Chapter 36.
Welcome.
Kanina pa ako 'di mapakali dahil kanina pa 'din ako tinatawagan ni Ate Thrasha. Pumutok na raw ang panubigan ni Tessa at mukhang manganganak na!
Tumatakbo akong lumabas ng building at nakalimutan na may kotse pala akong dala! Dahil sa pagmamadali ko ay nagtaxi nalang ako, para akong nakakita ng multo dahil sa mukha ko. I was holding my phone while nakatawag sa akin si Pat.
"Hinahanap ka ni Tessa! Saan ka na bah?" she asked.
"Just wait there okay? Tell her to wait, nakasakay na ako ng taxi papunta 'dyan," nilayo ko muna ang cellphone sa tenga ko para sabihan ng driver kung saan ako ibababa.
"Taxi? Teka lang, may kotse ka naman ah? Bakit nakataxi ka lang?" nagtatakang tanong niya.
"That's not important anymore, tell Tessa to calm down okay dahil papunta na ako, I'll hang up now. Bye." hindi ko na pinakinggan ang sinabi niya dahil binaba ko ang tawag. "Uhh Manong, pwedeng pakibilisan po ang pagpapatakbo? My friend really needs me asap,"
"Sige po ma'am." sagot niya at pinabilisan nga ang pagpapatakbo ng taxi niya.
Hindi ko kayang isandal ang likod ko, I am freaking worried lalo na't first baby ni Tessa ang ipapanganak niya. I am excited but at the same time scared. Paano kapag hindi kakayanin ni Tessa? Patago kong pinilig ang ulo sa naisip. Tessa is a strong woman, I know she can do it. Tahimik akong nagdasal habang nakaupo sa kaligtasan ni Tessa at ng baby niya.
"Thank you, Manong! Keep the change nalang po! Salamat!" sigaw ko at nagmamadaling tumakbo papasok sa malaking hospital.
Sinabi naman kaagad sa akin ng nurse na nasa table na nasa delivery room ang hinahanap ko. Pagkarating ko ay nadatnan ko si Tita Therese na may hawak na rosaryo sa kamay niya, nilapitan ako ni Ate Thrasha saka niyakap.
"How is she? She's already in the delivery room? Manganganak na bah talaga siya? Ayos lang bah ang kalagayan niya?" sunod- sunod na tanong ko.
"She's fine but she kept screaming dahil sa sakit na nararamdaman niya," agad akong kinabahan.
"Are you sure? Ate... I am scared na baka hindi niya kakayanin," kinakabahang saad ko. Napatayo naman si Tita Therese at hinawakan ang kamay ko.
"Manalig tayo sa Diyos, Weshia. Matapang ang anak kong si Aiya, let's pray to God for the safe delivery of my grandchild." ramdam ko 'din ang kaba ni Tita kaya tumango nalang ako at nag- abang sa labas ng delivery room.
Ate Thrasha said na bumibili pa ng pagkain para pananghalian si Patricia sa malapit na restaurant.
It's been weeks simula noong hindi na kami nagkita ni Aiden. And about sa project namin ni Architect Gerry ay naaprobahan na 'yon ng CEO, by months now ay ihahanda na ang gagamiting materyales sa ibang bansa. I felt a little bit happy dahil hindi na masyadong gumugulo sa aking isipan si Aiden.
I'm on leave for months again dahil ang daming endorsments, projects, fashion show na kailangan kong i- attend. Mrs. Fara na napapansin niyang hindi ko ginagalaw ang pera ko sa bank account and I just told her na may plano akong magtayo ng sariling bahay using my design.
Matagal pa 'yon, sigurado ako.
Tumagal ng isang oras ang pagtayo ko sa labas ng delivery room at nataranta kaming tatlo ni Tita at Ate Thrasha nang may biglang lumabas na doctor at nurse galing sa room.
"The patient needs someone to assist her, Weshia? Is she here?" the doctor asked so I raised my right hand.
"I'm here..." sambit ko, napatingin naman siya sa'kin saka bumaling sa nurse na kasama niya at tumango. Lumapit sa akin ang nurse at sinamahan ako sa isang kwarto para pasuotin ng hospital dress at hairnet at mask.

BINABASA MO ANG
When Teary Clouds Met Us (When Series #2)
RomancePublished: March 26, 2021 Finished: June 30, 2021 (Book Cover isn't mine. It was made by an amazing author I knew.) When Series # 2 Meet Weshia Clodovea Contreras, she's just a happy girl and I don't think if she's having a normal life like her frie...