Six

642 17 17
                                        

Chapter Six.

Scared.



"Grabe Weshia first time mo bang gawin ang bagay na 'yon?!" humahangang tanong ni Patricia habang kinakain ang ice cream niya, natawa si Tessa.



"Paniguradong hindi niya first time 'yon! Baka palagi niyang kasama ang boybest friend niya at tinuturuan siya! Eto oh masarap 'tong cookies and cream" inabot niya naman ang ice cream na hawak niya.



"I am okay with this, Tessa. Kainin mo nalang 'yan" nakangiting tugon ko pero masyadong matigas ang ulo niya dahil pinilit niya akong  tanggapin ang hawak na ice cream niya. She was forced to treat our friends and she insisted!



"Magkano bah pera mo ngayon? Bakit nalibre mo kaming lahat? Akala ko bah magtitipid ka na simula ngayon?" biglang tanong ni Kaireen, kinain niya na 'din ang libre ni Tessa.




"Marami akong pera ngayon. Perang galing sa gago kong tatay na hindi ko pa nakikita hanggang ngayon so pwede ko kayong ilibre kung ano ang gusto ninyo" I blinked twice of what she said, simula nang maging kaibigan kaming dalawa ni Tessa... hindi pa niya nabanggit sa amin ang tatay niya.





"Hey don't call your father like that, tatay mo pa 'din siya kahit anong mangyari" I said to her, she rolled her eyes.




"Kahit ano pa ang itawag ko sa kaniya, hindi niya maririnig. Matapos akong ipanganak ni Mama, iniwan niya kami sa hindi ko alam ang dahilan pero ang sabi ni Mama na palagi siyang nagpapadala ng pera para sa aming dalawa ni Ate Thrasha. Ewan ko bah sa gagong 'yon, gusto kong humanap ng bagong asawa si Mama pero ayaw niya. Nakakatapagtaka para sa akin 'yon pero bahala na sila sa buhay nila" nagkibit- balikat siya saka kinain ang ice cream na hawak niya.





Nakiusyo naman si Queco. "Panigurado tatay mo isang hapon dahil sa apelyido mo na 'Fukuda' 'di bah? Pero bakit hindi naman singkit mga mata mo?" bigla naman ipinakita ni Tessa ang nakayukom na kamao niya.




"Gusto mo 'to? May lahing katsila nanay ko at masyadong malakas ang dugo ko roon at kung nakita mo na ang mukha ng kapatid ko, siya 'yung may singkit na mata. Tumahimik ka na nga!" ngumuso si Queco at kinain nalang ang hawak niya.





"Pero in any chance, Tessa. Alam mo bah ang pangalan ng tatay mo?" maingat na tanong ko, natigilan siya sa pagsubo at tiningnan kami isa- isa kaya nakaramdam ako ng kaba sa kalooban ko.





"First name lang ang alam ko dahil mahaba ang pangalan niya gaya sa'kin. Ano ngs bah 'yon?" kunwari pa siyanv nagisip- isip kaya hinintay namin ang susunod na sasabihin niya. "Yu... Yuuji! Tama! Yuuji ang pangalan ni gago!"



"'Wag mo naman ganyanin ang tatay mo, hindi ka bah nahihiya?" tanong ni Kaireen.





"Hinde, wala namang may alam na may anak siya dito sa Pilipinas kaya ano pa ang inaalala ko? Well isa siya naman talaga siyang gago dahil kung hindi niya kami iniwan dito, mamahalin ko siya. Teka! Bakit ko nga bah 'to sinasabi ang mga bagay na 'di naman importante?" she laughed.





Tumayo siya kaya tumayo na 'din ako. Marahan kong tinapik ang balikat niya nang masulyapan na may nangingilid nang mga luha sa mata niya. Mahina siyang suminghot.




"Tara na nga! Nagugutom na ako, saan tayo kakain? Siguradohin ninyong mamahalin para maubos ko ang maraming pera na dala ko ngayon ah?" nakita namin kung paano niya pinunasan ang luha sa gilid ng kanang mata niya. Natahimik kami at hinayaan si Queco na tumuro kung saan kami kakain.




Sa huli ay sa isang fastfood chain kami kumain, Tessa insisted to treat all of the foods we ordered. Tinulungan kami ng isang lalaking crew para i- connect ang bakanteng table sa table namin dahil marami kami. Pinagitnaan ako ni Tessa at Patricia.





When Teary Clouds Met Us (When Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon