Chapter 23 ~ My Princess ~

6 0 0
                                    

AINSLEY'S POV

Tapos na ang operasyon ni Aki thank God dahil success ito. Hinihintay na lang namin siya ngayon sa room. Lumapit ako kay Tita Zyanna.





"T-tita pwede po ba kita makausap?" tumango siya. Mula nang dinala si Aki rito ay hindi mababakas ang pangamba sa kaniya. Yun kasi ang isa sa katangian niya, kaya niyang maging kalmado sa lahat ng sitwasyon kaya mahihirapan kang malaman kung nagsisinungaling siya o hindi.





"Ano yun?"





"Bakit po napunta si Aki sa'yo?" Hindi ako tumitingin sa kaniya kahit alam kong nakatingin siya sa akin, tanging sa paa ko lang ako nakatingin.





"Pinalipad agad ako ni Zoey ng Singapore. Matagal na akong may passport at may VISA rin ako in case na kailanganin kong umalis ng bansa. Nang makarating ako agad sa hospital na sinabi niya ay pinakilala niya sa akin si Aki, na na sa tatlong taong gulang pa lang noon. Ikaw naman ay naka-coma at ilang buwan kang tulog lang. Kinuwento lahat sa akin ng Mommy mo, hindi mo raw tinatrato ng maayos si Aki, ni ayaw mo siyang hawakan o tabihan sa pagtulog. Pag minsan raw na nahuhuli niyang tumitingin ka kay Aki ay lagi ka raw umiiyak. Tumungtong ng tatlong taon ang anak mo ni hindi mo siya nagawang lapitan, ni hawakan man lang." Tumulo ang luha ko, naaalala ko na ngayon kung paano ko siya tratuhin noon. Naging napakasamang ina ko sa kaniya.





"H-how come na alam niyang Mommy niya ako nung makita ko siya uli?"





"Dahil sinabi ko sa kaniya na hindi ako ang Mommy niya. I told her that I am her grandma. Lagi kong pinapakita ang litrato mo sa kaniya. Sinasabi ko sa kaniya na ito ang Mommy mo. Nung mag 7 years old siya pinaliwanag ko sa kaniya bakit siya na sa akin. I told her na may sakit ang Mommy niya and kailangan nitong magpagaling. Matalino siyang bata dahil sa murang edad ay naintindihan niya iyon. Kahit nung panahon pinakita ko siya ulit sa iyo tinawag ka niyang ate dahil sinabi ko na may sakit pa rin ang Mommy niya and try to understand but you always end up on hurting her." Sa pagkakataong ito tumingin ako sa mata ni Tita.





"I-I- I'm sorry... I-- H--Hindi ko kasi alam paano ko tatanggapin ang katotohanan noon. Na kahit kamukha ko naman siya, sa tuwing tinitignan ko yung ama niya yung naaalala ko. Na pag tumingin ako sa kaniya naaalala ko bawat detalye ng panghahalay na ginawa niya sa akin." Tumulo na naman ang mga pesteng luha ko.





"No need to explain yourself, I understand, we understand, mahirap naman kasi talagang mag move forward lalo kung lagi mo itong maaalala. But Ainsley you need to learn how to manage every situation in your life. Walang perpektong buhay, lahat tayo may flaws, lahat tayo may masalimuot na nakaraan, lahat tayo may nakaraang gustong balikan, lahat tayo may gustong baguhin sa nakaraan, lahat tayo ay may kasalanang pinagsisisihan ngunit hindi pa huli ang lahat para baguhin ang kasalukuyan. Maaari pang maitama ang pagkakamali sa nakaraan." 





"Your Tita's right, you need to learn how to face your fears and how to chase it away because it's either the two; you'll keep chasing it until it disappears, or it will keep chasing you until you surrender. The choice is yours," dugtong naman ni Mommy na nakikinig pala sa usapan namin.





Maya-maya lang ay may mga katok na kaming narinig kasunod ang pagbukas ng pinto. Nakahiga sa gurney bed na tulak-tulak ng mga nurses si Aki. Hindi tulad kanina, ay wala ng mga aparatong nakakabit sa kaniya. Inilipat na siya ng mga nurse sa higaan at agad akong lumapit doon. 





"Okay na po siya, hihintayin niyo na lang po siya magising and everything's fine na po pero maya-maya lang ay magigising na po siya. If you need anything just press the button para ma-alert po ang nurse station. Hindi niyo na po kami kailangang i-alert if magising po siya. Rest na lang naman po ang kailangan niya sabi ni Doc. Lane," sabi ng nurse bago siya sumunod sa mga kasama niya.





Find Me, I'm Lost (OLD VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon