AINS' POV
I still have chance para mapasaakin yung lalaking pinapangarap ko. Hindi na ako basta-basta susuko. Alam kong muntik na akong sumuko dahil yun na lang ang nakikita kong solusyon pero hindi ko kayang mapunta siya sa tulad ni Cara. Mas pagsisisihan kong ipaubaya siya sa taong tulad niya kaysa sa sumuko ako dahil kailangan. Hindi ko alam ano'ng nangyari kay Cara kung bakit siya nagkagano'n. Hindi naman kasi gano'n ang ugali niya pero totoo nga naman kasing nagbabago ang lahat ng tao.
Ngayon ay pupunta ako sa cemetery kung saan nakalibing ang parents namin ni Ate. I'm with Aki, Jeiah and Ate pero after no'n ay iiwan kami ni ate dahil tutuparin ko yung promise ko kay Aki na pupunta kami ng Magical Express. Ang cemetery ay pag-aari ng family namin dahil sa pamilya pa lang namin may namamatay kaya naisipan daw yon ipaggawa ni Mommy. Sa town na ito hindi lang kami ang nakatira though nakabukod ang village namin. May mga hotels and condo rin dito at naging tourist spot na rin kasi ito. May school na rin dito na pagmamay-ari ng family ni Cara.
Kung ako ay bibigyan ng chance na magtayo ng business, photograpy museum ang gusto ko. Nag-aral ako ng photography bago mag university noon at tanging si Mommy lang ang nakakaalam dahil siyempre siya nagpaaral sa akin. Certified Professional Photographer ako sa Singapore pero ngayong nakakaalala na ako pangarap ko pa lang maging writer and director nung bata ako.
"Mommy aalis na raw po tayo," sabi ni Aki na siyang pumasok ng aking silid.
"Okay, baby girl," patayo na ako ng pumasok si Tita Mommy sa room ko.
"Ains, here," may inaabot siya sa aking naka-envelop. Kinuha ko naman yo'n at agad na binuksan. Nagulat ako ng makita ang laman no'n.
"Mom, ito yung---" hindi pa rin ako makapaniwala.
"Yes baby, dala-dala na ni Aki ang surname natin." Sa sobrang tuwa ko ay agad akong lumapit para yakapin siya.
"Thanks, Mom,"
"Saliiii," sabi ni Aki at lumapit sa amin para makiyakap. Nagpaalam na ako dahil malamang kanina pa kami hinihintay ni Ate at Jeiah. Nang makababa kami ay hindi nga ako nagkamali dahil pareho na silang na sa sasakyan. Si Ate ang magmamaneho at si Jeiah ang na sa passenger seat. Pumasok na kami ni Aki sa sasakyan at agad naman iyong pinasibad ni Ate.
"Ate, malayo ba yung cemetery?"
"Hindi naman within 10 minutes siguro andoon na tayo," sagot niya ng hindi lumilingon.
Kinakabahan pa rin ako sa totoo lang, hindi ko naman kasi inaasahan na ganito na ang magiging pagtatagpo namin ng magulang ko mula nung umalis ako.
"A-ate, next time na lang pala h-hindi pa ako ready," naramdaman kong hinawakan ni Aki ang kamay ko kaya nilingon ko siya.
"Mommy, you're ready but you're afraid," tama naman siya ready ako pero takot lang ako. Ang talino talaga ng batang 'to.
"Galing naman ng batang iyan," sabi ni ate sabay tawa, "Saka Ainsley, ngayon ka pa ba aatras kung kailan nakakaalala ka na?" dugtong naman niya. Well tama naman siya kaso natatakot talaga ako, hindi ko pa kaya.
"Baby, tama ang Ate mo, malamang in heaven gustong-gusto na rin nila Tita Aiko at Tito Ryker," sabi naman ni Jeiah.
"Oo na, talo na ako," napahalakhak sila.
BINABASA MO ANG
Find Me, I'm Lost (OLD VERSION)
RandomReine Alessia Mendez had a turbulent past. Her life became untold because of the memories that she cannot remember. She dreams about everything but she didn't know if it's verifiable or it's just a fantasy made by her own mind. Her lover was about t...