Chapter 27.
Guide me.
The grand Intramurals of STEC was officially done! Our team won again! Lahat nagkakasiyahan sa loob ng covered court, wala nang labanan na magaganap. Puro tawanan at asaran ang naririnig ko sa buong court, lumapit na sa amin sila Gailey, Sarah at Leria.
Sa Miss Intramurals, ang nag- iisang Tessaiya Yui Himari ang nanalo! I know she didn't expect dahil ang higpit ng labanan nila nung Natalie. Ang laki- laki ng ngiti ni Tessa habang pababa ng stage suot ang final outfit nila with a flower crown on her head.
"Congratulations Tessa! You really deserve the crown!" bati ni Sarah, they did a high five to each other.
"Salamat! Salamat!" masayang tugon niya, she looked at me. "Ikaw naman sa next year na representative Weshia!" nanlaki ang mga mata ko at medyo nalungkot sa sinabi niya. Wala nang next year, Tessa.
"Hahahaha Congrats Tessa! You look stunning on that crown," napangiwi siya at nagtaka sa pag- iiba ko sa usapan pero natawa lang siya.
"Salamat! Thank you talaga sa support gurls, hindi ko inaasahan. Akala ko nantitrip lang 'yung emcee sa event, ako pala talaga ang nanalo! Haha! Ngayon lang ako naproud sa sarili ko nang ganito!" tumawa kami, napansin kong papalapit na sa amin si Tita Therese at Ate Thrasha na may malaking ngiti sa labi.
"Anaaaak! Congrats! Ang ganda- ganda mo! Anak talaga kita!" hinalikan ni Tita Therese ang anak niya sa pisngi, humagikgik naman si Tessa.
"Ako naman talaga ang pinakamaganda sa ating tatlo, Mama." tumalim bigla ang tingin ni Ate Thrasha sa kaniya.
"Hey! Mas maganda ako sa'yo Yui!" puna niya, binelatan lang siya ni Tessa halatang nang- aasar sa Ate niya. "But Congrats anyways! Mas deserving naman 'yung Natalie sa kabilang team." nguso ni Ate Thrasha.
"Hoy! Kapatid mo 'ko! Bakit pumapanig ka sa kabilang kampo? Traydor ka ah?! Sabunotan kita mamaya, humanda ka sa'kin!" sinaway ni Tita Therese ang mga anak niya pero 'di nagpatinag si Ate Thrasha.
"Try me Yui, papalayasin ko ang mga pusa mong walang awa. Kahit kama tinataehan!"
"Ikaw! Mama oh! Tingnan mo si Ate" sumbong ni Tessa.
We all laughed at them hanggang sa napagdesisyonang magsiuwian na. Lumapit muna si Sir Darwin para icongrats si Tessa at ang ibang members sa kabi- kabilang team. Ang saya, grabe ang saya na nararamdaman ko ngayon pero ang lungkot na mararamdaman ko mamaya ay triple... Hayyy bakit sa akin ko pa 'to nangyayari?
Hindi si Kuya Nando ang sumundo kundi ang kapatid ko. Kuya Wesley told me na uma- apply si Kuya Nando bilang maging isa sa mga driver ng Daddy ko kapag papayag akong tumira na ulit sa mansion. I won't ask kung paano nalaman ni Daddy na may driver ako. Until now, hindi ko pa 'din alam kung sino ang totoong boss ni Kuya Nando. There is a possibility na si Daddy.
Nakarating kami sa condo ko at nagtulongan kaming dalawa ni Kuya na ibaba ang mga gamit ko. Sinauli ko na ang susi sa nagbabantay, she asked me kung bakit biglaang ang pag- alis ko. I just smiled at her and didn't tell her my full reason. Magtatanong si Aiden sa kaniya, panigurado. Since I was 13, dito na ako tumira at dahil nasa ibang bansa ang totoong may- ari ay sa nagbabantay nalang ako nagpaalam. Gosh... nakakalungkot.
Kuya Wesley was done putting my things on his car. Sumakay na ulit ako at tahimik na sinulyapan si Kuya na nagmamaneho na. "You're sad." komento niya sa haba ng katahimikan ko.
I looked up. "I told Leria and Tessa about sa pagtransfer ko," I didn't finish my words.
"Okay? Anong sabi nila?" tanong niya, huminga ako nang malalim.

BINABASA MO ANG
When Teary Clouds Met Us (When Series #2)
RomancePublished: March 26, 2021 Finished: June 30, 2021 (Book Cover isn't mine. It was made by an amazing author I knew.) When Series # 2 Meet Weshia Clodovea Contreras, she's just a happy girl and I don't think if she's having a normal life like her frie...