Chapter 39

173 7 0
                                    

Ilang weeks na simula ng magka-ayos kami ni Drei. Hindi narin kami ginulo ni Ate Candice na hangang ngayon palaisipan sakin pero syempre gusto kong maging okay na siya, na mag-move forward na siya.

Ganon naman talaga diba? Hindi lahat ng bagay ay nakukuha natin kaya minsan kailangan nating bitawan para maka-move forward tayo.

Madalas ding busy sila Sandrei sa pagrereview habang tinuturuan na siya ni Tito Luis sa kompanya nila at naiintindihan ko naman dahil busy din ako sa kekasmai na nakasanayan ko nang puntahan after sa university.

Ngayon ay nandito kami sa school para kunin ang toga namin saka ang ticket ng parents dahil bukas na ang pinaka-aantay antay naming lahat na graduation.

Papunta na kami nila Drei sa auditorium kung saan iaabot ang toga.

"Beb ibig sabihin hindi mo kasama bukas sa celebration si Ryle?" tanong ko kay Ina.

Napalingon ito kay Ryle na nasa likod namin. "Hindi eh. Alam niyo naman dahilan diba? Buti nga naintindihan niya pero alam ko nagtatampo siya,"

"Bakit naman?"

"Inaya niya kasi akong isang celebration nalang kami katulad sainyo ni Drei kaso for sure magkakagulo lang kapag kasama ang parents ko," paliwanag niya.

Akala ko mas mahirap na yung sitwasyon ko na may kapatid na nasasaktan  pero mahirap din pala na mismong magulang mo ang hadlang sa relasyon niyo.

"Beb this past few days kasi pansin ko lagi kang tahimik or tulala..." pambibitin ko. "May problema kaba?"

Lumingon muna siya kay Ryle bago magsalita samin. "Inarrange marriage kasi ako nila Daddy sa isang anak ng may-ari ng hotel chain,"

"WHAT!?" Magkasabay naming sigaw ni Tiffany na kinalingon nung tatlong boys samin.

Arrange marriage? Uso papala yun ngayon akala ko dati lang yun.

"Kilala mo na ba kung sino? Na-meet mona?" tanong ko.

"Oo isang beses. Sa bahay sila kumain," malungkot na kwento ni Ina. "Sinabi ko kela mom na ayoko pero mapilit sila. Diko na alam kung anong gagawin ko,"

"Alam na ba ni Ryle?"

"Syempre hindi! Sobra na ang ginagawa ni Ryle para sa relasyon namin tapos ganito pa,"

Bumontong-hininga nalang ako saka kinuha yung inaabot ng staff sakin. Kung ako nga nahihirapang desisyunan nung malaman ko, Paano pa kaya si Ina mismo.

Alam ko kung gaano ka-close si Ina sa mommy niya kaya nahihirapan siyang mag-desisyon.

"Napag-usapan na ba yung wedding date?" tanong ko uli.

"Hindi pa kasi gusto nila magkamabutihan muna kami." Umupo siya sa bench kaya tumabi naman kami sa kanya.

"Pano gagawin mo ngayon niyan?" panghihimasok na tanong ni Tiffany.

Yumuko siya saka pinaglaruan ang daliri. "I don't know. I really don't know,"

"Sa ngayon kalimutan mo muna at mag-enjoy. Tutulungan ka namin sa problema mo,"

Ngumiti nalang siya samin. Inantay nalang namin sila Drei sa bench.

"Love let's go?" tanong ni Drei.

"Wala ba kayong lakad ng Dad mo?"

"Pinagpahinga muna ako para makapag-focus sa pag-rereview,"

Tumango-tango nalang ako sa kanya. "Mall nalang tayo?"

"Nuod ng sine?" tanong ni Tiffany. Tumango ako sa kanila saka tumayo sa pagkakaupo ko.

Naglakad na kami papuntang parking lot ng makasalubong namin si Ate Candice na mukhang stress at ang itim ng baba ng mata. Dire-diretso lang kami sa paglalakad ng tinawag ako ni Ate Candice.

Love Series 1: The Selfless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon