Chapter Ten.
Umbrella.
"So today is our first day of school and I am so excited to meet new friends well basically my old friends are here too. Oh my God guys! Napakaganda talaga ng school na 'to tingnan niyo oh---" akala niyo ako ang nagsasalita? Hinde!
"Grabe naman at medyo hindi ko ata kayang pakinggan mag- english ang isang 'yan, napakaarte" bulong ni Tessa sa tabi ko, natawa ako at marahang hinampas ang balikat niya. Nasa harap kasi namim ang nagvavlog na babae holding her tripods and other things na pang- vlog.
First day of school nga namin sa araw na ito as grade 11 student sa STEC. Maraming estudyante ang napapadaan at nasa tabi namin, si Tessa at Leria ay nasa magkabilang gilid ko nagmamasid na parang mga tanga. Nasa malaking quadrangle pa 'din kami dahil dito mangyayari ang flag ceremony.
I can't say that I am comfortable sa new uniform namin, si Tessa kasi ay parang rarampa na sa malaking stage sa harap dahil sa ganda ng hubog ng katawan niya. Our uniform is a black short skirt, white polo underneath by a gray blazer na may logo ng school sa left side sa may dibdib, kung hindi ka magsusuot ng black stockings or any cover for your legs ay maiilang ka talaga.
Kanina pa ako baba nang baba sa skirt ko kahit hindi naman ito nagagalaw. I'm wearing my black stockings but still... nararamdaman ko pa 'din ang dalawang hita ko. Our bag is just like a japanese style kasi kaming lahat ay magkakapareho ng bag pero may pangalan na nakatatak. I looked at the surroundings and I saw a group of girls looking at me, I immediately smiled at them to make new friends but I didn't expect what I received. They rolled their eyes and I can sense that they are disgusted! Okay! Hindi pala sila friendly, bakit ko naman sila poproblemahin eh first day na first day
Nagsimula ang flag ceremony at tumuwid kaming lahat ng tayo nang marinig ang national anthem. Medyo nababother ako sa mga lalaking nasa tabi ko na nagtutulakan at nag- aasaran, they don't know na may nagbabantay pala sa amin sa likod kaya sinaway sila. Napatingin ako sa lalaking matangkad na katabi ko ngayon na nakatingin 'din sa akin. He smiled at me so I smiled back.
"Good morning students!" naagaw ang pansin naming lahat dahil sa babaeng nakatayo sa stage na may hawak na may microphone, winelcome niya ang mga new students at transferees at kabilang kami doon. Marami pa siyang sinabi at pinakilala na mga professors hanggang sa pinakilala niya ang sarili. She's our dean at magrarandom visit daw siya every classroom sa araw na 'to. "May you enjoy your first day here everyone especially those new students who transfered here so alumnis, guide them if they need help okay?" magiliw na tanong niya.
"Yeeeess deaaaan!" halos lahat ng estudyante ay sinigaw 'yon, mga alumnis ata.
The flag ceremony is done and all we need to do is look for our classrooms and what floor. Five story building ang nasa left side at three story ang sa right side, sa right side ang building ng mga seniors at sa kabila ang juniors. Bigla akong hinila ni Tessa dahil ang bagal ko daw maglakad.
Nagdudumugan ang mga estudyante sa harap ng bulletin board kung saan nakadikit ang mga maliliit na pangalan namin sa isang bondpaper, Tessa presented her self na siya na ang titingin kung saang room kaming tatlo.
"Sana magkaklase tayo," saad ni Leria, I smiled at her and tapped her shoulder.
"Sana nga..." hiling ko 'din, 'di ko sinasadyang mapatingin ulit sa matangkad na lalaking nakatabi ko kanina sa flag ceremony. Nataranta ako nang papalapit siya sa gawi namin ni Leria.
"Hii!" masiglang bati niya habang papalit- palipat ang tingin sa amin ng katabi ko, malapad ang ngiti niya at nakakahawa 'yon.
"Hello! Ano ang pangalan mo?" si Leria ang unang nakabawi sa katahimikan sa pagitan naming tatlo.

BINABASA MO ANG
When Teary Clouds Met Us (When Series #2)
RomancePublished: March 26, 2021 Finished: June 30, 2021 (Book Cover isn't mine. It was made by an amazing author I knew.) When Series # 2 Meet Weshia Clodovea Contreras, she's just a happy girl and I don't think if she's having a normal life like her frie...