Twenty- Eight

328 10 1
                                        

Chapter 28.

Katotohanan.

"Oh? Napa'no naman 'yang mukha mo? Parang nakakita ka ng multo ah? Sinong nagtext?" I immediately hid the phone in my back and shakingly smiled at her.


"H- huh? It's nothing..." I said while putting the phone on the table, hindi siya naniwala kaya tumayo siya para lapitan ako. "Tessa," tawag ko sa kaniya nang mapansing kukuhanin niya sana ang cellphone kong kakalagay lang.


Kinuha nga niya at napangiwi. "Lowbat ka na? Icharge mo 'to, sayang babayarin sa kuryente kapag hahayaan mong patay cellphone mo. Sa'n charger mo? Ako na magcharge." nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya at napaupo sa kama. Siya nga ang nagcharge malapit sa bedside table ko.


"Sinabihan ko si Mama sa biglaang pagtransfer natin," saad niya habang inaayos ang lamp ko. "Nagtaka siya kung bakit dahil ayos na ayos naman daw ang grades ko at sa inyo ni Leria."


"And what did you say? Gosh... sana hindi ko nalang kayo dinamay, ako lang naman ang may gustong lumipat, dinamay ko pa kayo ni Leria," puno ng konsensiyang sambit ko, she laughed a little.


"Ano ka bah, ayaw naming humiwalay sa'yo kaya sinabihan ko si Mama na mas maganda ang CU sa STEC, napaniwala ko naman dahil si Ate galing doon." in short siniraan niya ang STEC sa Mama niya! "Hoy! Hindi ko siniraan ang STEC gaya ng iniisip mo oy! Halata sa mukha mo na nag- iisip ka ng ganiyan!" I rolled my eyes.


"Kahit na, you still say bad things about our previous school to Tita. But anyways Tessa," pag- iiba ko sa usapan. She raised her eyebrows while looking at me.


"Buti naman, ano 'yon?" she asked.


"I am just wondering... kung bakit niyo talagang gustong sumama sa'kin? I mean, you can stay in STEC if you want but why you and Leria chose to come with me?" she sat beside me and looked at me in the eyes.



Having a girl- friends like them was very amazing lalo na at may iba't- ibang ugali kami especially Pat, Kaireen and Queco. Tessa has this attitude na minsan mature, mysterious, maldita at pera ang nasa isip palagi. Matalino siya sa Math at Recess, mapili siya sa kaibigan. Leria on the other hand is the mahinhin type of friend, minsan lang makitang magalit at palangiti. She's good in cooking and  very good in Biology at hindi choosy.



Si Kaireen ay masasabi kong siya ang pinakamatalino sa aming anim, hindi siya mapapanatag kapag tahimik ang kasama niya, she likes to talk all the time and ask people. Halos lahat ng subject ay kaya niya, mapili 'din siya sa kaibigan at may trust issues. Patricia is... akala ko mahinhin kagaya ni Leria but she is just hiding her talkative side because of shyness she felt towards us, matalino siya sa History, mabait at may pagkachoosy rin sa kaibigan. Lastly, the one and only girl in our group, si Conor or Queco. Isip- bata at palaging gutom which is kinagagalit ng ilang teachers sa kaniya pero may tinatagong katalinuhan sa paggawa ng essays especially kung tungkol sa bansa ang pag- uusapan, he's kind to people if it will give him foods he like.



"Kasi ayaw nga naming humiwalay sa'yo, hay nako! Bakit bah paulit- ulit ko nalang 'to sinasabi sa'yo?! We don't want you to be alone Weshia kaya ayan, gusto naming sumama para walang makakaagaw sa'yo doon," my heart melt. "At isa pa, ayaw na ayaw naming may mahahanap kang ibang kaibigan maliban sa amin nila Kaireen at Patricia at sa iba dahil panigurado, gugulohin ka nila kapag mangyayari 'yon." biro niya pero seryuso ang boses.



"T- talaga?" medyo nakaramdam ako ng takot pero napangiti nalang sa huli. "Thank you ha? When I was informing about sa pagtransfer ko, akala ko iiwan niyo lang akong mag- isa sa Cambide..."



When Teary Clouds Met Us (When Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon