ko dito Drei please, Hindi kayo hahayaan ni Mommy makapasok basta-basta," hagugol ko.

[Fuck! Anong ginawa nila sayo?] Naririnig ko din sila Ina sa kabilang linya na umiiyak pati si Tita Ellie naririnig ko din yung pag-aalala sakin.

"P-please pasundo niyo na ako, Napapagod nako dito. Gusto ko kela Daddy," pagmamakaawa ko.

[Antayin mo kami love. Pupuntahan ko ang Daddy mo,] paalam nito bago binaba ang tawag niya.

Habang nag-aantay ako ay inayos ko na yung kaonting damit na dadalhin ko saka yung mga books, laptop at gamit ko sa school.

Nanjan kaya sila sa baba ngayon? Nasa baba na kay sila Daddy? Soundproof kasi ang kwarto ko kaya hindi ko rin naririnig kung may nag-uusap ba sa labas.

Tumayo ako para tignan ang sarili sa salamin. Kitang kita yung pasa ko sa braso saka yung pasa ko sa leeg at panga, Hindi siya ganon kalakihan pero kung titigan mo ay makikita mo talaga.

Kring! Kring! Kring!

Napatakbo ako sa kama nang tumunog ang cellphone ko at bumungad sakin yung pangalan ni Drei.

[Nasan ka love?] tanong nito agad sa kabilang linya habang may naririnig akong sumisigaw si Daddy.

"Nandito lang ako sa kwarto love," wika ko.

Hindi na siya sumagot pero naririnig ko sila sa kabilang linya.

[Tito nagsisinungaling sila. Kausap ko si Cassie nasa kwarto lang raw siya ngayon,] wika ni Sandrei.

Nandito na sila? Saka nagsisinungaling? Ibig sabihin miski si Daddy ayaw nilang papasukin dito sa bahay.

[Hayop ka Emilia! Papasukin mo ako kung ayaw mong patayin kita!] Sigaw ni Daddy sa kabilang linya.

[OMG! Hon ibaba mo yang baril mo!] panghihimasok ni Mommy Ria.

Baril? Hindi ko alam na may baril si Daddy. Tama bang nagsumbong ako? Tama bang humingi nako nang tulong? Nagkakagulo na sila sa baba kapag hindi ako nakuha ni Daddy ngayon malalagot nanaman ako kay Mommy.

××××××××××××××××××××××××××××××××
Hi guys! ♥️ Please keep reading my story guys. I really appreciate na bigyang pansin ang story ko :) Hope you like my update.

Love Series 1: The Selfless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon