Chapter 51

298 7 0
                                    

Napalingon naman si Sandrei sakin nang unang tawag ko palang sa kanya.

"Love?" hindi makapaniwalang wika niya. "Is that really you? Or I'm just dreaming?"

"Anong ginawa mo sa sarili mo?"

Tumayo si Sandrei at maglalakad palapit sakin nang matumba siya dahil narin siguro sa kalasingan. Nilapitan naman agad siya nila Ulysses.

"Dude lasing na lasing kana," wika ni Ryle.

"No! Gusto kong lapitan si Cassie. Gusto ko sa gilfriend ko!" Naglalakad palapit sakin nang gumegewang.

"You can't even walk properly. Ayusin mo yang sarili mo Dude," sagot ni Ryle.

Tinulak niya si Sandrei saka sumigaw. "Sinabi kong lalapitan ko yung girlfriend ko eh!!"

Naglakad na ako palapit kay Sandrei bago pa sila magkainitan nang ulo.

"Sandrei stop it!" Hawak ko sa braso niya. "Ryle is just concerned to you,"

Bigla naman akong yinakap ni Sandrei nang mahigpit at humagulgol sa balikat ko.

"I miss you love... Please don't leave me! Wag ka nang umalis ha? I'll change for you basta wag mo lang akong iiwanan please?" pagmamakaawa ni Sandrei at dahan-dahang lumuhod sa harapan ko.

"Hey, What are you doing?" Pilit kong pagpapatayo sa kanya. "Sandrei please tumayo kana okay? Hindi na ako aalis. Hindi na kita iiwan,"

"Talaga?"

Tumango ako sa kanya saka tinulungan siyang mapaupo sa kama niya.

"I...I'm sorry for leaving you! I'm sorry for hurting you... I just need to do it,"

"Hindi na ako magagalit sayo kaya please wag mo kong iwanan,"

"I didn't like what you did since the day I left Sandrei.  what you did at the bar and you being drunked. What if you killed that man? What if you were sued for what you did to him? You almost killed that guy for unknown reason,"

"I'm sorry love... I thought the girl is you that's why... Basta please wag mo na kong iiwan ha? Mahal na mahal kita love," pagmamakaawa niya sakin.

"I left you because Ate Candice needs you... I mean akala ko totoong may cancer siya at ang huling hiling niya sakin ay makasama ka niya before siyang mamatay." Kinagat ko ang labi ko nang makita kong dumilim ang mukha niya.

"Alam mong kapatid ko siya at ang pakikipagrelasyon ko sayo ay hindi ganon kadaling gawin pero nilaban ko dahil mahal kita pero nung...Nung nalaman kong may cancer siya nahati nanaman ako, Yung desisyon ko about our relationship and about her pero ngayong alam ko nang niloloko niya tayo hindi nako papayag," dagdag ko sa paliwanag ko.

"Kahit may cancer pa siya at iniwan mo ako ay hindi ko parin siya kayang mahalin Cassie dahil nasayo na ang puso ko. Ikaw na ang nagmamay ari sakin simula't sapul," madiing wika ni Drei.

Bumontong-hininga ako bago nagsalita uli. "Now, I decided to talk to her. Magpahinga ka rito at pupuntahan ko ang kapatid ko,"

"Sasama ako sayo!"

"Drei you are drunk and you need to rest, okay?"

"No! Sasama ako sayo dahil baka mawala ka nanaman sakin,"

"Hindi na ko aalis Sandrei! Kakausapin ko lang ang kapatid ko,"naiinis kong wika.

"Sinabi mo rin sakin dati na ipaglalaban mo ako at hindi mo ako bibitawan pero iniwan mo padin ako!" sigaw niya sakin.

Bigla naman akong nasaktan sa sinabi niya kasi alam kong totoo ang sinabi niya sakin.

"I can't blame you... Hindi kita masisisi kung wala ka nang tiwala sakin at naiintindihan ko yun." Tumalikod na ako sa kanya nang hawakan niya ang braso ko.

Love Series 1: The Selfless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon