Forty- Four

500 12 0
                                        

Chapter 44.

Farewell.

"Puwes patayin mo na ako habang hindi pa ako nakakatakas sa iyo." pagkakasabi ko nun ay ang pagtulo ng luha sa pisngi ko.

Marahas niya akong tinulak kaya muntik na akong mawalan ng balanse para makatayo. I heard him laughed sarcastically. "Oh I will do that soon, Weshia. Ihanda mo nalang ang buhay mo dahil bilang nalang ito. Naintindihan mo? Humanda ka sa mangyayari," he smirked before looking back at iniwan akong luhaan.

Biglang may tumigil na taxi sa harap ko kaya sumakay ako doon. Agad kong pinalis ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. I remained quiet inside the taxi at nagbayad na para tumahimik na ang driver sa pagtatanong.

I did a deep sigh and tell the driver na sa isang villa ako uuwi. It's been a long time na hindi ko nakita si Leria so this is maybe the perfect time to see her lalo na at may karanasan siya dito. Gusto kong matawa sa naisip. Paano naman ako maiintindihan ni Leria kung alam ko namang 'di ko pa siya nasasabihan tungkol kay Aiden?

But still, gusto ko pa rin siyang puntahan.

Nginitian ako nung driver bago ako bumaba ng taxi niya. Hindi ko siya pinansin at walang imik na sinarado ang pintoan. Leria's house is a very huge one para sa iisang tao lang but as far as I remember, hindi natuloy ang pagpapakasal niya kay Kuya Julien.

Lumabas bigla si Leria suot- suot ang white dress na bagay naman talaga sa kaniya.

She suddenly stopped when she saw standing in her front gate, dali- dali niya akong nilapitan para pagbuksan. Agad ko naman siyang niyakap nang tuluyan na niyang nabukas ang gate.

"Weshia... anong problema?" she worriedly asked. Ang bango- bango ng buhok niya at halatang bagong ligo.

Umiyak lang ako kaya inalalayan niya akong pumasok sa malaking bahay at pinaupo sa mamahaling sofa niya. She hurriedly went to the kitchen to get some glass of water. 'Di ko alam kung paano patitigilin ang pag- iyak ko.

"Uminom ka muna ng tubig, hinga nang malalim Weshia... huminga ka nang malalim." pagpapakalma niya sa'kin.

I nodded my head and drank the water of the glass she gave me. Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko at marahang hinaplos ang buhok ko saka mahinang hinagod ang likod ko. Paano ko sasabihin? Mas gusto kong si Tessa ang nandito pero may parte 'din sa akin na gusto si Leria ang makinig sa'kin.

"Teka... tatawagan ko muna si Tessa, 'dyan ka na muna..." tumakbo siya sa taas para kunin ang cellphone niya.

Nang makababa siya ay nasa tenga niya na ang cellphone at may tinatawagan. "Tessa emergency... si Weshia nandito sa bahay ko, kailangan niya tayong dalawa dito. Papunta ka na? Sige mag- ingat ka sa pagmomotor ha-- hindi pa siya kumakalma... huwag ka masyadong magmadali. Oh sige sige... ingat ka," rinig kong sabi niya habang nakatayo sa harap ko.

"L- Leria..." humihikbing tawag ko.

She sat down beside me at hinagod ulit ang likod ko. "Nandito lang ako, Weshia shhhh... hintayin na muna natin si Tessa  ha? Parating na siya. Shhh... tahimik na, tahan na," niyakap niya ako nang napakahigpit.

Hinintay nga namin si Tessa at bente minutos ang lumipas ay dumating na siya. Wearing a black jeans and black leather jacket with a black tinted helmet on her side. Tumakbo siya palapit sa akin at hinaplos ang pisngi ko.

"Anong nangyari, Weshia? Ano? Ha? Sabihin mo sa amin, bakit ka umiiyak?" sunod- sunod na tanong niya.

Umiling ako. "I- I don't know, Tessa... p- pagod na akong mabuhay, natatakot na akong m- magising  bawat araw...  takot na takot..." iyak nang iyak na sagot ko. Mas lalong bumuhos ang pagluha ko nang malungkot nila akong tiningnan.

When Teary Clouds Met Us (When Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon