Chapter 14.
Lucky.
Kanina pa ako kinukulit nilang lima at hindi ko alam kung maiinis na bah ako o hinde! Dahil ang tingin nila Sarah at Tessa ay nang- aasar na talaga at parang gusto talaga nilang malaman kung anong pangalan ng private student na 'yon. They already know that the other student was Delphin but still, hindi nila alam ang full name nito at sa akin nila binubunton kung alam ko bah ang full name ni Aiden.
Syempre alam ko! Kaibigan ko 'yon eh!
I just looked away from them and looked at Leria who's teasing me too! Pero hindi halata sa kaniya na nang- aasar siya at nangungulit kaya siya nalang ang tiningnan ko.
The twins were fighting something na hindi namin alam kung ano dahil abala ang tatlong babae sa akin. I shook my head and just continue eating my sphagetti and toasted bread. Inirapan ko sila isa- isa nang mapansin na binabantayan 'din nila ang pagkain ko. God help me! Nakakailang na ang ginagawa nila!
"Sabihin mo na kasi Weshia kung ano ang pangalan niya para tapos na ang usapan," pamimilit ni Tessa, binelatan ko siya.
"She's right Weshia, tell us what is he look like. Hottie bah? Alam ko naman na matatangkad ang dalawang private students pero 'di ko alam kung ano ang mukha nung isa so will you please tell us?" dagdag ni Sarah, binelatan ko 'din siya.
Hottie? Pwe! 'Yong katawan na 'yon?! Para siyang nakatayong bamboo tree dahil sa payat! Gwapo naman si Aiden dahil sa sobrang puti ng balat niya na parang binuhosan pa ng harina! Para 'din siyang nakasuot ng contact clens dahil sa mga asul na mata niya. Hindi siya gwapo para sa'kin, minanyak pa niya ako kanina!
Tapos nagustohan niya pa ako?! God! Pinaiyak niya ako!
"H.I.N.D.I K.O. N.G.A A.L.A.M! kaya stop teasing me okay? Wala kayong makukuhang sagot sa'kin, finish your food now." utos ko, nakita ko kung paano bumakas ang panlulumo sa mga mukha nila. Bahala sila!
I stand up to go to the restroom at sinabihan ko si Gailey at tinuro ang pink na pinto na may sticker 'din na Hello Kitty na may tatak na 'Bathroom'. Gailey's bathroom waa very clean and cool! She has a large bath tub at ang mga tiles... hulaan niyo, light pink at ang linis tingnan.
Umihi lang ako at naghugas ng kamay tutal tapos naman na akong kumain. Gusto ko nang umuwi, alam ni Kuya Nando na may group project kami at tinext ko siya kanina bago namin kinuha ang libro. Itetext ko siya kung magpapakuha na ako.
To: Gaurd Nando
Hii Kuya Nando :) uhmm tapos na kami sa group project namin at magpapasundo na po ako.
Sent.
Wala pang segundo ay nagreply na siya!
From: Gaurd Nando
Sige po ma'am Weshia, on the way na ako.
Napangiti ako at tinurn- off ang cellphone ko bago lumabas na ng bathroom. I saw Tessa and Sarah are fighting and they are so loud, Leria looks like the referee because she's now in the center of the two! Hindi talaga sila nahihiya.
"Ako dapat 'yung leader dahil mas matalino ako sa'yo!" anas ni Tessa, Sarah crossed her arms.
"Oh really? How smart are you then?" mataray na tanong ni Sarah.
"Globe ako hindi Smart!" Sarah's eyes widened. Natawa ako at hindi nila ako napansin doon.
"I'm asking for your intelligence not your sim card! Oh my gaaawd! I can't believe this that I met a dumb girl like you! I really deserve to be the leader at hindi ikaw! Gosh! Naiistress ang beauty ko!" what leader are they talking about?
BINABASA MO ANG
When Teary Clouds Met Us (When Series #2)
RomancePublished: March 26, 2021 Finished: June 30, 2021 (Book Cover isn't mine. It was made by an amazing author I knew.) When Series # 2 Meet Weshia Clodovea Contreras, she's just a happy girl and I don't think if she's having a normal life like her frie...
