Chapter 7 ~ Tragic Dream ~

19 7 0
                                    

AINS' POV



Mag-a-alas dose na pala, hindi ko na namalayan ang oras. Malamang ay nag-aalala na sa akin si Mommy at Tita. 




"Jeiah, let's go home baka hinahanap na ako ni Mommy," sabi ko naman kay Jeiah na siyang kasama ko pa rin ngayon.




"Sure, ihahatid na kita." 




"No, I will go home alone," pagigiit ko sa kaniya.




"Hindi pwede," pagpipilit naman niya.




"Jeiah, I can take care of myself and as we all know hindi dalikado dito sa Singapore kahit anong oras pa yan," pagkasabi ko no'n ay tumakbo ako ng mabilis para tiyak na di niya ako maabutan. Kailangan ko nang makauwi dahil tiyak na naghihintay na si Mommy. 






LUMIPAS lang ang ilang saglit ay nandito na ako sa tapat ng bahay. Malakas talaga ang kabog ng dibdib ko dahil kinakabahan ako. Panigurado'y mapapagalitan ako ng todo ni mommy napaka-over protective pa naman sa akin no'n.




"WHERE HAVE YOU BEEN?" Napapikit ako ng mariin dahil pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pinto ay iyon na ang bungad sa akin ni mommy.




"I-I'm sorry, Mommy," nakayukong sabi ko.




"ALAM MO BA GAANO AKO NAG-ALALA SA IYO," high pitch pa talaga ang boses niya.




"Mommy, nag-iwan naman ako ng letter para hindi ka mag-alala."




"At ano? Gusto mong yun lang ang panghawakan ko? Ni hindi mo man lang sinabi kung saan ka pupunta at sino ang kasama mo," hays! sabi na eh, mapapagalitan ako ni Mommy.




"Zoey, tama na yan," sabi ni tita na kalalabas lang ng kwarto kasama si Aki.




"Mommy, where have you been?" sabi ng batang kumakaripas pa ng takbo papunta sa akin. Naitulak ko siya sa gulat ko ng bigla niya akong yakapin.

Find Me, I'm Lost (OLD VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon