Chapter 20.
Another.
Walking in the quadrangle papuntang parking lot, ito lang naman ang ginagawa ko. It's already 5:03 in the afternoon and the sun was about to set, umihip ang medyo malakas na hangin at nilipad nito ang buhok ko. Doon sa gate lumabas sila Tessa at Sarah habang ang iba kong kaklase ay papunta na 'din sa parking lot. Hinanap ko pa kung saan nagpark si Kuya Nando.
"Magandang hapon po, ma'am Weshia. Kamusta ang klase ninyo?" tanong kaagad ni Kuya Nando nang tuluyan na akong makalapit sa kotse, I smiled at him.
"It was a little bit tiring but it was fun at the same time, Kuya Nando" sagot ko, nagtataka ako kung bakit hindi niya pa binubuksan ang pinto kaya ako na sana ang magbubukas pero bigla niya akong pinigilan. "What's wrong?" kunot ang noong tanong ko, he gave me a weird smile.
"Ahhh ma'am... may tao po k- kasi sa loob, hinihintay kayo" I tilted my head on the side and thinking what does he mean. Marahas kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya at tiningnan siya nang mabuti, he looked away so I got the chance to open the door.
Habang binubuksan ko ang pinto ay ang pag- ikot naman ni Kuya Nando patungo sa driver's seat. Halos matumba ako sa gulat nang makita ang nakaside- view na nakaupo na si Aiden! His face was very serious and I can feel that he is mad at me! Sinasabi ko na nga bah at pupuntahan niya ako dito!
What should I do?!
Tinitigan ko lang siya at naghihintay na lumingon sa gawi ko, I am still standing outside holding the latch of the car's door and I really looked stupid. I sighed and got hesitate if I will call him? Or ask him what he is doing here. No! Dapat 'yung dalawa ang gagawin ko!
Huminga ako nang malalim at pinikit ang mata ko saglit.
"A- Aiden..." I called his name at doon pa niya ako nilingon, tinaasan pa talaga ako ng kilay! Pumasok na ako pero ang tingin ay nasa kaniya pa rin. I pouted and he just glared at me!
"Sa mansion po namin, Kuya Nandz." malamig ang boses na sabi niya, tinanguan siya ni Kuya Nando at nakita ko pang nakangiti siya.
"S- sa mansion ninyo? What am I gonna do there?" nagtatakang tanong ko.
"Welcome ka naman sa bahay ah? Bakit ka pa nagtataka 'dyan?" he coldly asked while still not looking at me, gusto ko siyang hawakan pero ramdam na ramdam ko talagang nagtatampo siya at galit sa akin. Hayyss... ano bah ang pwede kong gawin? Hindi ko alam kung paano maglambing!
Tahimik kaming tatlo nasa loob ng kotse, nakikinig ng opm songs na pinlay ni Kuya Nando. Humalukipkip ako sa kinauupuan at tumingin nalang sa bintana, malapit nang magdilim at wala naman kaming assignments kaya nothing to worry ako ngayong gabi. Hinde! I have to worry how should I get back the cold Aiden into a jolly Aiden! He suddenly put a distance where am I sitting kaya napatingin ako ulit sa kaniya.
"Aiden... anong problema mo?" mahina at maingat na tanong ko, marahas niya akong tiningnan at tinitigan sa mata na may nagkasalubong ang kilay.
"I am mad, Claudy." pag- amin niya, napapikit ako at napabuntong- hininga.
"S- sorry... hindi ko sinasadyang 'di ka pansinin kanina sa cafeteria, sorry Aiden..." paghingi ko ng tawad, mas lalong nagkasalubong ang kilay niya. Nakakatakot nang titigan ang asul na mga mata niya kaya iniwas ko na naman ang tingin ko.
"Hindi sinasadya? Are you fooling me, Claudy?! Ginawa mo akong tanga kanina sa cafeteria, just a simple wave to me ay ayos na sa akin! Pero ang pag- iwas at pagyuko ay hindi ayos sa akin! Can you freaking tell me what's the problem? You didn't even reply to my messages!" I closed my eyes just to concentrate how would I tell him.

BINABASA MO ANG
When Teary Clouds Met Us (When Series #2)
RomancePublished: March 26, 2021 Finished: June 30, 2021 (Book Cover isn't mine. It was made by an amazing author I knew.) When Series # 2 Meet Weshia Clodovea Contreras, she's just a happy girl and I don't think if she's having a normal life like her frie...