Twelve

469 16 10
                                        

Chapter 12.

What's up.



They say Love is like a heaven to us but we can also say that Love has many sacrifices too. 'Yung akala mo, ayos lang ang lahat dahil sa Pag- ibig, at 'yung inaakala mong tao na magiging sa'yo na talaga hanggang sa huli pero 'yung mga inaakala natin ay puro disappointment at hanggang sa expectations nalang mapupunta and here is my friend, the victim of the not- sure- love.




Hayy bakit pa kasi sa ganitong edad pa ni Tessa natutunang magmahal at sa manloloko pa talaga?




"Lecheng lalaki 'yon, pagkatapos ko siyang mahalin ng totoo sa loob ng apat na buwan! Mambabae siya! Leche! Napakatanga ko! Sinasabi ko na sa sarili ko na mangyayari 'to pero hindi ko siya pinakawalan! Ugh! Napakatanga ko, ang tanga- tanga kong babae..." kanina pa kami rito sa madilim na eskinita habang pinapakinggan ang pag- iyak niya. Hinagod ko ang likod niya.




"Hey... kumalma ka muna Tessa... hindi mo kasalanan---"




"Sabihin mo nalang kasi Weshia na ang tanga- tanga ko, napakatanga ng kaibigan mo. Kung pinakinggan lang sana kita noon ay sana hindi na ito nangyari! Tanginang Doji!" humagulgol pa siya, akma ko na sana siyang yayakapin ulit pero pinigilan niya ako. "Stay away from me please."




Naramdaman ko ang paghawak ni Leria sa balikat ko. "Hayaan mo muna siya Weshia... bigyan natin siya ng oras hanggang sa kumalma na siya," pagtingin ko ay nangungusap talaga ang mga mata ni Leria kaya wala akong nagawa kundi ang sundin ang sinabi niya.




"Grabe naman kasi si Doji, basta makakita lang ng magandang babae, kinukuha niya agad! Eh mas maganda naman si Tessa sa lahat ng babaeng pinopormahan niya... Hayy grabe talaga! Hindi ko matingnan sa mata si Tessa ngayon dahil nageguilty ako!" anas ni Kaireen na parang manununtok na, medyo malayo kami sa puwesto ni Tessa ngayon pero alam kong naririnig niya kami.




"Si Queco naman kasi! Sinabihan na nga siyang 'tama na' naging matigas pa ang ulo niya!" hinampas ni Pat ang balikat ni Queco.




"Sorry... hindi ko akalain na iiyak pala si Tessa pero hindi ko naman sinasadya---"



"Anong hindi sinasadya?! Nilibrehan ka na nga ng pagkain pero sinaktan mo naman ang damdamin ng kaibigan natin-- teka! Parang hindi ka totoong kaibigan eh! Umalis ka na nga dito!" sigaw ni Kaireen, para namang takot na bata si Queco na tinakpan ang mukha niya.



"Sorry na kasi! Totoong kaibigan ako 'noh! Huwag mo 'kong hampasin!" Kaireen pretend that she didn't heard Queco's words, pinaghahampas na ng dalawang babae ang magkabilang braso ni Queco.




I heavily sighed and looked at Tessa who's still crying in pain. Masakit 'din tingnan na nasasaktan ang pinakamatibay na kaibigan namin dahil lang sa isang manlolokong lalaki. Once a fvckboy always a fvckboy.




Malungkot kong tiningnan si Leria na seryuso lang na nakatitig kay Tessa, tinabihan ko siua at mahinanh siniko ang braso niya. I caught her attention but her serious face didn't change.




"Nakita ko last friday si Doji na may kasamang dalawang babae sa labas ng isang apartment, si Natasha ay isa sa mga kakilala kong nakatira doon, Mom told me to visit her kaya napadpad ako doon. Sa una ay akala kong namamalikmata lang ako pero nang makalapit na ay nakilala ko na talaga" napasapo sa noo si Leria kaya nakaramdam ako ng pag- aalala.



"Leria---" she cut me me off before I could say any words.




"Dapat sinabihan ko na siya pagkatapos mangyari 'yon pero natakot ako... natakot akong masaktan si Tessa lalo na't napakalambot ng puso niya  sa lalaking 'yon," akala ko umiiyak si Leria kaya hinagod ko ang likod niya.




When Teary Clouds Met Us (When Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon