Two

1.1K 31 10
                                        

Chapter Two.

Leaving.

"Hey... Claudy, how are you?" boses kaagad ni Kuya Wesley ang bumungad sa tenga ko, lunch time namin ngayon at wala ako sa cafeteria kumakain kundi sa tambayan naming magkakaibigan malapit sa malaking kahoy sa likod ng junior high school building.



"I am fine, Kuya. Napatawag ka?" sagot ko, narinig ko siyang bumuntong- hininga sa kabilang linya.


"Are you really sure you're fine alone there? I can call Manang Delia to come with you there para may makakausap ka paminsan- minsan" I can sense that he's worried about my status right now lalo na't wala na akong communication ni Daddy dahil pinutol niya na ito.



"No thanks, Kuya. May kaibigan naman ako at palagi namang bumibisita si Aidan sa condo na tinutuluyan ko" pilit kong pinasisigla ang boses ko para hindi na siya mas lalong mag- aalala pa.


"I don't trust that kid because he's a boy afterall, lalaki ako at lalaki siya at baka may gagawin siya sa iyo na wala kang kaalam- alam. You have the beauty, Claudy and I can see you're already having curves at the young age at hindi talaga ako magdadalawang- isip na ipakulong ang lalaking 'yan kapag may gagawin siya sa'yo" okay he's fuming mad right now even thought I don't see his face.


I sighed. "Trust me, Kuya. Mapagkakatiwalaan si Aidan at tatawagan kaagad kita kapag may gagawin na siyang masama sa akin. So don't worry okay? I am really actually fine here" but still... I need our father's guidance...


"Fine fine fine, I will text you too kung kailan ako free para makakain tayo nang magkasama. You understand?"


"Okay Kuya! I'm gonna hang up now, kakain pa kami ng mga kaibigan ko ng lunch. Ikaw 'din, kumain ka ng marami para mabusog. Lovelots Kuya Wesley, mag- ingat ka palagi"


"You too little sis, take care and bye" ako na ang nagbaba ng tawag.


Nilingon ko ang mga kaibigan at kaklase kong may kaniya- kaniya ng mundo sa upuan nila. Umupo ako sa tabi ni Tessa na abala sa pag- uusap kay Leria. Kailangan ko pa talagang haplusin ang likod niya para mapansin ako.

"Oh? Tapos nang tumawag boyfriend mo?" nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya.


"It's not my boyfriend, Tessa! And I don't have a boyfriend for goodness sake! Ano bang klaseng tanong 'yan ha?" ramdam ko ang pang- iinit ng pisngi ko.



"Ewan ko sa'yo, bakit ka bah natataranta?" natatawang sagot niya, ngumuso naman ako at binuksan na ang container kung saan nandoon sa loob ang lunch ko.



"Kapatid ko ang tumatawag, hindi boyfriend. Kumain na nga tayo" nguso ko at mas lalong natawa ang katabi ko.



Kumain kami pero hindi hinahayaan ni Kaireen na matahimik kami. Tanong siya nang tanong ng kung anu- ano sa amin at tig- iisa pa talaga. Naubos ko na lahat ang pagkain ko pero sa kaniya ay nakakadalawang subo pa lang siya. Hindi niya na nga napapansin na kumukuha na ng bacon si Queco sa container niya.



"Hoy Kaireen, may uod na umaaligid na sa pagkain mo oh..." mahinang bulong ni Patricia at natigilan si Kaireen sa pagsasalita at dali- daling tinakpan ang baon niya gamit ang dalawang kamay.



"Ano bah Queco! Kainin mo nga 'yang sa iyo! Peste ka talagang asungot ka!" sigaw ni Kaireen at dali- daling sumubo ng pagkain niya. Queco pouted his lips.


"Hmpf! Makakain na nga" masungit na sabi ni Queco.


Nagpatuloy sila sa pagkain at tumahimik na dahil tumahimik na 'din ang interviewer namin. Napatingin ako kay Leria na abala sa pagtingin sa cellphone niya. Napansin niyang nakatingin ako sa kaniya kaya tinago niya ang cellphone sa bandang hita niya.


When Teary Clouds Met Us (When Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon