"Ma'am san po ba tayo pupunta?Kanina pa po kasi tayo nasa byahe pero hindi niyo parin sinasabi kung saan ko kayo ihahatid," tanong ni Manong driver nang taxi.
"Sa pinakamalapit na hotel nalang po manong," wika ko saka tinignan ang cellphone kong kanina pa nagriring dahil sa tawag nila sakin.
[Cassandra nasan ka?] bungad sakin ni Drei.
"Nasa byahe ako,"
Narinig ko mula sa kabilang linya na parang naaasar siya sa sinagot ko pero pinipigilan niya lang.
[Wag mo akong pilosopohin Cassie! Nandito na kami sa bahay niyo at nag-aalala na ang Daddy mo sayo, kaming lahat!] naiinis na wika ni Drei.
"Uuwi din ako pero gusto ko munang mapag-isa ngayon,"
[Nasan ka nga pupuntahan kita?!]
"I said I want to be alone Sandrei! So, Please hayaan niyo muna ako!" Pinatay ko na yung tawag niya pati ang cellphone ko.
Paulit ulit na nag-flashback sakin lahat nang sinabi sakin ni Mommy.
Kung kinuha niya ako sa ampunan ibig sabihin hindi si Daddy ang tunay kong ama? Sino ako? San ako nanggaling? Nasan ang magulang ko at napakadali para sa kanilang ipaampon ako?
Inabot ko yung bayad ko sa driver saka pumasok na ako sa loob nang hotel.
"Pa-check in ako for one night," ani ko.
May pinindot lang ang receptionist bago inabot sakin yung susi nang magiging kwarto ko.
"Ihahatid ka nalang nang isang staff sa magiging kwarto niyo po Ma'am," wika niya.
Sumunod lang ako sa dinadaanan nang isa sa staff nang hotel.
"Tawag nalang po kayo sa front desk kapag may kailangan po kayo," wika nang staff.
Tumango nalang ako sa kanya saka hinayaang lumabas nang kwarto ko kaya nahiga nalang ako sa kama.
Hindi ko maiwasang mapaiyak dahil sa sobrang bigat nang nararamdaman ko. Feeling ko naiwan akong mag-isa dahil sa nalaman kong hindi ako anak ni Daddy.
Kinuha ko yung cellphone ko saka tinawagan si Ashley.
[Girl, Kumusta pag-uwi mo jan? Nagkabalikan naba kayo nang boylet mo?]
Madami pa siyang tanong pero tanging hagulgol ko lang ang naisagot ko. Alam ko ilang weeks palang kami nagkakilala ni Ashley pero yung mga bagay na hindi ko masabi sa kaibigan ko ay sa kanya ko nasasabi.
[Wait girl, Why are you crying? Whats your problem?] nagaalalang wika niya sa kabilang linya.
"Ashley anong gagawin ko? S-sinabi na sakin nang Mommy ko ang totoo," naiiyak kong wika.
[Anong totoo? Iexplain mo nga sakin nang maayos girl,]
"I'm adopted Ash...Dati puro katanungan ako kung bakit hindi ako magawang mahalin nang Mommy ko pero ngayong sinabi niya na sakin ang totoo, Ang pakiramdam ko hindi ko kilala ang sarili ko, Yung pakiramdam ko naiwan akong mag-isa!"
[Nasan ka ngayon? How about your Dad?]
"I don't know Ash! Nag-check in muna ako sa isang hotel kasi hindi ko kayang harapin ang Daddy ko. Natatakot ako na baka mag-iba ang turing nila sakin,"
[Cassie, umuwi kana sainyo okay? Ang tunay na laban ay hinaharap at hindi tinatakbuhan pero sa ginagawa mo ay tumatakbo ka. Hindi magiging okay ang lahat kung hindi ka uuwi sainyo,]
Kailangan ko na nga ba talagang umuwi? Pero natatakot akong umuwi.
"Pero paano kung ayaw na sakin nila Daddy?"
![](https://img.wattpad.com/cover/235263697-288-k200951.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Series 1: The Selfless Love
RomanceChoose between sacrifice and Selfishness. ***** This story is work of fiction, names, character, places and incidents are either a product of author's imagination or used fictiously. Any resemblance to actual people living or dead events or locales...