Chapter Three.
Program.
Being alone in life is very boring for the other people but for me it's fun, I guess? Ngayong wala na ang inaasahan kong tao kada araw ay hindi ko na alam kung paano sasabihin ang mga salitang 'Ayos lang, masaya naman ako'. This is the third day na hindi na pumunta si Aiden dito sa condo ko dahil pagkatapos namin magdinner noong isang araw ay umalis kaagad ako at iniwan siya.
Bigla ngang umulan nung araw na 'yon pero pasalamat ako dahil hindi ako nagkalagnat. Minsan ay napapatingin ako sa cellphone ko kung may text bah siya at ngayon naalala ko lang na I blocked his number, I don't want to be with him again... ayoko na pero parang gusto ko pa.
Nanlulumo akong humiga sa kama ko, it's just five in the morning at nagising lang ako ng walang dahilan. I tried my best to close my eyes and sleep again but my head is so stubborn, gusto niya nang maligo para magpalamig. I looked like a zombie walking towards to my bathroom.
Wala akong bath tub kaya wala akong nagawa kundi ang magmadali at magluto ng agahan. Nasanay akong may kasama ako sa agahan pero ngayon iba na, may gana naman akong kumain pero kapag naiisip ko bigla si Aiden ay medyo nasusuka ako sa pagkain.
Tamad akong pumara ng jeep sa harap ng condo. Natataranta pa akong kumuha ng pera sa loob ng pitaka kaya napapatingin na ang katabi ko sa gilid. I awkwardly gave them a smile and they laughed, students sila sa ibang school base sa uniform nila. Nakanguso kong nilagay pabalik ang pitaka ko sa malaking sling bag ko.
Medyo lumampas ako sa gate ng school kaya mas lalong natawa ang nakatabi ko sa jeep. Nakanguso akong bumaba at tamad na pumasok sa gate. Nakakapanibago dahil hindi ako inabangan ni Tessa malapit sa gaurd house. Mas lalo akong napanguso dahil nakita ko siyang kaharutan ang bagong jowa niya, nakaupo sila sa bench. Wala talagang paki ang gaga kapag PDA na ang pag- uusapan. Pvcha.
Nilagpasan ko sila at dahil abala sila sa paghaharutan ay hindi nila ako napansin. Dumiretso ako sa cafeteria para bumili ng coffee milk drink, nginitian ako ng tindera at tamad ko 'din siyang nginitian.
"Ate Weshia!" napaigtad ako sa gulat nang marinig ang sigaw ni Patricia na tumatakbo sa hallway patungo sa akin. Mabilis siyang tumakbo dahil isa siya sa mga athlete sa school kaya wala pang minuto ay nakarating na siya sa harap ko, hinihingal.
"Why are you running? Good morning by the way" pilit kong pinapangiti ang labi ko.
"Nakita mo bah sila Ate-- ay hindi! Si Tessa at 'yung Doji na jowa niya?" nanlalaki naman ang mga mata ko sa tanong niya.
"Bakit mo sila hinahanap----" hindi ko na natapos ang gusto kong itanong nang sumabat bigla sa amin si Kaireen at Queco na hinihingal 'din ngayon dahil sa katatakbo!
"Pinapatawag sila ni Dean Fernandez dahil sa kasong PDA! Sinumbong sila ni Kuya Card kaya nasaan sila?!" si Queco habang hinahabol pa 'din ang hininga niya, mas lalong nanlalaki ang mga mata ko.
"Kailangan silang ipaghiwalay bago pa sila makita ng members ng Student's council na naghahanap rin sa kanila ngayon! Patay silang dalawa at baka masuspended sila!" natatarantang dagdag ni Kaireen.
"Nandoon sila malapit sa quadrangle!" narinig naming sigaw ni Dwellie na isa sa mga representative ng grade nine! Napabalikwas kami ng takbo pababa sa quadrangle at nagkaniya- kaniya ng labas patungo sa quadrangle!
Pvcha! Bakit bah kami nadadamay sa kagagahan ng kaibigan namin?!
Nangungunang tumatakbo si Patricia kaysa kay Dwellie, ako naman ang nasa likod niya. Nakita kong hindi pa 'din tumitigil sa paghaharot sa isa't- isa si Doji at Tessa!

BINABASA MO ANG
When Teary Clouds Met Us (When Series #2)
RomancePublished: March 26, 2021 Finished: June 30, 2021 (Book Cover isn't mine. It was made by an amazing author I knew.) When Series # 2 Meet Weshia Clodovea Contreras, she's just a happy girl and I don't think if she's having a normal life like her frie...