Chapter 29.
Speechless.
Ang bilis ng panahon. It was so fast like it's just a blink of an eye...
Two years had passed. Dalawang taon na, dalawang taon na ang lumipas simula nung nagbago ang buhay ko. I am now an eighteen year old woman who's turning nineteen. Time flies so fast... and it's very scary for me...
I'm already studying in college, architecture nga ang kinuha ko na gustong- gusto talaga ng sariling puso ko. Gaya ng napagplanohan ko ay naging isa akong modelo sa Flower Agency kasama si Sarah. I was so happy when I started workshopping, ang dami kong natutunan until I became an official model. Dinadala na ako sa ibang lugar para sa fashion show or photoshoots.
About sa relationship namin ng Daddy ko, masasabi kong nagiging close na ulit kami! I can't believe it! I really can't believe that I can make my father smile sa loob ng dalawang taon. Si Kuya Wesley ay nagsisimula nang maging intern sa iba't- ibang company pero plano niya talagang magtrabaho sa company namin.
Masaya ako... masaya nga bah?
Simula noong 'di ko na pinapasok si Aiden sa puso't isipan ko... medyo naging masaya ako. Hindi ko na siya nakikita at parang nasa ibang bansa na naman siya. He has a social media pero hindi siya active doon. Minsan nakikita ko nalang ang sarili kong tinitingnan ang insta niya.
Maraming nagbago pero masaya ako sa pagbabago ng buhay ko, Patricia, Kaireen and Queco are becoming mature! And oh! I almost forgot na may bago kaming kinakaibigan and it's no other than Metichia Abigail Sadelma, pamangkin ni Mrs. Caith. Schoolmate siya nila Kaireen at classmate ni Queco. She's pretty but I could also say that she's a little bit childish.
Nalaman ko 'din na kaklase ni Queco ang anak ni Mrs. Caith na si Zaniel Xavriel Sadelma and on the other section is Eduardo Ashnel Sadelma. I feel weird tungkol sa biglaang pagtransfer nila pero nakita ko ang pagbabago ni Pat at Kaireen...
Semestral break at walang photoshoot or etc. na dapat kong gawin sa susunod na mga araw and I needed a break. Kasalukuyan akong nag- iimpake para sa vacation sa isang resort kasama ang magpinsan na Celestar at Arellano, hindi naman talaga kami kasama ni Tessa, Leria at Patricia pero makulit ang tatlo, gustong sumama kaya nadamay ako!
"Looks like you're going somewhere," muntik na akong mapatalon nang marinig ko ang boses ni Daddy malapit sa pinto. "Where are you going, Claudy?"
"Uhhh my friends are planning to have their vacation Daddy, gusto nilang sumama ako..." tuluyan na siyang pumasok sa kwarto at tumayo sa harap ko.
He tilted his head. "On a resort?" tinitingnan niya pala ang sundress na nakalatag sa kama ko. Tumango ako.
"Yes Daddy, bagong open po kasi ang resort at gusto ko 'din makita. Maganda po siya Daddy, nakita ko po siya sa internet at social medias and their accomodation there is nice." sagot ko.
"Just take care there with your friends, how many days will you stay there?" naalala ko ang tinext ni Nica kahapon na hanggang tatlong araw kami sa resort.
"Three days Daddy and of course, mag- iingat kami doon." I gave him my assuring smile and he smiled back.
"Okay Good, will Nando should accompany you there?" agad akong umiling.
"'Wag na po Daddy, may van pong kukuha sa'kin dito kaya huwag niyo na pong abalahin si Kuya Nando," saad ko, he just nodded his head. Napansin kong may pupuntahan rin si Daddy. "Kayo po Daddy? Where are you going?" ako naman ngayon ang nagtanong.

BINABASA MO ANG
When Teary Clouds Met Us (When Series #2)
RomancePublished: March 26, 2021 Finished: June 30, 2021 (Book Cover isn't mine. It was made by an amazing author I knew.) When Series # 2 Meet Weshia Clodovea Contreras, she's just a happy girl and I don't think if she's having a normal life like her frie...