Forty- Six

570 11 5
                                        

Chapter 46.

Paradise.


"Hija... kumain ka na muna," Tita Ida suddenly approached me. I smiled at her to tell her na ayos lang ako. Kanina pa ako nakaupo malapit sa coffin ni Xoul. "You always drink water, you didn't sleep so you should eat first." nag- aalalang dagdag niya.

"I'm fine, Tita. Ayos lang po ako, asikasuhin niyo nalang po ang iba. Mamaya na ako kakain," I said.


"Pero kahapon mo pa sinasabi 'yan, mamaya okay? I will expect you to eat some food. Maiwan na muna kita, pupuntahan ko ang pamilyang Blanchard." tumango ako at hindi na nagulat sa huling sinabi niya.


Ininom ko ang dala kong bottled water at tinungga 'yon. Alam kong magang- maga na ang mga mata ko kaya nahihiya pa akong lumapit sa mga tables na may pagkain. Buntong- hininga ang ginawa ko saka nilingon ang mga taong nasa likuran. I saw Hestia who's now wearing her glasses, Kuya Reus who's just staring infront. Ang ama nila na katabi ni Aiden, nakatitig lang siya sa'kin kaya iniwas ko na paningin ko. Why is he here?

I stood up to look at Xoul, sleeping peacefully in his coffin. He is wearing his white tuxedo, para siyang prinsipe na natutulog dahil sa maamong mukha niya. Bakit iniwan mo 'ko kaagad? Wala pa ngang girlfriend...


Marahan kong hinaplos ang window glass. "Xoul... have fun in the Paradise okay? Huwag kang magmamatigas 'dyan naintindihan mo? Baka kurotin ka ni San Pedro sa tagiliran," biro ko. Kanina pa ako umiiyak at wala na akong luhang mailalabas.



"Weshia, nandito na ang Kuya Wesley mo," tawag sa akin ni Manang Delia. Kasama ko siya ngayon dahil gusto ni Tito Boris na may kasama ako so Manang Delia is serving to the people here.


I looked at the entrance at nandoon nga si Kuya Wesley na may nag- aalalang mukha, I was surprised when I saw Yannise is with him wearing a black dress. I hugged my brother tightly.

"Hindi ka pa raw kumakain, you should eat Claudy..." sambit niya habang yakap- yakap ako.



"Condolence Tita Ida... Tito Boris," rinig kong sabi ni Yannise na yakap- yakap na si Tita ngayon. Tinanguan lang siya ng mga magulang ni Xoul bago lumapit sa akin at marahang hinaplos ang pisngi ko.

"Weshia... your eyes... hindi ka pa bah natutulog?" yumuko ako kaya niyakap niya ako. "Shhh... nandito lang kami ng Kuya Wesley mo, matulog ka sa condo ko mamaya okay? Tatabihan kita matulog,"


"Salamat, Yannise." tipid na tugon ko, inasikaso naman sila ni Manang Delia.



Dahil nandito na si Kuya Wesley at Yannise ay sumabay na ako sa pagkain nila. I chose to eat hot soup and water at noong nawalan na ako ng gana ay sinubuan ako ni Yannise, para naman akong batang nagpasubo sa kaniya. She smiled at me before getting more soup in my bowl. Para siyang si Mommy kung mag- alaga.


After eating ay nilapitan ko na naman ulit ang coffin ni Xoul. Naramdaman ko ang isang presensiya ng tao sa likod ko, lumingon ako at nakita ko si Aiden na may dalang puting rosas, nagsalubong ang dalawang kilay ko.

"What do you think you're doing with that flower?" galit na tanong ko.

"Shhhh, natutulog kaibigan natin sa harap." saway niya sa akin. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Kaibigan? Kailan pa sila naging magkaibigan ni Xoul?

"Idiot, ayaw mo nga sa kaniya pero kabigan ang tawag mo kay Xoul? Shut up Aiden, hindi kayo magkaibigan ni Xoul." malumanay na sagot ko.

"We're friends actually, bestfriend pa nga kaming dalawa pero patago," ngumiti siya ng malungkot at bigla akong natahimik. I chose not to respond to him dahil baka mag- away pa kami.


When Teary Clouds Met Us (When Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon