Napansin kong natingin sakin si Ina at tiffany habang si Sandrei naman ay nakikipag-kwentuhan nalang kela Ulysses at Ryle."Okay! I'll stay," tipid kong sagot sa kanila kaya napatingin sakin si Sandrei.
Napangiti siya sakin at nag-thumbs up naman si Ina at tiffany.
Alam kong botong boto ang friendship ko kay Sandrei para sakin sadyang kaibigan lang ang turing ko kay Sandrei at hindi na pwedeng higitan yun.
Nag-kwekwentuhan lang kami nila Ina nang tumunog ang cellphone ko.
"Hi Tita Ria." Masaya kong bati sa kabilang linya.
['nak, Anong oras uwi mo? Pwede ka ba naming imbitahan ng daddy mong lumabas?]
"Wait lang po tita kasi manunuod nalang ako nang practice game ng friends ko after nun wala na kaming class eh, I'll ask them muna po," sagot ko saka tinanong si Sandrei kung anong oras ang tapos ng game.
"Hello tita?" tawag ko sa kabilang linya.
[Sorry 'nak, Kausap ko kasi si alvin kanina eh.]
Habang kausap ko si tita ria nakita kong tumayo sila Sandrei para siguro magpalit ng jersey shirt nila.
"Okay lang po. Tita mga 4pm ang end ng game."
[Great! Sama ka samin ng daddy at kapatid mo? Shopping at Dinner date lang]
"Sige po tita."
[Sunduin ka namin jan sa university later okay?]
"Okay po tita. Love you po."
[Love you too!] And She ended the call.
Saktong pagbaba ko nang tawag ang pagbalik naman nila Sandrei samin.
"Nanjan na si Coach?" tanong ko.
"Oo. may lakad ka later?"
"Oo inaya ako ni tita ria mag-shopping at dinner sa labas with dad," sagot ko.
Tumango nalang siya sakin at inayos ang gamit niya kaya tinanong ko uli siya.
"May dala ka bang towel at tumbler mo?"
"Oo. Eto oh?" Sabay pakita niya kaya kinuha ko naman at nilagay ko sa tabi ko nang biglang may sumingit samin.
"uyyy. Concerned!" kinikilig na tugon nang dalawa kong kaibigan.
Inirapan ko nalang sila kaso pinuna din nila Ulysses.
"Dude, Girlfriend role na ba yan?" natatawang tanong ni Ulysses.
"Gago. Hindi pako sinasagot ni Cassie," wika ni Drei kaya umiling nalang ako.
Nagtatawan kami nang biglang may lumapit samin o tama bang sabihing kay Sandrei.
"Hi Sandrei." Malanding tugon ng ate ko kay sandrei habang nakagat yung labi niya.
Napailing nalang yung mga kaibigan namin habang ako pinapanuod lang sila pero si Sandrei tinignan lang siya saglit tapos kinausap na uli sila Ryle.
"Sandrei, Bakit hindi mo manlang ako sinundo sa classroom ko?" Sabay hawak pa niya sa braso nito.
"Pwede ba candice hindi kita girlfriend para gawin yun saka tigilan mo nga yung kakahawak mo sakin." masungit na tugon ni Sandrei.
"Sus. If I know Sandrei you like me too," aniya. "Ayaw mo lang masaktan ang kapatid ko." dagdag pa nito.
Napatingin naman tuloy si Sandrei sakin kaya nag-kibit balikat nalang ako saka tinignan si coach na tinatawag na ang players
"I don't like you candice." Matabang na sagot naman ni Sandrei sabay lapit na sa team at coach niya.
Tinignan naman ako ng masama ni ate candice bago naglakad uli para umupo sa kabilang bench.
"Burn beb, BURN!" natatawang tugon ni Tiffany kaya napailing ako sa kanila.
••••••••
Hangang matapos ang practice game nila Sandrei ay tinitignan ako nang masama ni ate candice dahil sakin lumalapit si sandrei pero binalewala ko nalang.
"Antayin niyo nalang kami rito tapos sabay na tayong lumabas," sabi ni sandrei at tumango nalang kami sa kanya.
Habang nag-aantay kami ay tinawagan ko nalang si tatay rene.
"Hello 'tay, Wag niyo na po akong sunduin ah?" sabi ko.
[Sige iha, May lakad kaba ngayon?] tanong nito sa kabilang linya.
"Magkikita po kami nilaa dad at tita ria eh," sagot ko naman dito at nagpaalam na. "Bye po 'tay."
Beep!
Tita Ria:
Nandito na kami sa labas nang university 'nak.Wait lang po tita, Palabas na po kami.
Tita Ria:
Okay."Tara na?" tanong ni sandrei sakin.
"Sige, Nasa labas na ang daddy ko at si Tita Ria."
Bago pa kami makaalis ay tinawag nanaman siya ni Ate candice kaya tumigil muna kami.
"Sandrei, Date tayo?" alok nito.
"Sorry I'm busy," masungit na sagot ni sandrei saka hinatak nako paalis nang court.
Pagdating namin sa labas ay nakita kona agad yung sasakyan ni dad at nasa labas sila nag-aantay sakin.
"Ate!" Masayang tawag sakin ni alvin.
"Hello Baby," wika ko saka siya hinalikan sa pisngi.
Alvin is my Step baby brother, He is 6 years old already and anak ni Tita Ria at ni Daddy.
"Sorry po kung natagalan." Paghingi kong paumanhin sabay lumingon ako sa mga kaibigan ko. "Thank you sa paghatid sakin dito guys."
"Thank you for watching my game cassie." Nakangiting tugon ni Sandrei.
Nginitian ko nalang siya at hinalikan sa pisngi ang mga kaibigan ko bago sumakay nang sasakyan nila daddy.
Habang nasa byahe kami nang biglang nagsalita si daddy habang nakatingin sa rearview mirror.
"Boyfriend mo na ba si Sandrei princess?" tanong nito.
Nasamid ako sa sarili kong laway bago makasagot kay daddy, "Po?"
"Sabi ko kung boyfriend mo na ba si Sandrei?" Ulit pa nito.
"Dad, We're just friend, okay?" sabi ko saka tumingin kay tita ria.
"Princess, Come on, Halata naman sa tao na may feelings siya sayo eh at diba nagpaalam na siya sakin na manliligaw siya." Natatawa nitong sagot sakin.
Napailing nalang ako sa kanya at tinignan kung anong pinapanuod ni alvin sa kanyang tablet hangang sa makarating kami sa mall.
Habang namimili kami ng dress at heels nang biglang tumunog yung cellphone ko.
Beep!
Sandrei:
Nakauwi kana?Nandito pa kami sa mall... Ikaw?
Sandrei:
Oo nandito na ko sa condo.Pahinga kana drei :)
Sandrei:
Sige. Ingat ka...
Text moko kapag nakauwi kana.Hindi nalang ako nag-reply sa kanya at sumunod nalang kela tita ria.
"Ate, Kakain na raw po tayo," tawag sakin ni alvin.
"Let's go, Baby." Nakangiti kong tugon dito saka siya hinawakan at sumunod na kami kela tita ria at daddy.
BINABASA MO ANG
Love Series 1: The Selfless Love
RomanceChoose between sacrifice and Selfishness. ***** This story is work of fiction, names, character, places and incidents are either a product of author's imagination or used fictiously. Any resemblance to actual people living or dead events or locales...