Twenty- Nine (Part Two)

453 12 14
                                        

Medyo mahaba- haba ang kabanatang ginawa ko.

Chapter 29.

Meaning.

Alam kong nakatulala ako habang umuuwi sakay ng taxi, muntik ko pa ngang makalimutan na kailangan ko pang magbayad ng pamasahe.

Masakit ang ulo ko pero hinayaan lang ako ni Aiden na umuwi na masama ang pakiramdam, I don't know why kung bakit ko pa kinekuwestiyon ang mga pinanggagawa niya sa'kin dahil sa simula't sapol, alam kong galit na galit siya sa biglaang pagkawala ko at sa pagkamatay ng Mommy niya.

Binati ako ni Manang Delia at tinanong kung bakit 'di ako nakauwi kagabi, obviously I lied.

I asked her kung umuwi bah si Daddy and she said na nasa office lang siya ngayon. Inaya niya akong kumain muna ng agahan kahit alas nuebe na at late na para sa breakfast, wala ako sa sarili at wala 'din akong ganang kumain. I walked towards to Daddy's office na malapit lang sa pool.

"You're home," he commented after I closed the door of his office, simple lang ang suot ng Daddy ko ngayon, pangbahay pero ramdam mo pa rin ang awtoridad sa kilos niya. "Bakit ngayon ka lang nakauwi? Where have you been?"

"G- good morning, Daddy... natulog po ako sa bahay ng kaibigan ko," my voice is shaking at nakita ko ang pagtataka sa ekspresyon ng mukha niya.

"What's wrong, Claudy? Are you okay?"  nag- aalalang tanong niya, I want to be honest to my emotion right now. Ayaw kong magsinungaling dahil may kinalaman si Aiden sa sasabihin ko.

I shook my head and gulped. "He's mad at me... galit na galit siya sa akin Dad..." and now my voice cracked but I still manage not to let my tears fall.


"Who? Sino ang galit Claudy? Tell me..." in one swift move, nasa harap ko na si Daddy hawak na ang magkabilang balikat ko. I closed my eyes and immediately cover it using my palms. Hindi ko na kaya...


"Si A- Aiden... galit na galit siya sa'kin, w- walang katumbas ang galit na nararamdaman niya..." humihikbing saad ko, niyakap ako ni Daddy at natatarantang tinapik ang likod ko. "Nageguilty ako Daddy... my guilt is eating my mind and soul, natatakot ako." patuloy ang pag- iyak ko.


"Shhh... calm down Weshia," mas lalo pa akong napaiyak sa pagpapatahan niya, this is my first I cried infront of my father at gustong- gusto kong ibuhos lahat ang totoong emosyon ko ngayon. "It's not your fault, hindi mo kasalanan ang lahat" pero bakit? Bakit Daddy?

"But why did you blame me for Mommy's death years ago?" I felt him stiffened because of my question and he went silent, my tears became waterfalls. "See? Kung sinisi mo 'ko... sinisisi rin ako ni Aiden." akala ko tatahimik lang si Daddy.


"I didn't blame you," he denied, marahan ko siyang tinulak para makahinga ako nang maluwag. I removed my palms to stare at him, lungkot ang nababasa ko sa buong mukha niya.


Suminghot ako at pinunasan ang ilong saka ngumiti nang mapait. "You blamed me Daddy at sinabi mo pang napakaselfish kong bata na sa dinami- dami ng rescuer nung araw na 'yon, 'di ko sila sinabihan na may kailangan pang tulongan sa loob," pinukpok ko ang sariling ulo at sinadya ko 'yong lakasan. "Napakabobo ko Dad... napakabobo ko..." hinang- hina na ako, hinang- hina dahilan kung bakit ako napaluhod sa sahig.


"Sana ako nalang..." I whispered and covered my face using palms again. "Sana ako nalang 'yung nawala Dad, sana ako nalang, I am not that kind para buhayin ako ng Panginoon pero bakit? Bakit ako pa imbes na si Mommy at Tita Soleina?" I furiously tapped my left chest na parang sinusuntok ko ang sariling puso.


When Teary Clouds Met Us (When Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon