Chapter 28 ~ Wedding ~

12 0 0
                                    

AINS' POV


Naglalakad ako sa isang lugar na parang katulad ng Reina's Garden. Maganda ang lugar at kung ika'y may problema tiyak na mapapawi iyon ng lugar na ito. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at tila'y may hinahanap ako.




"My Princess," napalingon ako kinaroroonan ng tinig.




"S-sino ka po?" rinig ang kaba sa boses ko. Hindi ko kasi makita ang mukha ng taong na sa harapan ko ngayon.




"Come here, baby." Hindi ko alam kung bakit tila nais ko siyang lapitan kahit di ko siya kilala. Naglakad ako patungo sa kaniya at laking gulat ko nang makita ko ang lalaking na sa harapan ko.




"D-da-daddy, i-ikaw po ba yan?"




"Yes baby, ako nga," agad ko siyang sinugod ng yakap at ganoon din ang ginawa niya.




"Daddy," sunod-sunod na ang pagtulo ng mga luha ko.




"I'm sorry, baby, kung wala na si Daddy sa tabi mo para protektahan ka, sorry kung hindi ko naibigay yung pamilyang gusto at nararapat para sa inyo ng Mommy mo." Hindi pa rin ako umaalis sa pagkakayap sa kaniya.




"Don't say that, yung binuhay niyo ako ni Mommy ay isang malaking bagay na para sa akin. Thank you dahil pinaparamdam mo pa rin na mahal mo ako, kami ni Mommy. Alam mo Daddy kung ano ang wish ko?" Umalis na ako sa pagkakayakap sa kaniya at tinignan siya ng mata sa mata.




"Ano yun?"




"Yung mayakap ka Daddy, and ngayon ang wish ko na lang ay yung mayakap kayo ni Mommy ng sabay. H-hindi ko kasi naramdaman yon, kahit sa panaginip man lang mabuo man lang tayong tatlo," sabi ko sa kaniya.




"Sorry, I'm late dear," lumingon ako sa pinanggagalingan ng pamilyar na boses. Alam kong boses yo'n ng Mommy ko.




"M-mom, is that you?" Naglakad palapit sa amin ang babaeng nagsalita kanina. Agad akong tumakbo papalapit sa kaniya upang hatakin palapit kay Daddy.




"Yes baby, I'm here," napaluha ako sa kasiyahang nararamdaman ko.

Find Me, I'm Lost (OLD VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon