Chapter 45.
Sumama.
"Xoul... kumapit ka lang okay? Kapit lang, we're already near to the hospital. Huwag kang matulog please... Xoul! Listen to me, just listen to my voice! Huwag kang pipikit!" kanina pa ako nagmamakaawa sa isa sa malapit kong kaibigan na pikit ang matang nakaupo katabi ko.
"W- Weshia... why are you here?" he weakly asked.
Ayokong makita niya akong umiiyak na parang tuta lalo na noong makita kong ang dami niyang pasa sa katawan. Hindi siya nabugbog... may sakit siya, may sakit si Xoul. Hinawakan ko ang kamay niya at hinaplos ang pisngi.
"Don't close your eyes please huwag kang matulog... huwag ka munang sasama kay Daddy!" I pleaded, he weakly smiled and looked at me in my eyes.
"A- ayaw kitang iwan... ayaw kitang iwan... huwag mo rin akong iwan ha?..." paulit- ulit na sabi niya. Tumango ako at mas lalong hinawakan ang pisngi niya at marahang pinipisil.
Tinulungan ako nung driver nilang ibaba si Xoul at may mga nurses naman na nag- asikaso sa amin kaagad. Hindi ko binitawan ang kamay ni Xoul habang pinapatakbo ang stretcher niya papunta sa emergency room. I want to collapse when I saw his nose is dripping some blood.
Pinasok na siya sa emergency room at ang ilang nurses ay pinigilan akong pumasok. "Do everything! Huwag niyo siyang hayaang mawala! Pakiusap! Medicate him!" sigaw ko bago ako pinalabas nang tuluyan sa room.
I couldn't believe na sa dalawang buwan ay mas lalong lumala ang karamdaman ni Xoul. His stage 3 blood cancer turned into stage 4 at dahil sa panghihina ng buong katawan niya ay naging mapayat siya at medyo nakakalbo na ang mga buhok. His skin was very pale and very white, even his lips... wala nang kulay ito.
Earlier, ilang beses akong tinawagan ni Melanthash dahil nga kay Xoul. Ako 'daw palagi ang sinasambit at hinahanap ng kapatid niya kaya napilitan akong mag leave for 5 days para alagaan si Xoul.
Umupo ako sa isa sa mga bench sa labas at tahimik na nagdarasal. Para na akong maiiyak habang pikit- pikit ang mga mata ko.
Lord... not now please, huwag niyo na munang kunin si Xoul sa akin, sa pamilya niya, hindi ko kakayanin...
Xoul's disease reminded me of Daddy, leukemia rin ang ikinamatay ng ama ko at hindi ko ata matanggap na ganoon 'din si Xoul, I don't want to accept everything what is happening now. Para akong mawawala sa sarili kapag nagkataon na mawala si Xoul.
I deeply sighed and immediately fix myself when the doctor went out from the emergency room after 2 hours of being there.
"How is he, Doc? How is he?" tanong ko sa kaniya.
"Kaano- ano ka ng pasyente ma'am?" marahas akong napabuntong- hininga sa tanong niya. I know this is their work but I couldn't stop but to be mad at it!
I was about to answer when I heard a familiar voice. Si Melanthash kasama ang kagalang- galang na mga magulang niya. Tumakbo siya papunta sa akin at sumunod si Mrs. Falem at Mr. Falem. Melanthash held my hands and nodded her head.
"How is my son, Dr. Macaraeg?" Mrs. Falem worriedly asked.
Sinagot siya nung doctor at ang naintindihan ko lang ay nasa malalang kalagayan si Xoul. Masyado nang marami ang white blood cells niya na hindi na ito marevive gamit ang compatible na dugo para sa kaniya. Namutla si Mrs. Falem sa narinig at napaluha.

BINABASA MO ANG
When Teary Clouds Met Us (When Series #2)
RomancePublished: March 26, 2021 Finished: June 30, 2021 (Book Cover isn't mine. It was made by an amazing author I knew.) When Series # 2 Meet Weshia Clodovea Contreras, she's just a happy girl and I don't think if she's having a normal life like her frie...