AINS' POV
Sinisikap ko imulat ang mga mata ko pero napakabigat ng mga ito na kahit ano'ng subok kong buksan ay kusa itong sumasara.
Tinigil ko ang pagpipilit na buksan ang mga mata ko ng marinig ko si Mommy at Jeiah na nag-uusap. Gusto kong pakinggan upang malaman ko na ang totoo.
"Tita Zee, ano po ba nangyari kay Rainne?" tanong ni Jeiah.
"Rj, please lang Ains ang itawag mo sa anak ko," pakiusap ng Mommy ko.
"Pero tita Zee hindi mo anak si Rainne at kahit noon pa man Rainne na ang tawag ko sa kaniya," paliwanag ni Jeiah sa kaniya.
Hindi ko pa rin mawari ang pinag-uusapan nilang dalawa. Ang alam ko lang kailangan ko silang pakinggan para malaman ko na ang katotohanan patungkol sa akin. Kahit na sumasakit ang ulo ko ay sinisikap ko pa ring intindihin ang pag-uusap nila.
"Anak ko na si Ainsley kaya RJ, pwede ba? sundin mo naman ako? Para na rin sa ikabubuti ni Ains," muling sagot ni Mommy sa kaniya.
"Opo tita, pero pwede ko na po ba malaman ano'ng nangyari sa kaniya?" muling pag-usisa ni Jeiah.
"Ganito kasi yon nagkaroo---" naputol ang sinasabi ni mommy dahil sa pagkatako ng kung sino man. Argh!!! nakakainis naman kung sino man yung panira na yun.
"Doc, how's my daughter?"
"Miss, let's talk outside"
Ano ba yan, bakit ayaw pagbigyan na malaman ko ang totoo? Kung ayaw talaga nila sabihin ay aalamin ko mismo sa sarili ko.
Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko at kinakausap ako.
"Rainne, gumising ka na, hindi ko alam bakit hindi mo na ako maalala pero sana maging magkaibigan tayo," sabi sakin ni Jeiah na may malungkot na tono at napagtanto kong umiiyak sya dahil napatakan ng luha niya ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Find Me, I'm Lost (OLD VERSION)
RandomReine Alessia Mendez had a turbulent past. Her life became untold because of the memories that she cannot remember. She dreams about everything but she didn't know if it's verifiable or it's just a fantasy made by her own mind. Her lover was about t...